♠SAVE ME♠
EUNHA'S P.O.V
Pinilit kong bumitaw sa lalaking humihila sa akin pero hindi ko magawa. Napakalakas niya at hindi ko kayang tumbasan ang lakas na iyon.
Tina-try kong tumakbo ng kasing bilis niya, dahil kung hindi, naku, madadapa lamang ako. Runner ba siya? Ba't ang bilis niya. The hell with him! Atsaka, sino ba siya?
"Bitiwan mo nga ako!" nagpumiglas ako at pilit na iniaalis ang kamay ko sa kanya. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak, dahilan para mas masaktan ako.
"Tan***amers ka, sino ka ba?" Tumigil siya sa pagtakbo at may kinuha sa bulsa niya, Panyo, to be specific ang kinuha niya. Kinabahan na ako sa mga sumunod na nangyari.
Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa ng pants niya at iniangat ito. Tinitigan niya itong mabuti. Matapos nun ay dahan-dahan siyang lumingon. Lingon lang, hindi siya talagang nakaharap sa akin.
"You'll regret that you let your curiosity rule over your emotions." Cold niyang sabi. Biglaan siyang humarap at nakita ko ang buo niyang mukha.
Makinis at Flawless na mukha. Malamlam na mga labi, na parang ang sarap halikan. Hala, kailan pa ako naging manyak? Pointed nose, at brown, mesmerizing eyes.
Mga ilang segundo ko lang silang nakita at mas lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang panyo at itinapat ito sa aking mukha. Partikular na sa ilong ko.
Naamoy ko ang panyo at ang chemical na nakalagay dito. Nakakainis dahil nararamdaman kong nanghihina ang katawan ko at I started to feel dizzy. I hope it's not her and her dirty little bitches.
At dahil dun, nawalan ako ng malay.
Jungkook's P.O.V
Naguumpisa na akong kabahan dahil sa unti-unti nang nauubos ang oras at pagabi na rin. Eunha naman kasi, nasaan ka na ba? Nakakainis naman.
Nagsisisi ako na si Dahyun pa ang kinampihan ko dahil simula't sapul ay si Eunha naman talaga ang nasa Good Side at hindi ang Bitch na si Dahyun.
Naalala ko tuloy bigla si Kuya Taehyung at tinawagan ang number nito.
Matapos ang ilang ring ay sumagot din naman siya.
T: "Hello, sino to?"
"Kuya, ako to si Jungkook. Sorry nga po pala sa ginawa ko kanina." Nag-apologize muna ako bago ako dumiretso sa punto ko.
T: "Ok lang. Ba't ka napatawag mokong?"
"Kasama niyo po ba si Eunha? Nag-aalala lang po ako sa kanya." Totoo naman, nag-alala ako ng malamang may masamang gagawin yung Dahyun slut na yun.
T: "Actually kanina pa kami nakauwi. Nandito siya ngayon at natutulog. Napagod ata sa 1st day. Teka nga, bakit kung makatanong ka naman ay merong masamang mangyayari sa sister ko?"
Oh no. Nagtataka na si Kuya. Kailangan ko nang tapusin ang call.
"Ah, wala po yun kuya. Alam mo na po, mga fans etc. Gawa ng 'kick the balls'. Sige po bye!" Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na tinapos ang call.
Hays, salamat naman. Tapos na ang pag-aalala ko. Uuwi na rin siguro ako, late na kasi. 7:30 ng gabi na, eh 4 pa kasi ang awasan namin.
Tinawagan ko si Mr.Lee at nagpasundo kung nasaan man ako ngayon.
Mukhang matatagalan pa bago ako makapag-pahinga dahil sa haba ng babyahiin ko ngayong gabi. Bahala na. Basta ang mahalaga, ligtas si Eunha.
Eunha's P.O.V
BINABASA MO ANG
Happy Ever After?!( Eunkook) |Re-Run|
FanfictionSi Eunha, isang babaeng naniniwala sa happily ever after, at mga fairytales. Pero taliwas sa mga paniniwala niya ang mangyayari sa kanya. Enter Jungkook, ang aroganteng lalaki. Mahilig sa mga babae, playboy, at certified heartbreaker. Whar will happ...