Chapter 4

1.1K 26 9
                                    


Nagpapalitan ng tingin ang dalawang binata habang nakikinig sa kwento ni Mabel. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagtataka sa pinagsasasabi ng babaeng kaharap.

"Wait, this is nonsense. How sure are you that you really are from the future?" Tanong ni Adrian. Para sa lalaki ay parang nahihibang na ang dalaga sa pinagsasabi nito. He walked towards his friend and signaled him not to listen to her. Pinanglalakihan niya si Maxim ng mata at sumenyas na lumabas muna silang dalawa dahil kailangan nilang mag-usap.

Napansin ito ng babae kaya agad din itong lumapit sa kinikilalang kapatid at biglang piningot ang tenga nito. Ganoon si Mabel pag naaasar kay Zi, namimingot ito kaya naman nagulat ang binata. Napahawak nalang ito sa kaliwang tenga at kunot noong tinignan ang dalaga.

He wasn't actually mad, in fact, he was just shocked as it reminded him of his elder sister. Namimingot din kasi ito kapag may hindi nagustuhan sa nangyari.

"Hoy Zi, hindi ako nagpunta dito sa Russia para panlakihan mo ng mata ha." Sabi nito sa binata.

"Ouch! Did you just--" Hindi pa ito tapos magsalita ng sumingit si Maxim at sinabihan ang dalawa na tumigil na. Baka kasi mamaya ay may biglang dumating at marinig pa ang dalawang nagbabangayan.

Umirap naman ang babae tsaka muling umupo. "Paano ko ba sila mapapaniwala? Why is it so hard for them to believe in me?" Sabi nito sa kanyang isip.

Sinubukan naman kasi niyang sabihin sa dalawa ang nangyari pero sa tingin palang nila ay hindi na naniniwala ang mga ito.

She gasped in disbelief as she turned her head in the direction of the pile of boxes. Bigla nitong naalala ang pag-uusap nila ng binatang Lieutenant na puro baril ang laman nito dahil naghahanda sila para sa World War. Napangiti ito ng bahagya dahil may naisip siyang ideya.

"Germany will invade the Soviet Union." Maikling sabi ni Mabel habang nakatingin ng diretso kay Maxim.

She saw how the guys creased their forehead as they walk towards her.

"What are you saying? They are our alliance." Sagot naman sakanya.

"No. On June 22,1941, Germany launched its invasion against Soviet Union, codename Operation Barbarrosa. I know I sound crazy but believe me, it will happen. It is written in the history." Diin nitong sabi. Ang pagtataka sa kanilang mukha ay unti-unting nawala.

Para kay Maxim ay may punto ang babae dahil may nakapag sabi din sakanya na may ka-alyado silang maaring trumaydor sakanila. Maging si Adrian na kanina lang puno ng pagtataka ay biglang natulala sa narinig.

Tinignan ng binatang Lieutenant ang kalendaryo na nakasabit sa kanyang puting dingding at napaisip, "If what she said is true, then we have less than a day to prepare." He said in his mind.

Bukas na kasi ang petsa na sinabing aatakihin sila. Mabuti na ang nakahanda kesa naman sa mabigla sila sa mangyayari.

Inaya ni Maxim and kaibigang lalaki para lumabas ng kampo, kailangan kasi nilang ihanda ang mga kasama sa digmaang maaring maganap. Before Adrian walks out the room, he turned to see the lady and asked, "Will we live?"

Hindi nakasagot ang dalaga. Nakaramdam ito ng kurot sa dibdib ng marinig ang katanungang ito galing sa kapatid. Pansin ng binata na lumungkot ang mukha ng babae kaya hindi na niya hinintay na sumagot ito at nagmadaling lumabas ng kwarto.

"Will we live?" A question that is answerable by yes or no but she couldn't answer it. Maski kasi siya ay hindi niya alam ang sagot.

Nakatingin ito sa pintuan na nakasara pero parang gusto niyang buksan ito para habulin ang kapatid. Hindi niya kayang makita kapag makikipagdigmaan ito, kahit pa siya si Zi o Adrian, ang alam lang niya ay kapatid niya ito.

City of War: SAVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon