Twelve

48K 1.6K 159
                                    

"Go Jaxon!"

"Jaxon! Jaxon! Jaxon!"

"Whoo! Vanderbilt! Jaxon!"

Halos mabingi na si Amelia sa lakas ng sigawan ng mga tao sa may bleachers. Ngayon kasi ang regional championship ng swimming competition. Ang mananalo rito ay matik na aangat para sa nationals.

She smiled when she saw Jaxon doing some stretchings while his coach is saying something to him.

He looks so sexy with his trunks and gray varsity jacket which she's also wearing the same one with his surname at the back. Binigay iyon sakanya ni Jaxon at talaga sinabi na suotin niya iyon sa araw na ito.

Kakasimula palang ng semestral break nila pero si Jaxon ay laging nasa university pa rin upang mag-practice para sa competition niya ngayon.

Napangiti siya nang mag-angat ng tingin si Jaxon sa direksyon niya. Nang magtagpo ang mga mata nila ay ngumiti ito at alam niya na sa itsura nito ay narelax ito ng kaunti. Kanina palang ay kinakabahan na ito, maski naman siya ay ganoon din. Pero alam niya na mananalo ang boyfriend niya.

"Gwapo talaga niya!"

Nangiti siya nang marinig iyon mula sa mga kababaihan sa may bandang likuran niya. Totoo naman na gwapo talaga ang boyfriend niya at tunay na swerte siya.

Hindi naman nagtagal ay nag-anunsyo na na mag-uumpisa na ang kompetisyon. Nakita niyang huminga ng malalim si Jaxon bago ito tumingin ulit sakanya.

"I love you." she mouthed at him which made him smile bigger. He heaved out a sigh and shook his hands and jumping a little which is his way to warm up.

Nagsuot na ito ng swimming cap, his googles is dangling around his neck. Nang nasa likod na ito ng starting board niya ay hinubad na nito ang jacket at bumati na ang abs nito.

"Shet bes! Abs bes! Abs!" kinikilig na tila ng mga babae sa likod pa rin niya.

Napailing nalang siya. Gusto niya sanang sabihin sa mga ito na nahawakan na niya ang mga iyon. Na sakanya ang mga iyon.

Labas sa personalidad niya ang umakto ng ganito. It's like, she's different whenever she's with Jaxon. Jaxon brings out some surprising things about her like she's very strict when it comes to his studies. Nagiging posessive siya, nahahawa na nga rin siya minsan sa pagkamayabang at pagkamalandi rin nito. Masaya siya na nadidiskubre niya ang iba pa niyang mga ugali na tanging si Jaxon lamang ang nakakapagpalabas.

Nakarinig sila ng pito, hudyat na magsisimula na ang kompetisyon. This is the last race. She's holding her hands tightly and never left her eyes from Jaxon.

"On your marks.."

She took a deep breath when all the players are on their positions.

Go Jaxon.

"Get set.." Matapos sabihin iyon ay isang malakas na putok ang narinig nila at halos sabay sabay ang pagtalon ng mga players sa tubig. Napatayo siya upang makita si Jaxon na sa ngayo'y nasa pangatlong pwesto.

Naririndi siya sa mga tilian pero hindi niya pinansin dahil na kay Jaxon lang ang atensyon niya. Nasa kalagitnaan na ng lap ay pumangalawa na si Jaxon at napansin niyang mas binilisan pa nito ang paglangoy pero hindi biro ang kalaban nito dahil magaling din.

Hanggang sa narating ni Jaxon ang kabilang dulo at umikot na ay pangalawa pa rin ito.

"Please, please, please.." she whispered. Pangalawa pa rin kasi si Jaxon at malapit na ang finish point.

"Jaxon! Faster! Go!" Hindi na niya napigilan na sumigaw at doon pa talaga sa point na walang masyadong nagsasalita na dahil lahat ay nakaabang sa kung sino ang mauuna.

ZWCS#2: Hot TicketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon