Four

40.5K 1.4K 129
                                    

Tinitignan lang ni Amelia ang cellphone niya habang nakamasid kay Trinity na naglalaro sa volleyball court. Ito ang team captain ng Women's Volleyball team ng Vanderbilt University. Ang ama nito ay isang sikat na PBA player noon habang ang ina naman nito ay sikat na sports announcer kaya hindi na siya nagulat na mahilig rin sa sports si Trinity dahil nasa dugo na nito iyon.

Ask her about her likes and dislikes. Kung ano ang type niya sa isang lalaki. Ikaw na bahala, anything informative. Can I count on you, Lia?

Nagbuga siya ng hininga nang basahin muli ang text sakanya ni Jaxon kaninang umaga. Bakit niya ba 'to ginagawa? Syempre, ang laki ng utang mo dun sa tao.

Nakaramdam siya ng kaunting pagkainis dahil sa rason na iyon. Kung bakit naman kasi ang bilis niyang napapayag. Hindi man lang siya nag-isip kahit mga ten seconds man lang. Minsan talaga kahit matalino ka man pagdating sa pag-aaral, bumabawi naman sa katangahan sa desisyon sa buhay.

"Tsk. Bahala na nga." sabi niya sa sarili at halos hilahin na niya ang sariling katawan papasok sa loob ng gym at naupo sa bleachers upang hintayin si Trinity.

Hindi naman siya nabored dahil nag-enjoy siya sa tune up game ng mga ito. Mga dalawang oras ata siya naghintay. Agad siyang tumayo nang makita si Trinity na lumabas sa shower area na mag-isa. Naka-shorts ito at sandong itim na may nakapatong lang na mahabang blazer. Naka-tsinelas lang din ito at nakatali ang buhok. Seriously, napaka-ordinaryo lang ng suot nito pero para itong modelo na rumarampa. Naiinggit talaga siya sa makinis at mahaba nitong mga binti. Makurba ang katawan nito at hindi tulad ng ibang mga matatangkad na tila modelo, may boobs ito.

Napatingin siya sa kanyang dibdib. Meron naman din siyang ipaglalaban. Mahaba rin naman ang legs niya, hindi nga lang kasinghaba ng sakanya. Hindi naman din siya mataba at payat na payat. Katamtaman lang.

Why am I even comparing myself to her?

She shook her head, trying to erase those negative thoughts that were coming inside her head. Hindi iyon maganda. Panget ang ikumpara ang sarili sa ibang tao. Iyon lagi ang turo sakanya ng Mama niya bago ito kunin sakanya.

"Lia? What are you doing here?" sabi ni Trinity nang mapansin siya na nakatayo sa may entrada ng gym.

Ngumiti siya rito. "May gagawin ka po ba? Pwede ba tayong kumain?"

Trinity's forehead ceased a little bit but it quickly went away and she smiled at her and draped her arms around her and rested her hand on her shoulder. "Sure. Tara." aya nito.

Nag-settle sila sa isang café malapit lang sa campus. Nagtawag ito ng waiter para maka-order sila. Pinagmasdan niya si Trinity habang tumitingin sa menu. Nagulat siya nang bigla itong tumingin sakanya kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at kunwari ay nagbabasa ng menu.

"Isang Ceasar Salad and Club sandwich." rinig niyang order ni Trinity. "Lia? Ikaw, ano order mo?"

"Ha?" gulat na sagot niya. Nang mapansin na nagtatakang nakatingin sakanya si Trinity at iyong waiter, binilisan niya ang pag-order. "Carbonara at iced tea nalang." sabi nalang niya dahil iyon ang una niyang nakita sa menu.

"How about your drink, ma'am?" baling ng waiter kay Trinity.

"Just a bottle of water. Thank you."

Sopistikada. Kutis mayaman. Sosyalin ang dating. Simple. Mabait. Matalino. Maganda. Sexy. Mayaman. Ano ba ang pwedeng ipintas sa isang Trinity Isla Vasquez? Hindi talaga nakapagtataka na maraming nagkakandarapa rito tulad na lamang ni Jaxon.

"Is there something wrong? May dumi ba ako sa mukha?" kalauna'y sabi ni Trinity.

Bigla siyang nagpanic. Baka sabihin nito ang weird niya ng sobra. Nakakahiya dahil nahuli siya nitong pinagmamasdan ang kaperpektuhan nito. Mabilis ang ginawa niyang pag-iling. "Wala naman. Nagagandahan lang talaga ako sa'yo."

ZWCS#2: Hot TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon