Xylene's POV
Break na at papunta na kami sa cafeteria ngayon as usual kasama namin ang H6 kung kahapon 4 lang sila ngayon 6 nah, pakiramdam ko nga di na ako pinapansin ni Glish dahil kay Hyrum NAKAKAINIS.
Rinig na rinig ko ang mga bulong bulongan ng mga kapwa namin estyudante dito. Malamang kami ang laman ng tsismis, ikaw ba naman ang kasama ng pinakasikat na group.
"Dont mind them insecure lang sila" rinig kong sabi ni Hyrum kay Glish, ofcourse kilig na kilig naman ang bestfriend ko.
Pagkaupo namin sa napili naming pwesto nagprisinta sila Henz at Russel na sila ang mag-oorder. Napamura nalang ako nang may mainit na soup na bumasa sa shoulder ko. Tumingin ako kung sino ang nagtapon saakin nun si Skyla yung sidekick ni Rhina.
"Masaya ka na sa ginawa mo Huh?!" walang emosyon kong sabi sakanya, tinawanan naman ako ng mga estyudante.
"Im so happy bitch! Kulang pa yan sa ginawa mo kay Rhina alam mo bang hindi siya nakapasok ngayon?!" Sabi niya, pakialam ko ba kay Rhina. Nakita kong papalapit ang isang estyudante na may dalang juice kaya inagaw ko yung juice niya.
"Peram muna ahh babayaran ko mamaya!" sabi ko, tapos binuhos ko yun kay Skyla "Wala akong pakialam kong hindi nakapasok si Rhina ngayon she deserve that ! Pakisabi wag siyang umasta na totoo siyang reyna hindi kase bagay nakakasira ng araw and by the way kagaya mo rin siya walang kwenta!" Kinuha ko ulit yung spaghetti ng hiniraman ko ng juice tapos binuhos ko ulit yun kay Skyla, sabay walk out pero bumalik ako "Ahh i forgot sorry keep the change baby" Binigay ko yung 1k sa estyudante na hiniraman ko ng pagkain HAHA. Tuluyan na akong umalis sa cafeteria.
Dumiretso ako sa girls room buti nalang may dala akong extra na blaizer nakakainis talaga sila Rhina panira ng araw ARGH! Lalabas na sana ako ng cubicle pero may narinig ako.
"Sis! May nabalitaan ako!" Girl 1
"Anu naman yun Sis?!" Girl 2
"Papakidnap daw ni Rhina si Xylene mamayang uwian, paano naman kase inaway siya ni Xylene mabuti na yun para walang bitch dito sa school" Girl 1, bago pa man makapagsalita si girl 2 lumabas na ako ng cubicle, bakas sa mukha nila ang pagka-gulat.
"Thanks for the information bitches! By the way! May phone number ba kayo ni Rhina? pwede kong kunin?!" Linabas ni girl 1 yung phone niyang FAKE agad kung kinuha yun at hinanao yung number ni Rhina, nang mahanap ko agad kong kinopya at sinave sa phone ko "Thanks again bitches!" Lumabas na ako ng girls room. Nakainis ka Rhina.
Uwian na, sabi ni Glish ihahatid daw siya ni Hyrum kaya ayan wala akong kasabay pero naalala ko yung si Rhina papakidnap niya daw ako HAHA. Hinabol ko si Draheim balak kong sumbay sakanya no choice ehh mukhang nakauwi na sila Henz Russel at Ford.
"Hey Draheim!" Tinawag ko si Draheim, lumingon naman siya
"Hey! Malditang kulot! Anung maipaglilingkod ko?!" Okay wag mo muna siyang sungitan Reycee! Tiis lang kung ayaw mong makidnap
"Pwedeng makisabay? Nasira kase yung kotse ko please!" Sana pumayag siya mahal ko tong buhay ko ehh ayaw ko pang mamatay
"Okay! Sakay na!" Yes ! Ang galing mo talaga Reycee! Bubuksan ko na yung pinto ng kotse niya pero nagsalita siya "Hindi yan ang sasakyan natin hindi ko dala yung kotse ko yung motor ko ang dala ko!" What the fudge SRSLY?
Hinila niya ako papunta sa motor niya, nabigla ako ng linagyan niya ako ng helmet sa ulo syet ang gwapo niya pala talaga. "Halika na!" Sabi niya sumakay naman ako sa motor niya then WAAAHHHHH MOMMYY! ang bilis niya magpatakbo syaks.
