•DON•"Ang sakit sakit pare! Hindi manlang nya ako hinabol at niyakap! Ayun lang naman yung hinihintay ko nun e, ang habulin nya ako at suyuin!" Hagulgol ko sa harap ni Eusebio ang kaibigan ko sabay lagok sa hawak kong bote ng alak
Narito kami ngayon sa terrace nila at nag-iinom, ayaw man nya ay wala syang magawa dahil may problema ako. Sinabi ko narin sa kanya na magkasama si Jomel at Prince kanina. Pati yung feeling ko na may gusto si Prince kay Jomel ay sinabi ko rin. Hay tuwing naalala ko yung sinabing nyang magkasama silang dalawa ni Prince parang tinutusok talaga ako e
"E gago ka pala pre e! Hindi naman kayo. Ni hindi nga nya alam na mahal mo sya e. Tapos mageexpect ka na hahabulin ka nya? Abno kaba? Nakakahiya ka tnga" Sabay bato sakin ng boy bawang na pulutan namin
Lumagok ulit ako ng alak sa boteng hawak koTama nga naman sya. Hindi naman kami at wala rin syang alam sa nararamdaman ko para sa kanya. Tapos umakto pa ako nang ganun. Nakakahiya nga!
"E ano na ang gagawin ko pre?" Tanong ko kay eusebio
"Aba ewan ko! Ikaw ang gumawa ng sarili mong paraan!" Sabay ismid nya saakin
Alam ko na ang karakas ng isang to! Kailangan nito ng kapalit.
"Ano bang gusto mo?" Tanong ko dito patungkol sa kapalit ng gagawin nyang pang tulog sa kahihiyang ginawa ko.
"Alam na alam mo pre ha?" Sabi nya sakin sabay tawa
"Oo ang gulang gulang mo" biro ko naman sa kanya
"May bagong labas na FHM ngayon, alam mo na ha" Sabay thumbs up pa sakin
"Malibog ka talaga e no! Sige deal! Basta siguraduhin mong effective yan ha!" Paninigurado ko sa kanya
"Oo tiwala ka lang" sabi nito at sinenyasan akong ilapit ang tenga ko sa bibig nya.
Bumulong sya sakin. Dinetalye ang lahat ng mga dapat kong gawin
"Sigurado ka bang gagana yan? Parang ang baduy e!" Tanong ko rito.
"Bahala ka. Basta pag naunahan ka wag kang magiiyak iyak sakin ha!" Sabi nito sakin
Shet! Ito na nga ba talaga ang oras? Kinabahan tuloy ako bigla na medyo excited. Hay bahala na nga!
Kahit hindi pa tapos ang inuman namin ay pinaalis na ako ni Eusebio, para daw ayusin ang pinlano nyang hakbang na gagawin ko. Sinabi rin nya na huwag na raw akong pumasok bukas at huwag ko rin daw sagutin ang mga tawag at texts ni Jomel na ngayon nga lang ay nagtetempt akong sagutin dahil halatang nag-aalala ito sakin.
Pinatay ko nalang ang cellphone ko at binulsa baka di pa ako makapgpigil at sagutin ko iyon.
Actually matagal ko nang alam na iba si Jomel. Na nagkakagusto sya sa mga lalaki. Halata ko naman sa kanya yun e at halata ko rin ang medyo malamya nyang kilos. Ewan ko imbis na mainis ako at layuan sya, mas pinili ko parin ang palaging syang lapitan at gawing bestfriend. Ayun pala dahil gusto ko na sya. Mabait sya at hindi mahirap magustuhan, mabait na anak, mabait na tao sa iba, mapagkumbaba, masipag, matalino at may pangarap sa buhay. Kahit medyo angat sa buhay ay sobrang down to earth at hindi spoiled brat.
Hindi ko rin alam kung kailan nagsimula na nagustuhan ko si Jomel, basta ang alam ko lang, tuwing nandyan sya di ako mapakali, napapangiti ako, nagliliparan ang mga paro-paro sa tiyan ko, parang mauutal ako, nappatulala ako sa kanya. Pag hinahawakan naman nya ako naninigas at nilalamig ako. Pang ngumingiti sya sakin natatameme ako, di ako makatulog, napapanaginipan ko sya.
Mahal na mahal ko sya kaso natatakot ako na aminin sa kanya. Dahil natatakot akong husgahan kami nang maraming tao. Natatakot din akong masira ang kung anong pagkakaibigan na meron kami dahil sa nararamdaman ko para sa kanya.
