56

29 3 0
                                    

Scarlet.

Alas tres na ng umaga pero heto ako, dilat na dilat pa rin. Nakatulog kasi ako ng hapon kaya eto ako, gising sa gabi.

Kahit subukan kong isipin na inaantok ako, wala eh. Kaya bumangon ako at nagtimpla ng gatas.

Napansin kong nakabukas ang bintana ko kaya sinara ko ito. Isasara ko narin sana 'yung blinds pero nahagip ng mata ko 'yung isa—dalawa? Oo, dalawang silhouette ng tao sa may garden. Halatang nag-uusap. Nando'n sila sa madilim na part.

Alas tres ng umaga? Hindi ba dapat nasa kanya-kanyang kwarto na sila? Wala bang curfew 'yung garden ng place nito?

Nagkibit balikat nalang ako at nag-tungo muli sa kwarto ko para don inumin 'yung tinimpla kong gatas.

Sinilip ko rin 'yung phone ko at nakitang nag-chat pala sila Lane.

Lane : hoy

Lane : HOY 7 AM SHARP HA

Lane : nanyo di kayo nasagot

Lane : letse mauuna ako bahala kayo

Lane : HOY PATI SILA KEAN AT RED HINDI NASAGOT?!

Lane : HOY!!!1!!1!

Lane : SCARLITA

Lane : $#3t aUq n4 pUM4$0k

Lane : ang jeje kainis

Lane : hOY ANUNA

Lane : baka tulog kayo hays. sige na GOOD NIGHT HMP!!!1!1!!

Lane : see you bukas. wag nyo kong indian-in ah.

Lane : mwa

Natawa nalang ako. Baliw talaga.

---

*alarm tone rings*

Naalimpungatan ako. 5 am palang. Pinindot ko 'yung snooze. Di keri eh.

Thirty minutes later

*alarm tone rings*

For real.

Bumangon ako at pumunta sa banyo. Tinignan ko ang mga mata ko sa salamin at napabuntong-hininga. Sinong hindi mapapabuntong hininga sa eyebags ko? Sabagay, kasalanan ko rin.

Gumawa ako ng breakfast at ilalagay ko na sana sa table nang may nag doorbell.

Napairap ako sa kawalan at nagtungo do'n. Ah, si Kean.

"Yo, good morning." bati niya kaya napangiti ako.

"Good morning din."

"Good morning uli, para sa eyebags mo." sabi niya sabay tawa. Sinuntok ko 'yung braso niya bago umirap at bumalik sa table.

"Hoy anong breakfast mo?" napasilip ako sa kanya.

"Egg sandwich and fresh milk." sabi ko lang.

"Ako toasted bread lang tska fresh milk eh." napataas naman ang kilay ko.

"Tinatanong?"

"Sungit."

Nang matapos akong mag-almusal ay tinaboy ko na si Kean dahil nga mag-aayos na ko. Ganun din siya.

---

"Lez goooo!" hype na sabi ko. Naglalakad kaming tatlo papuntang elevator bitbit ang sari-sarili naming bag annnd of course, car keys.

"Lagot, 6:45 na, mahaba haba byahe natin." natawa kami sa sinabi ni Hiro.

"Hayaan na. 8:40 pa klase natin eh." sabi ko nalang.

Habang nasa elevator kami ay tinext ko na si Lane na hindi kami makakarating ng 7 am sharp. 7:15 to 7:30 daw ang grace period, ayos lang sa kanya kasi hindi parin siya nakakapag almusal, bilhan ko daw.

Nauna na sila Kean at Hiro ng tinahak na daan, hindi yata nila napansin na tumigil ako sa mcdo.

Bumili ako ng pang almusal ni Lane. Wow lang ah.

Pag sakay ko ay pinaharurot ko na agad ang kotse ko.

Kean calling...

In-activate ko 'yung bluetooth ng kotse ko. Mahirap na, baka mahuli ako ng enforcer.

"Yep?"

"Hoy, nasan ka?"

"Binilhan ko ng food si Lane."

"Exact location?"

"Nah I'm fine here. No worries."

"Malapit na kami sa school."

"Yah, wait niyo nalang ako sa parking."

"Sige. Bye, ingat."

Few minutes later ang voila, nasa school narin ako. Pinakita ko ang ID ko sa guard at pinapasok na ako.

Di kalayuan ay nakita ko ang nakatayong sila Lane, Kean at Hiro sa tapat ng kotse ni Hiro. Pansin ko ang pag-tingin ni Lane sa orasan niya. I smirked.

Napansin naman yata nila ang pag dating ko kaya heto, napa-yes pa nga si Lane ayon sa nakikita kong gestures niya.

Bumaba ako bitbit ang bag ko at ang susi ng kotse ko. Tinitigan ko muna si Lane bago kunin 'yung binili kong pagkain niya at hinagis ito sa kanya.

"Hoy grabe!" natatawang sabi niya. Dahan dahan kong inabot 'yung hot choco niya.

"Ayan ah. Quits na." sabi ko.

Natatawa siya habang naglalakad kami. Napaharap siya sakin at napatitig.

"Shit." biglang sabi niya sabay tigil.

"Alisin mo 'yang glasses mo, Scar. Please." napataas ang kilay ko. Ngayon lang ba nilang napansin na nag glasses ako dahil may astigmatism ako?

"Please. Kamukhang kamukha mo siya."

Hindi ko narinig 'yung huling sinabi niya pero ewan ko sa sarili ko, dahil tinanggal ko ito at inilagay sa lagayan at ipinasok sa bag.

She smiled, and then we headed to our designated rooms.

--

simula na po ng on-hold. huhu.

Scarlet {on-going}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon