Xylene's POV
Pagdating ko dito sa Academy wala na akong naririnig na bulong bulongan. Nakakapanibago nga ehh pero okay na yan ayaw ko naman talaga pag-usapan ng mga tao. Nag-vibrate naman Phone ko. Nagtext si Rhina anu nanaman ang pakulo nito.
From: Rhina Demonyita
SURPRISE BITCH! Wala nang tsismis tungkol sayo.
So siya pala ang dahilan kong bakit wala ng nagbubulong bulongan tungkol saakin. Well i dont care kahit naman may tsismis tungkol saakin mabubuhay parin ako.
Naalala ko yung text ni Draheim kagabi. Nakakainis hindi ako nakatulog ng maayus dahil lang doon. Hindi sumabay saakin si Glish sinundo ata ni Hyrum ehh gaga yun nakalimutan na niya ako. Pagpasok ko sa classroom unang hinanap ng mata ko si Draheim. Ayun nakita ko siya nakatingin sa phone niya. Lumapit ako sakanya at inagaw yung phone niya "What the! give me back my phone maldita" Di ko siya pinansin tiningnan ko yung tinitingnan niya kanina nanlaki yung mata ko bat may mga picture ako dito? Yung iba stolen yung iba post ko sa Facebook SRSLY?
Inagaw niya yung phone niya. Natatawa pa ako sa file name ng mga picture ko 'Maldita'"Wag mo na ulit aagawin ang phone ko Maldita!" Sabi niya pinatay niya ata phone niya ako naman kinikilig BWAHAHAHA. "Wag kang assuming hindi kita gusto! Sinave ko lang picture mo dito!"
"Huy, Draheim! Wala akong sinabing gusto mo ako!" Wala naman talaga akong sinabi ehh kapal ng mukha niyang gwapo.
"Good Morning! Reycee! Inunahan mo pa ako ahh!" Sabi ng papalapit kung bestfriend, kala ko nakalimutan na niya ako. Pero wait kasama niya ulit si Hyrum, di ko alam kung anu man ang meron sakanila pero kaylangan kong malaman iyon.
Sunod namang pumasok si Christon na mukhang malalim ang iniisip, napansin ko din this past few days ang tahimik niya.
"Hey! Christon!" Hindi ko alam kong saan nanggaling yung lakas ng loob ko para sabihin yan.
"Uh- Hi!" Umupo na siya, tiningnan ko naman si Draheim. Para siyang papatay ng tao JUSKO.
Isang oras na ang nakalipas at nandito na kami sa Cafeteria ngayon, nakakapanibago talaga wala nang tumitingin saakin. Nakita kong papalapit si Rhina saamin.
"Hey! Bitch nagustuhan mo ba yung surprise ko! Enjoy it dahil bukas babalik ang lahat sa dati!" Sabi na nga ehh pakulo lang ito ni Rhina di ako maniniwala na magbabago pa yang si Rhina JUSKO.
"Well I dont care kung babalik ang lahat sa dati! Kaya ko namang mabuhay kahit pinagtsitsismisan nila ako, tanung ko nga lang anu bang nakukuha niyo sa pagkakalat ng rumors? And bitch kahit anung gawin mo wala akong pakialam!" Sabi ko sakanya akmang sasampalin niya ako pero may pumigil sa kamay niya at si Draheim yun 'Knight in Shining Armor' HAHAHA
"Dont hurt her or else" mukhang natakot naman si Rhina sa sabi ni Draheim.
"Hindi pa tayo tapos bitch!" Sabi lang ni Rhina tapos umalis na siya. Tumayo rin si Christon at lumabas ng cafeteria wait wag niyang sabihin na susundan niya si Rhina?
"Are you okay Reycee?!" Tanung ni Glish saakin. Tinanguan ko lang siya anu kayang mayroon kila Christon at Reycee. Curious lang naman ako dont get me wrong.
"Si Rhina at si Christon naging sila dati!" Biglang sabi ni Ford. Mind reader ba siya? Mas lalo akong naganahang malaman ang lahat nang sinimulan na ni Ford ang magkwento.
