•JOMEL•
Tinigil ni Don ang motor nya sa tapat ng bahay nila Eusebio.
Makikita mo sa labas palang ang mag designs na parang may debut na ginaganap. Pero wala namang mga tao.
"Sinong may birthday?" Taka kong tanong kay Don nang makababa kami sa motor nya
"Hahaha tara pasok tayo" di naman nya ako pinansin sa halip ay umakbay sakin at nagsimulang maglakad.
"Hoy wala akong dalang regalo!" Reklamo ko rito
"Presence mo lang daw okay na!" Sabi naman nito sabay ngiti sakin.
Weird!
Habang naglalakad kami ay puro cartolina na may sulat ang nakikita ko!
Mayroong mga nakasulat tulad ng "Je Taime" "Saranghae" "I love you "Mahal kita" "143 <3" at iba pang love quotes.
Ano ba talagang meron?
Pagdating namin sa pintuan ng bahay ay sinalubong kami ni Eusebio na naka pang waiter na attire
"Welcome couple! Pls come in" sabay lahad nito samin ng daan
COUPLE? Wtf? Ano ba talagang nangyayari?
"C-couple?" Takang baling ko kay Don
"Tara" hinila naman ako nito papunta sa terrace nila
Aaminin kong nagulat ako sa nakita ko. May round table na may kandila sa gitna, may mga flowers din na nakadikit sa table skirt, may dalawang upuan din dito na parang date style ganun at syempre may wine at foods dito.
Napabuntong hininga ako. Alam ko na ang ibig sabihin nito.
"Don?" Nag-aalala kong tawag dito
Agad itong lumuhod sa harapan ko at nilabas ang isang color red na bond paper na may nakasulat
"Be Mine?" Tanong sakin ni Don
"Puro ka biro e!" Sinusubukan kong pagaanin ang sitwasyon. Alam kong mabigat ang kahihinatnan nito mamaya maya lang.
"Gusto kita Jomel... ay mali..... Mahal na pala kita" seryoso tong tumingin sa mga mata ko!
Makikita ko sa mga mata nya ang sinseridad. Ito ang pinaka unang pagkakataong nakita kong ganun ang aura nya. Kakaiba at talagang iba sa nakasanayan kong palabirong Don. There are so much appeal and maturity sa Don na nakaharap ko ngayon.
"Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Alam ko namang iba ka e. Alam kong baliko ka! Pero ewan ko ba sa sarili ko, imbis kasi na layuan kita e mas ginusto ko pang mas lumapit at makipagkaibigan sayo. Akala ko normal lang, pero recently pag nandyan ka iba ang pakiramdam ko. Parang buo na agad ang araw ko kahit nagsisimula palang naman. Pag kinakausap mo ako, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, parang may kung anong gumagalaw sa loob ng tyan ko, nagiging conscious ako sa looks ko, at pag hinahawakan mo ako? May sandaang libong kuryente ang dumadaloy mula sayo patungo sa puso ko!" Hinawakan nito ang kamay ko
"Kaya please Jomel, Be Mine!" Dagdag pa nito sabay tingin sa mga mata ko
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Talagang nagulat ako. Hindi ko alam na aware na pala sya sa tunay kong pagkatao. Hindi ko rin alam na gusto na ako. Napaka bilis ng mga pangyayari. Di ko masink in sa utak ko lahat ng mga nangyayari sakin nitong mga nagdaan. Lahat sabay sabay. Parang maiistress ako ng wala sa oras. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko
"Don. Binigla mo naman ako" halos walang ekspresyon kong sabi sa kanya
Tumingin sya sakin at ngumiti "Alam ko, hindi naman kita minamadali e, hindi ko naman hinihingi ang sagot mo ngayon mismo. Gusto ko lang masabi ang nararamdaman ko para sayo bago mahuli ang lahat. Atleast ngayon wala na akong iintindihin"
BINABASA MO ANG
Tayo Parin Hanggang Dulo
AcakEveryday Updates! Xoxoxoxoxox This is a M2M story, a boyxboy, yaoi, gay or whatever you call. Basta this is a love story between two men, kaya kung hindi ka into this kind of story, ALIS NA! Hanap ka iba, yung suit sa katulad mong close minded!