Pero siguro oras na para harapin ko ang takot ko. Alam kong gusto nya si Prince at unti-unti na silang nagiging close. Baka maitsapwera pa ako at magsisi sa dulo dahil hindi ko manlang nagawang aminin sa kanya ang nararamdaman ko.
Dahil sa pag-iisip di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin.
Bago ako pumasok ay isang desisyon muna ang pinakawalan ko
"Handa na akong umamin!"
•JOMEL•
Kakaalis lang nila mama at papa para pumasok sa kani-kanilang trabaho. Eto ako ngayon nakabihis na sa sala at hinihintay si Don na hindi ko nga alam kung susunduin pa ako dahil kagabi pa hindi nagrereply sa mga tawag at texts ko sa kanya.
Hindi ko ba alam doon. Bakit naman nya ako hinintay ng halos limang oras kahapon? Tapos parang nawala sa mood nung sinabi kong kasama ko si Prince. Hay ewan ang labo rin ng isang yun e.
Sinubukan ko nalang ulit syang tawagan.
"The number you are calling is busy now, please try your call later" aba at mukhang may kasama pa atang babae yun ha! Paenglish english pa!
Ang agang harutan! Bahala nga sya sa buhay nya, basta ako papasok!
Inayos ko na ang mga gamit ko at inunplug lahat ng appliances namin, maganda na't sigurado para iwas sakuna hahaha. Ni lock ko narin ang pinto at lumabas sa gate namin.
6:30 am palang. May 30 minutes pa ako kaya maglalakad nalang ako para exercise narin tutal malapit lapit lang din naman ang school dito sa bahay. Pwedeng i tricycle or jeep, depende sa gusto mo.
Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada nakita ko si Eusebio ang malapit na kaibigan ni Don na kumakain sa malapit na tapsilogan. Ah baka alam nito kung nasaan si Don
"Seb!" Tawag ko sa kanya na agad namang napalingon sakin
"Oh J-Joms? M-Musta na?" Sabi nito na halata sa mukha ang gulat
"Oh bakit para ka namang nakakita ng multo?" Takang tanong ko rito
"M-Multo? Ah eh ano.. kasi ano.... may multo, oo may multo nga ayun oh!" Sabay turo nito sa kung saan. Ts. Ang corny corny talaga.
"Wag mo nga akong niloloko ang aga-aga, nga pala nakausap mo ba si Don kagabi? Hindi kasi nagrereply sakin e" nag-aalalang tanong ko rito
"H-Ha? S-si D-don?" Utal na tanong nito sakin
Bakit naman to nauutal? Na parang may iniiwasan na something? Parang baliw.
"Oo asan ba yung mokong na yon? Atsaka bakit ka ba nauutal kanina ka pa" nagtataka na talaga ako
"Ah ano ewan ko! Ewan ko kung nasan yun. Hindi nga kami nagkita lately e" sagot nito sabay galaw ng kamay nya.
Napansin ko na may hawak syang bag na pula. Parang mga pandesign ata yung laman nun.
"Ano naman yan?" Turo ko sa hawak ng plastic bag na hawak nya
"Pandesign" tipid nyang sagot. Parang may tinatago tong isang to e
"Alam kong pandesign yan! Nakita ko nga may mga lobo at styro foam letters at cartolina e! Para saan yan?" Di ko na naiwasang usisain paano I smell something Fishy!
"Alam mo! Alam kong may tinatago ka! Sabihin mo na sakin" seryosong sabi ko sakanya
Napakamot naman sya sa ulo
" ang totoo kasi nyan jomel, ano kasi e. May sorpresa........
----------
Author's Note:
Hanggang dyan lang po muna ang Chapter 3 ng "Tayo Parin Hanggang Dulo"
Sensya na if medyo maikli at boring!
Baguhan palang po ako kaya tanggap ko pa na di pa masyadong maganda writing skills ko. Hehehehe pero sana po suportahan nyo!
Sinisigurado kong maraming kilig at iyak moments ang magaganap. Sa mga susunod na UD kaya Stay tune!
See you sa next UD! Dont forget to vote and comments!
BINABASA MO ANG
Tayo Parin Hanggang Dulo
عشوائيEveryday Updates! Xoxoxoxoxox This is a M2M story, a boyxboy, yaoi, gay or whatever you call. Basta this is a love story between two men, kaya kung hindi ka into this kind of story, ALIS NA! Hanap ka iba, yung suit sa katulad mong close minded!