Umiiyak na pumasok si Lia sa loob ng sorority house, nagkagulatan pa sila ni Gift nang pababa ito ng hagdan.
Nakataas ang kilay nitong tinanong siya. "What happened to you?" No concern was evident to her tone. What would she expect? She's Gift Vito anyway.
Umiling lang siya bilang sagot. Lalagpasan niya sana si Gift pero hinarangan nito ang dadaanan niya.
She crossed her arms. "Let me guess, Jaxon?"
Yumuko lang siya at patuloy lang na umiyak. Matalino naman si Gift, she thinks that she can get the answer based from her actions.
"You should've known better, Lia. Hindi mo man lang ba napansin kung gaano kabilis ang nangyari sainyo ni Jaxon?" she scoffed and flipped her hair and then look at her straight in the eye. "Get your act together." she commanded and then left her.
She ran upstairs and locked herself in her room. Umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ni Gift.
Mabilis.
Iyon ang tumatak sa lahat ng sinabi nito sakanya. Bakit ba hindi niya naisip iyon? Ngayon niya na-realize na, oo nga, ang bilis nga ng nangyari sakanila. Ang bilis niyang bumigay kay Jaxon. Ang bilis niyang mahalin si Jaxon at ganoon din kabilis na mawala ang meron sila ni Jaxon.
Nahihirapan siyang paniwalaan na mahal ba talaga siya nito noon pa man. Sige, sabihin natin na mahal siya nito ngayon, but it doesn't change the fact that he fooled her. He used her just to move on from his feelings fro Trinity. Sapat na ang narinig niya mula sa pag-uusap nito at ni Travis.
"Lia? Are you okay?" Rinig niya ang boses ni Generose at kumakatok sa pintuan niya.
She didn't answer her. She just buried her face on her pillow.
"If you need a friend, you can knock on my door, okay?" mahinang sabi ni Generose at tsaka umalis na.
She cried all night until she fell asleep.
---
"Ano ka ba naman, Lia! Kumain ka nga! Hindi lang iyang si Ortega ang lalaki sa mundo!" sermon sakanya ni Lalaine nang tanggihan niya ang pagkain na ibinigay nito sakanya. Nag-aya kasi itong lumabas sila bago ito umuwi sa probinsya nito para sa semestral break. Pumayag siya kasi tatlong araw na rin simula nang hindi niya paglalalabas sa sorority house.
"Wala lang talaga akong gana." sagot niya.
"Bahala ka na nga diyan. Nakakainis ka!" bulyaw nito sakanya.
Maaga silang umuwi kasi nakakainis daw siyang kasama sabi ni Lalaine.
"Ayusin mo iyang sarili mo ha? Kung mahal ka naman ni Jaxon, eh patawarin mo na. Kesa naman nagkakaganyan ka, mukha ka lang tanga. Sige na, aalis na ako. Tatawagan kita." paalam sakanya ni Lalaine nang maihatid siya nito sa sorority house.
Pagpasok niya ay nakita niya si Trinity at Violet na nag-uusap sa may dining area.
"Good afternoon." bati niya sa mga ito.
"Join us for some snacks, Lia." nakangiting pag-aya sakanya ni Trinity.
Ngumiti siya at umiling. "Salamat nalang pero kakakain ko lang."
Violet looked at her while drinking her coffee. Her gaze was intense and it was so scary that she had to walk fast and get out of that scene.
Parang ang way ng titig nito ay may alam sa nangyayari sakanya. Pinagpasyahan niya nalang na mag-impake dahil uuwi siya ng Bulacan sa isang araw.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-iimpake nang mag-ring ang phone niya.
Jaxon calling..
Lumakas ang kabog ng dibdib niya. This is the first time he's calling her again after what happened to his unit. Huminga muna siya ng malalim bago sagutin ang tawag nito.
BINABASA MO ANG
ZWCS#2: Hot Ticket
General Fiction"I'm not your typical dream girl but you always make me feel like you've just won the jackpot." ZETA WEIBLICH COMMUNITY SERIES: a series collaboration of Frappauchino and YGDara. ZWCS#1: Hot Ticket - Amelia Grace Solomon