"Mahal na mahal ni Christon si Rhina pero nagulat nalang kami noon nang sinabi ni Rhina na ang mahal niya daw ay si Draheim" Sobrang landi talaga ni Rhina. Nagsalita naman si Draheim"Hindi ko naman gusto si Rhina kaya pinagtabuyan ko siya noon, kaya lang mapilit siya hangang isang araw nanalo siya sa contest. Contest na naging dahilan kong bakit siya nagreyreyna-reynahan dito ngayon!" seryusong sabi niya "Hangang ngayon hinahabol parin ni Christon si Rhina, pero ewan ko ba bakit hindi napapagod si Christon sa kakahabol sakanya" Sobrang haba naman pala ng buhok ni Rhina.
Kaclose niya pala noon ang H6 kaya naman pala inaaway niya ako kase close ko rin sila ngayon.
"Teka nga teka nga! Bakit ba si Rhina ang topic natin ngayon? Daahh as in Eww!" Maarteng sabi ng bestfriend ko JUSKO.
Hanggang natapos ang break time nagtawanan lang kami, eto lang ang masasabi ko 'ang saya kamasa ng H6' Bumalik na rin si Christon dito sa classroom na malungkot. Bakit ba kase hindi niya pa tigilan ni Rhina, what if kausapin ko siya.
Natapos ang klase na wala akong naintindihan, nakakainis ehh iniisip ko si Christon at Rhina. "Hahatid ulit kita?!" Sabi ni Draheim, okay lang pala na hindi ko nagamitin yung kotse ko kase may taga hatid sundo na ako HAHAHAHAHAHAHAHAA.
"Kung hahatid mo ako ngayon kaylangan sunduin mo rin ako bukas tapos araw araw na yun as in HATID SUNDO" sabi ko sakanya, malamang hindi papayag yan isang Draheim Kirby mapapapayag ba ng isang Xylene Reycee. HINDI.
"Sege! Papayag ako para naman nakikita ko yang mukha mong nakangiti araw araw!" Napanganga nalang ako sa sinabi niya. Pumayag ba siya? "Halika na sakay na Maldita!" Sumakay naman ako sa motor niya yinakap ko siya ayaw kong mahulog ehh "Tsaka para narin mayakap mo ako araw araw" Makalaglag panty naman yang sinasabi ni Draheim ehh JUSKO.
Nakarating kami sa bahay, bumaba na ako pero nagulat ako nang hilain ako ni Draheim kaya napasubsub yung mukha ko sa dibdib niya anung pinaggagawa ni Draheim? "Sorry i just want to hug you!" Sabi niya na ikinagulat ko.
"Why are you acting like this Draheim!" Tanung ko sakanya naguguluhan ako ehh. May gusto ba siya saakin or papaasahin niya ako?
"I need to go! Pasok ka na! Mawawala pala ako ng ilang araw, ikaw lang ang pinagsabihan ko to basta pagbalik ko humanda ka" Sabi niya. Bumaba siya ng motor tapos bigla niya akong yinakap. Hindi ko alam kung anu yung naririnig kong something sa dibdib niya, Heartbeat?
Sumakay na siya sa motor niya tapos umalis na siya. Anong klaseng espirito ang pumasok sa katawan ni Draheim.
Di ko napansing di pa pala ako pumapasok sa loob ng bahay namin. "HUY REYCEE? ANUNG NANGYARE NANAKAWAN KA BA?" oo nanakawan ako ng yakap "REYCEE! BAT TULALA KA DIYAN?" Napatingin ako kay Glish nasa harapan ko pala siya, "Sabi ni tita sasamahan na daw muna kita diyan sa bahay niyo or kung gusto mo dun tayo sa bahay namin!"
"Dito nalang sa bahay namin!" Sabi ko sakanya tsaka pumasok sa loob sumunod naman ni Glish kaso parang may naalala siya tapos tumakbo pabalik ng bahay nila.
Di ko maimagine na magagawa yun ni Draheim saakin. Para tuloy akong tanga dito sa kwarto ko na nakahiga sa kama na malalim ang iniisip.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Chapter Six is DONE I hope nagustuhan niyo.
Dont forget to VOTE and COMMENT.
- MalditahngKulott <3
BINABASA MO ANG
Kambal ko, karibal ko!
Teen FictionDraheim Kirby Corpuz, siya ang pinakasikat na lalaki sa Syemeneia Academy. Pinagkakaguluan siya ng mga babae, at pati narin bakla. Then, nakilala niya si Xylene Reycee Padua. Silent bitch ang pagkakakilala ng students sakanya, dahil mukha siyang an...