Mabilis na lumipas ang isang buwan at walang ibang ginawa si Amelia kundi ang magpokus sa kanyang pag-aaral at tungkulin sa sorority. Tapos na rin ang pagko-community service at pagdalo niya sa mga meetings ng IFSC pero minsan ay sinasamahan niya si Brooke kapag kailangan talaga nito ng katulong.
Nakilala na rin niya si Cataliah o Kata kung tawagin nila. Natutuwa siya sa babae dahil walang filter ang bibig nito. Natatawa rin siya sa tuwing sinusungitan ito ni Mother Concepcion at hindi man lang ito naaapektuhan o natitinag man lang.
Kata was a breath of fresh air in the house. Minsan kasi ay sila lamang ni Mother Concepcion sa Sorority House. Hindi naman din kasi palakwento ang matanda at mas gustong manuod lamang ng mga teleserye.
Mas naging close niya si Brooke dahil sa dalas nilang magkasama at magkita dahil sa meetings ng IFSC. Nae-enjoy niya na talaga ang maging miyembro ng Zeta Weiblich Community kumpara sa Sigma Pink Society. Dito kasi sa ZWC, kahit pa na aaminin niyang masusungit ang ibang mga sorority mates niya, alam niyang totoo lamang ang mga ito. Hindi tulad sa SPS, mga plastik at pakikipagsosyalan lamang ang alam gawin.
Intramurals na next week at busy na ang lahat sa mga booths ng bawat colleges. Dahil busy silang lahat, nag-usap silang mga kasorority-mates nila na huwag na magtayo ng booth dahil hindi naman required iyon. Napagkasunduan nila na sa Greek Week at Foundation Week nalang sila magkakaroon ng involvement.
"Sino tatao sa booth ng umaga?" tanong ni Maui, ang class mayor ng block nila.
Isang caricature booth ang naisip ng block niya. Actually, nag-unahan pa sila ng kabilang block para sa idea na iyon at swerte na unang nagpasa ang class mayor nilang si Maui sa governor ng college nila.
"Pass ako mga bes. Maaga masyado ang seven am. Patulog palang nga ata ako nun." sabi kaagad ni Lalaine.
Marami rin ang tumanggi sa pang-umagang shift dahil chance na nga naman iyon para makatulog ng mas mahaba.
Huminga ng malalim si Maui. "Kung pwede lang na ako na ang tumao pero may early meeting ng mga class mayors. Sige na naman oh." pakiusap sakanila ni Maui.
She sighed and left wih no choice. She raised her hand. "Sige, ako nalang tatao sa booth."
The whole class cheered for her. Maui sighed in relief and thanked her. Sa reactions na binibigay sakanya ng mga kaklase, para tuloy siyang anghel na sugo ng langit. Ayaw man niya, pero gusto naman na rin niya matapos ang diskusyon. Tutal, mas pabor pa nga iyon sakanya dahil wala pa tiyak na masyadong estudyante sa campus at wala pang gustong magpadrawing ng mga caricatures nila. Sa hapon nalang siya babawi ng tulog. It's a win-win situation.
Fininalized nila ang schedule para sa mga tatao sa booth. May kasama siyang dalawa pang kaklase na napilitan lamang dahil ang mga pangalan ng mga ito ang nabunot ni Maui sa fish bowl nang magbunutan nalang sila ng pangalan para sa mga makakasama niya.
Matapos ng meeting ay lumabas na siya ng classroom at nagtungo sa canteen. Bumili lang siya ng banana bread at isang boteng tubig at tsaka lumabas na dahil marami ng tao sa loob. She was walking along the corridor while munching her bread when she saw Trinity entering the storage room then after a few second, a man also entered the room. He was wearing the school's jacket and his hood was on him so she didn't saw his face again.
Napailing siya at hindi nalang pinansin ang nakita. Tulad ng sabi ni Violet noon, hindi dapat siya nangingielam ng may buhay ng may buhay. Isa pa, mukha naman masaya si Trinity. Sino ba naman siya para manghusga?
Naglalakad lang siya na lumilipad ang isip kaya naman nang lumiko siya sa right wing ay may nabunggo siyang tao. Tumilapon tuloy iyong kinakain niyang banana bread at saktong natapakan iyon ng nakabunggo niya.
BINABASA MO ANG
ZWCS#2: Hot Ticket
General Fiction"I'm not your typical dream girl but you always make me feel like you've just won the jackpot." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#1: Hot Ticket - Amelia Grace Solomon