"BALAK MO BA AKONG PATAYIN?!" sigaw ko sakanya. Nakakainis siya sana di nalang ako sumabay hindi nga ako mamamatay sa kamay ni Rhina, sa kamay naman ni Draheim ako mamamatay
"Bakit naman kita papatayin eh papakasalan pa kita!" Rinig kong sabi niya? Parang umakyak yung dugo sa mukha ko pero hindi sa kilig sa takot at kaba JUSKO.
Wala akong nagawa yinakap ko siya ayaw ko namang mahulog nuh. "Saan ba ang bahay mo babae?!" Di lang pala mayabang to, wala pang respeto
"Sa **** village!" Sagot ko sa tanung niya, tumingin ako sa salamin ng motor niya ang seryuso niya magdrive tapos ang gwapo niya WHAT THE HELL wala akong sinabing gwapo siya WALA!
Nakarating naman ako ng buhay dito sa bahay, naabutan nga namin kanina sina Glish at Hyrum sinigawan ko sila kanina HAHA. Umalis din agad si Draheim kanina, pagpasok ko dito sa bahay nadatnan ko sila mommy. Sabi niya may pag-uusapan daw kami nila daddy. I wonder kung anu yun
"Hija! Pupunta kami sa Paris ng daddy mo!" Hmm? Anu namang gagawin nila sa Paris? Business? "Nandoon kase si Kylene ang kambal mo! Sabi ni mama kukunin na daw namin siya kase hindi na niya kayang buhayin si Kylene " Uminit nanaman ang ulo ko nang marinig ko yung pangalan ng kakambak ko.
"Okay mommy! daddy im tired! Mauna na ako sainyo!" Umalis na ako doon nakakainis. Puro nalang sila Kylene! Pumunta ako sa kwarto ko gusto kong magwala pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nakita ko yung teddy bear na may nakalagay na pangalang Kylene "I HATE YOU KYLENE!" Sabi ko out of nowhere.
Naiinis ako! lahat naman ginagawa ko para mapansin nila na nandito ako para sakanila pero wala puro nalang sila Kylene. Ang sakit lang kase ako yung nandito pero yung hinahanap nila nasa malayo. Naalala kong itext si Rhina siya nalang ang pag-iinitan ko.
To: Rhina Demonyita
Hey! Musta? Balita ko papakidnap mo daw ako! Xylene here
Nagreply naman siya agad, Like i care gusto ko lang ng kaaway
From: Rhina Demonyita
The fuck! Ako ipapakidnap ka? And who the hell told you that?
To: Rhina Demonyita
Narinig ko sa mga fan mo! Bakit mo ba ako inaaway Rhina?
Gusto kong malaman yung dahilan niya kung bakit niya ako inaaway, nakakairita din kase minsan ehh siguro insecure siya or I dont know.
From: Rhina Demonyita
Hindi kita ipapakidnap naniwala ka naman agad sa rumors! Sasagasahan kita pwede pa! HAHAHA
Siya kaya sagasahan ko PWEDE diba, pero hindi naman ako mamamatay tao. Mabait kaya ako MINSAN
From: Rhina Demonyita
Gusto lang kitang awayin! Good night bitch see you tommorow and be ready!
Anu nanaman ang pakulo niya? Sege hindi ko siya aatrasan.
To: Rhina Demonyita
Im ready bitch! Good night mwah
Kung aawayin niya ako bukas aawayin ko rin siya. Bigla namang may nagtext hindi naman si Rhina.
From: 09********
Good night! I cant wait to see you! :-)
Sino to? Si Kylene? Posible namang siya pero sabi hindi daw siya makapagantay na makita ako. I DONT CARE kung si Kylene ito
To: 09*********
Who's this?
Bilis namang magreply nito. Well hindi naman ako excited malaman kung sino nga tong nagtetext
From: 09********
Call me DK or Draheim <3
Napanganga naman ako sa ako sa reply niya, Draheim? SERIOUSLY?
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Chapter Five is DONE! thank you ulit. Mwah sana nagustohan niyo.
Dont forget to vote and comment.
- MalditahngKulott <3
BINABASA MO ANG
Kambal ko, karibal ko!
Teen FictionDraheim Kirby Corpuz, siya ang pinakasikat na lalaki sa Syemeneia Academy. Pinagkakaguluan siya ng mga babae, at pati narin bakla. Then, nakilala niya si Xylene Reycee Padua. Silent bitch ang pagkakakilala ng students sakanya, dahil mukha siyang an...