Si Don po ang nasa Multimedia <3
•JOMEL•
"Jomeeeeeeeel!!!" Tili na nakapagpalingon sakin. Si Cyrile ang bestfriend ko simula nung grade school ako.
Omayfuckingshit fuck shit! Anong ginagawa ng baklang to dito?
Agad syang lumapit sakin
"OMG ang hot! Bek hmp" agad kong tinakpan ang bibig nya
"Ah eh! Seb u-una na k-kami, malalate narin kasi kami!" Baling ko kay Eusebio. Hindi ko na sya hinintay pang makasagot at hinatak ko na si Cyrile palayo.
Nang alam kong malayo na kami agad kong syang binitawan at nahulog sya sa lupa at animo'y namatay
"Hoy Cyrile Bading alam kong nakakahinga kapa! Tumayo ka jan! Leche ka muntikan mo na akong ipahamak! Di nun alam na bakla ako. Malaking gulo pag nagkataon bwisit ka!" Mahabang litanya ko sakanya
Sya lang ang taong pinagsabihan ko na bakla ako. Hindi naman kasi talaga halata sa hitsura ko na bakla ako. Porma at kilos lalaki kasi ako kaso medyo shytype ganon. Pogi rin naman ako kaya wala talagang nakakaalam bukod sakin at kay Cyrile
"Hoy bakla ka! Wag mo akong ineeme! Kahit nung nakatalikod ka kanina alam kong bakla ka! Halatang Kloseta ka bakla! Wag kang A+ bakla ka! Nadumihan pa ako letse ka!" Sabay ismid nito at tayo sa lupa
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya
"Alam mo ikaw naiinis na ako sayo. Ang tagal kong di nagparamdam di mo manlang bungad sakin na 'Miss na kita bes' letse ka wala karing support e no!" Irap nito sakin
"Osige na! Miss na kitang bakla ka! Anong ginagawa mo rito aber?" Tinarayan ko rin sya
Actually sya lang ang nakakapagpalabas ng kabaklaan sakin kaya minsan blessing narin na wala sya sa paligid ko para di natritrigger ang kabaklaan ko
"Wala ka bang napapansing iba sakin?" Tanong nya sabay ngiti nang pagkalawak
"Kilay mo?" Takang tanong ko on fleek kasi ang kilay nya e
"Bakla ka normal na yan!" Sabi nito sabay hampas sakin
"Yang bibig mo?" Pulang pula kasi para sinapak ng tatay nya
"Yung uniform ko bwisit ka!" Sabi nya sakin. Tumingin naman ako roon
Ano namang iba sa uniform nya? Bukod sa katulad ng uniform ko? Katulad sa Uniform ko? Teka? ANO?! KATULAD NG UNIFORM KO ANG UNIFORM NYA?!
"B-Bakla?" Nasabi ko sabay ng pagbilog ng mga mata ko
"Ikr! I am very happy to be your schoolmate again beks! I know na maraming fafa sa All boys exclusive school!" Sabi nito sabay kinang ng mata at flip ng 2 by 3 nyang buhok
"Bawal ka roon! Bakla malalaman nilang bakla rin ako!" Kinakabahang sabi ko sakanya
"It's the right time honey. Tagal mo na jan sa closet mo! Tsaka ano ba! Arte mo naman. Katulad ng sinabi ko sayo kanina. Halata namang bakla ka. So no wonder alam sa school nyo na bakla ka wala lang nagaapproach sayo para iconfirm! Duh! Tara na nga late na tayo sa unang araw ko sa school nyo" mahabang sabi nya sabay hila sa kamay ko
"IM DEAD!" Nasabi ko nalang
•EUSEBIO•
Nakatikim ako ng batok kay Don. Nasabi ko kasi sa kanya na muntikan ko nang masabi kay Jomel ang mga plano naming dalawa. Mabuti nalang at may sumingit na bakla
BINABASA MO ANG
Tayo Parin Hanggang Dulo
RandomEveryday Updates! Xoxoxoxoxox This is a M2M story, a boyxboy, yaoi, gay or whatever you call. Basta this is a love story between two men, kaya kung hindi ka into this kind of story, ALIS NA! Hanap ka iba, yung suit sa katulad mong close minded!