Si Prince po ang nasa Multimedia <3
•JOMEL•
Finally at uwian na. Kanina pa kami magkasama nito ni Cyrile at hindi talaga nauubusan ng sasabihin tong baklang to ni hindi ko nga alam kung pag-aaral ba ang pinunta nito rito o paglalandi lang e. Kanina pa yan paalis alis tapos babalik na may condense milk sa bibig! Unti unti na talagang lalabas ang buntot ko dahil sa baklang to e
"Oh akala ko susunduin ka ni fafa Prince sa room mo?" Napansin nya atang wala si Prince
"Tinext ko. Sabi ko sa labas nalang kami ng school magkita" oo nga pala di ko nasabi sainyo na nagkakatext na kami ni Prince simula nung interaction namin sa park
Sobrang unexpected nito. I mean nung nakaraan lang parang wala lang. Ngitian lang sa isat-isa, ngayon close na close na! Myghaaaaad! Sobra talaga akong kinikilig hihihi! Nagiging ganap na bakla na talaga ako!
"Hoy Bakla! Kanina pa ako nagsasalita rito! Di mo ako pinapakinggan" taray nito sakin
"Saka na kita papakinggan, pag may sense kana!" Basag ko sakanya
Hindi naman nya ako pinansin dahil may nakita nanaman syang lalaki! Pang lima na to ha
"Ay wait bakla ha may pupuntahan lang ako" saka umalis at sumunod doon sa lalaking nakatingi din sa kanya kanina pa
Abaygago yun ah! Iniwan nanaman akong mag-isa dito, kung hindi ba naman siraulo.
Anyway wala na rin naman akong magagawa isa pa may usapan kami ni Prince at bago magshut down yung phone ko kanina napag-usapan namin na sa labas ng gate magkikita.
Hindi parin talaga ako makapaniwala na medyo close na kami sa isa't isa at yung fact na sya pa talaga yung gumagawa ng paraan. Ni sa hinagap ay hindi ko to naisip hahaha!
"Jomel! Mabuti naman at lumabas ka na!"
"D-Don?" Matamis ang ngiti nito sakin na parang walang nangyari kagabi. Ang weird ng isang ti seriously!
Pero napansin ko ang porma nya. Naka dark green na polo shirt at itim na Jagger ripped jeans na tinernuhan din ng itim na yeezy. Tapos yung pabango nya! Hmmmm! Ang bango fuckshit! Lalaking lalaki ang amoy. Nako kung hindi ko lang to kakilala malamang nagkagusto na ako rito
"Bat ba wala kang paramdam ha?" Inis kong tanong dito
"Tara sama ka sakin" hindi naman nito pinansin yung sinabi ko at hinawakan ang kamay ko
Bigla akong nakaramdam ng something. Weird!
Binawi ko ang kamay ko rito "Bakit ka muna hindi nagparamdam?" Seryoso akong nakitingin sa mata nya. Bigla namang kumabog ang dibdib ko . Fuck?!
"Sumama ka sakin at malalaman mo!" Nakatingin din sya saakin. At yung tingin nya. May SOMETHING!
Di ko kinaya ang tinging iyon kaya binawi ko na ang akin
"Saan naman tayo pupunta?" Sabay baling ko nalang ng tingin sa motor nya
"Hihihi!" Hagikhik naman nya
"Ano namang hinihihi mo r'yan? Para kang kinikilig?" Weird talaga nitong lalaking to
"Wala wala! Tara na sumama ka na sakin. Dami mo pang tanong e!" Saka inabot sakin ang isang helmet
"Saan nga kasi tayo pupunta?" Pangungulit ko rito.
Hindi naman sya ganito dati. Pag tinanong ko sya sasagot agad. Ngayon ang dami pang pasakalye.
"Gusto mo talagang malaman?" Paninigurado nito
"Malamang sasama ako sayo tapos hindi ko alam kung saan mo ako....... hoy a-no y-yan?" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko at seryosong nakatitig sa mga mata ko.
"Sasama ka ba talaga oh ano?" seryoso ang boses nito
"Saan nga ba kas....." napapikit ako at napatikom. Paano ba naman mas nilapit pa nya ang mukha nya. 2 inches nalang at magdidikit na talaga ang mga mukha namin.
Nalanghap ko naman ang hininga nya. Colgate! Ang bango!
"Uulitin ko sasama kaba sakin oh hindi?" Ngayon ramdam ng mukha ko ang bawat hangin na nilalabas ng bibig nya kasabay ang mga salitang iyon. Kumabog nanaman ang dibdib ko! Shet ano ba tong nangyayari sakin
"S-sasama!" Utal kong sagot dito
"Good! Tara na! Oh!" Sabay abot ng helmet sakin at diretso sya sa motor nya .
Hay, at nakahinga ako nang maluwag! Fuckshit! Ano bang nangyari doon? Bat biglang naging ganun yon? What the fucking shit?
Wala na akong nagawa at umangkas narin sa motor nya.
"Akala ko forever ka nang tatayo roon e" reklamo nya
"Tse!" Nasabi ko nalang at humawak sa balikat nya
"Wag ka jan humawak dito" saka kuha sa kamay ko at nilagay sa tiyan nya
Naramdaman ko na nahahawakan ko ang abs nya. Tigas shit! Kinabahan ako bigla.
Ano ba tong nangyayari sakin? Tae kanina pa to ha!
"Excited ka na ba?" Tanong niyo sakin sabay pinaandar ako motor nya
"Paano ako magiging excited e hindi ko naman alam kung saan tayo pupunta?" Inirapan ko naman sya kahit hindi nya kita
"Basta simula ngayon magbabago na ang lahat. Lalo ako sayo!" At binilisan nya pa lalo ang pagpapatakbo sa motor nya na dahilan upang mas kumapit pa ako lalo sa kanya
"HOY! Ano ba?! BAGALAN MO NAMAN!" Reklamo ko rito
"Wag kang mag-alala, walang mangyayaring masama sayo hanggat nandito ako"
Wtf? Ano ba talagang nangyayari?
•Someone's Pov•
"Nasaan ka naba?" Iritado kong tanong sa kausap ko sa telepono
"Chill ka lang di yan aalis" sagot nito sakin
"Anong hindi aalis? E nakaalis na nga e! Kasama na si Don! Bwisit ka naman oh! PALPAK KA TALAG E! BWISIT! AYUSIN MO TO HA! Kung hindi alam mo na" Sigaw ko sa kanya! sabay patay ng teleponong hawak ko
"BWISSSSSIT!" Di ko mapigilang sigaw at bato sa cellphone ko sa kung saan!
Mang-aagaw talaga tong Jomel na to e! Humanda ka saking bakla ka! Magiging impyerno na ang buhay mo! Hintayin mo lang!
---------
Author's note:Hanggang dito nalang po muna ang Chapter 5 ng "Tayo Parin Hanggang Dulo" salamat po sa 50 views hahahaha!
Sensya if bitin bitin at medyo boboring ng mga chaps! Sorry!
Alot of things will happen so stay tune! Dont forget to Vote and comment sa mga gusto nyong part! <3
BINABASA MO ANG
Tayo Parin Hanggang Dulo
De TodoEveryday Updates! Xoxoxoxoxox This is a M2M story, a boyxboy, yaoi, gay or whatever you call. Basta this is a love story between two men, kaya kung hindi ka into this kind of story, ALIS NA! Hanap ka iba, yung suit sa katulad mong close minded!