59

26 2 0
                                    

Scarlet.

Mag-isa akong nandito sa unit ko. Buong araw na akong kinakabahan dahil kay Lane. May mali sa kanya. At hindi ko alam kung ano 'yon.

Hindi ko nga rin siya nakasabay nung uwian. Hindi ko alam kung may nakakainis ba sa first day para sa kanya, or kung may nakita siyang hindi maganda.

And as for me, too, I don't even know kung maganda mga ba 'yung salubong nung first day sa'kin.

Nakatitig lang ako sa phone ko. Trying to type something and send it to her. But I don't know how to start.

So, instead, I called her.

Ringing...

[Hello?]

“Lane! Uh, I mean, hello din. Just want to ask you, okay ka lang ba earlier?”

[Oo nga pala. Sorry about kanina, kung naging cold ako. Don't worry, wala kang kasalanan. May nakita lang akong walang kwentang tao.]

“Oh, the guy kanina? Bakit? Ex mo?”

[Hindi, ex mo.]

“Ex ko? Hoy hindi ko nga kilala 'yon!”

[Hahaha! Ex ng kaibigan ko 'yun dito.]

“Ay by the way, speaking of your friend. Sabi mo ipapakilala mo siya sa'kin?”

[Hmm, sa weekends nalang.]

“Sabagay, baka may pasok siya, 'no?”

[Kung buhay lang sana siya.]

“Ano? Uy hanap ka signal can't hear you.”

[Ayan eto okay na?]

“Yah, ayun. Anong sabi mo kanina?”

[Ah, wala. Sabi ko basta promise sa weekends.]

“Okay.”

“Um, nasa'n ka? May naririnig akong iba't ibang boses sa background mo.”

[Reunion sa bahay. Mga friends ko din sila. Gusto mong mag-video call?—VIDEO CALL?! —SIGE VIDEO CALL!!—shh guys ingay!]

“Eh? Haggard ako.”

[Pake ba nila?—Oo nga pake ba namin hahaha!]

“Uh, okay?”

Pinindot at inayos ko ang camera ko. Hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa ng sarili.

Nung makita ko kong gaano sila karami dun ay inilapag ko yung phone ko para kisame lang nakikita.

“Hoy ang dami niyo naman pala.”

[Hi Scarlet! Nakita kita kanina—Ako rin!—Shh! Ingay.]

“Haha, ano happy na ba? Sleep na ako agad guys.”

[Ay ano ba yan.]

Tinapat ko na sa muka ko yung camera ko.

“May eyebags na ako guys. Let me sleep haha.”

Feeling close ko naman pala sa mga taong 'to. Parang ano.

[Aww oo nga sige good night Scar!]

“Good night, see you all tomorrow!”

[Bye!]

End call.

But seriously, close ko ba talaga 'yung mga taong 'yun? Teka ba't napaka feeling ko naman? Bahala na.

-

Sorry for the looooong wait. Nawriter's block ako huhu. Anyway one updater kada araw uli. Depende kung morning, or evening. Depende rin pag sinipag ako hehehe.

Scarlet {on-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon