Chapter 2

1.3K 24 10
                                    

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Mabel sa kapatid. Hindi makapaniwala ang dalaga na kasama na niya ito, she started checking him from his head down to his toes.

"Uy ate! Anong ginagawa mo." Tawang sabi ni Zi. Kanina pa kasi sya pinagmamasdan ng kapatid. Ngayon naman ay kinakapkapan siya nito na para bang may tinigtignan sa kanyang katawan.

"Hay nako yang ate mo kung ano anong nakikita o napapaginipan. Pano ba naman ey akala nya sinasaktan o pinapahirapan ka dito." Sabat ni Yana.

"Tinitignan ko lang kung may mga pasa ka. Mas mabuti nang malaman ng maaga. Aba baka mamaya iuwi kang asa ataul nalang, di ko kakayanin yun." Seryosong sagot ni Mabel. Muli niyang tinitigan ang kapatid at tinatapik tapik ang balikat at likod nito.

"Ano ka ba ate, mag dadalawang taon na ako dito. Mukha bang nag papa-api ako?" Sabi ng binata sabay tawa. Nagpaalam naman muna si Yana para makapagbonding ang magkapatid.

"Zi, kamusta ka dito? Ang tagal kitang hindi nakita. Wala ka pa bang balak umuwi saatin?" Kita sa mukha ng babae na nagaalala padin ito para sa kaharap na lalaki.

"I'm fine ate. Ikaw? Asan na yung Victor na yun? Nakakulong padin ba?" he asked. Lingid sa kaalaman ni Mabel, mula ng malaman nyang sinasaktan siya ng dating nobyo ay pinilit nitong umuwi nung nakaraang taon. Unfortunately, his leave wasn't granted.

"Wag mo na syang alalahanin. Siguradong hindi na makakalabas ng kulungan yon." Sagot ng dalaga.

Ayaw na din pag-usapan ito ng binata dahil sa tuwing naaalala niya ang kagaguhang ginawa sa kapatid ay lalong kumukulo ang dugo nito.

Maging si Mabel ay napansing nag-iiba ang mood ng kapatid kapag nababanggit ang ex nitong si Victor kaya naisipan niyang ibahin ang pag-uusap.

"Naalala mo ba nung mga bata pa tayo? Diba naglalaro tayo nila ate Yana lagi sa likod ng bahay. Kunware may mang-aaway sakin tapos ikaw kunware yung pulis, ipag tatanggol mo ko." Sabay halakhak nito.

"Oo ate, tapos darating si ate Yana na kunware sya yung chismosa nating kapit-bahay at aawayin ka pa lalo." Sagot naman ng binata habang tumatawang inaalala ang mga naganap nung bata pa sila.

Masayang Iginala ng dalaga ang mga mata sa paligid when a pair of eyes caught her attention. He's standing beside the big tree while staring at her. He seemed quite nice, he just looked serious and strict, but those eyes. They look familiar.

Agad na nilingon ng dalaga ang kapatid para tanungin kung sino ang lalaking nakita nya.

"Huh? Aah kaibigan ko yan ate. Siya nga kuya-kuyahan ko dito e."

"Ganon ba talaga sya lagi tumingin? Para kang may kasalanan kung pagmasdan ka nya e. Pero alam mo parang nakita ko na siya, di ko lang maalala kung kailan o saan." Sabi nito at muling sumulyap sa lalaking nagmamay-ari ng kulay bluish-gray na mga mata.

Napatawa naman si Zi dahil sa sinabi niya at muling sinulyapan ang kaibigan.

"You really are acting strange. Kung ano ano naiisip mo ate. Imposibleng nakita mo na siya kasi hindi pa siya nakakauwi ng pinas." Napansin nyang napakunot ng noo ang babae kaya nagkwento siya tungkol dito. Agad niyang iniayos ang mga pagkain na dala ng dalaga at sinimulan ang kwentuhan.

"So you mean, may sakit siya? E bakit pa siya nandito? Bakit hindi nalang muna sya magpagaling?" She pouted. Naawa siya sa lalaki, bukod sa wala na din syang magulang tulad nila ay may karamdaman pa ito. Well, masasabi nyang maswerte padin silang magkapatid because they still have each other.

"Ay teka, di mo pa nasasagot tanong ko ha. Wala ka pa bang balak umuwi? Wala akong kasama sa pinas. Alam mo naman, wala na si ate Yana, mag-isa ko nalang." Pagdradrama niya. Walang araw na hindi pumasok sa kanyang isipan ang kapatid.

City of War: SAVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon