42

42 4 1
                                    

Scarlet.

Nagising ako sa isang puting kwarto. Nakita kong may mga naka kabit sa akin.

Unang tingin palang alam kong nasa ospital ako.

Luminga linga ako kung may iba pa bang tao sa kwarto na 'to. Napapikit ako nang maramdaman ko ang kirot ng mga hita at binti ko.

"Can't you see?! Delayed ang flight natin!" Kean said. I know it's him. Nasa labas yata sila.

"The hell! Bakit, may idea ka ba kung sino ang may gawa nito sa kanya?! Buti nga at ako ang nakakita na may mga taong nagkulumpulan kung nasaan siya. Letche naman oh! Ano bang pinaglalaban mo?!" Si Lane 'yon. Ako ba ang pinagtatalunan nila?

"Come on, Lane. Idedemanda lang naman natin eh."

"Bakit hindi muna natin tanungin si Scar kung si Red ba 'yon? The hell Kean, maghunos dili ka. Nawala lang naman si Red for some reasons kasi nga diba sasabay na siya sa'tin sa Pilipinas?!"

"Enough with bullshits. Let's check on her." ramdam ko ang pagbukas ng pinto.

"Scarlet? Oh thank god you're awake!" Lane said as she hurriedly hugged me. Napa-aw nalang ako kasi nga medyo kumirot 'yung katawan ko.

"Hey nasasaktan siya." dahan dahang bumitaw si Lane.

Napatingin ako sa kanilang dalawa. Naiyak ako bigla. Pansin kong medyo nataranta silang dalawa kaya nagpunta si Kean sa kaliwa ko, at si Lane sa kanan.

"Alin ang masakit?" they both asked.

Umiling ako, I signaled for a hug. I cried.

I was so scared.

"Shh, tahan na." sabi ni Lane habang hinahagod ang likod ko.

"Totoo bang delayed na ang flight natin?" I asked. I feel sorry.

"It's fine. Pwede nating ire-sched kapag okay ka na." Kean said.

"I-ilang araw ba akong nawala?"

"You were gone for two days. We found you sa tapat ng isang magarang mansyon at pinagkukumpulan. You were asleep for three days." Kean said.

"Alam mo ba kung sino ang may gawa nito sa'yo?"

Bigla akong natulala. Basta ang alam ko, hindi naman mansyon ang pinagdalhan sa akin. Isa 'yong madilim na lugar.

And the woman.

I cussed silently, hinayaan naman niya akong makatakas eh. Sasabihin ko ba?

"Scarlet?" they asked nang pansin nilang natulala ako.

"I can't remember who she was."

Scarlet {on-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon