Xylene's POV
"Talaga? Deserve yun ni Christon? Seriously? Napakadesperada mo!" Agad na lumabas yan sa bibig ko at napatingin naman si Rhina saakin
"Nakikinig ka pala ng usapan ng iba Bitch! alam mo bang masama yun?!" Lumapit saakin si Rhina, hindi ako natatakot sakanya hindi ko hahayaang paglaruan niya si Christon at Draheim sa sarili niyang kamay kase mga kaibigan ko sila.
"WALA AKONG PAKIALAM KUNG MASAMA YUN BITCH!" Mas lumapit pa siya saakin at akmang sasampalin na niya ako pero may pumigil sa kamay niya. Isang babaeng kalalabas lang sa isang cubicle.
"STOP THIS RHINA!" Sabi ni? hindi ko siya kilala basta medyo kulot ang buhok niya at maganda siya.
"Bakit Misha may magagawa ka ba huh? Wala ka ngang nagawa nung inagaw ko sayo ni Christon HAHAHA bat ka ba bumalik dito?!" Hindi ko maintindian ang sinasabi ni Rhina Inagaw niya si Christon?
"Oo wala akong nagawa! Pero naging masaya ako kase sinalo ako ni Russel! Ehh ikaw? Sinalo ka ba ni Draheim?!" Wala talaga akong maintindihan sa pinagsasabi nila nakakainis ahh. Hinila ako ni Misha? Palabas ng Cr.
Dinala niya ako sa isang bench, close ba kami nito? "Ikaw si Xylene diba?!" Biglang tanung niya, tumango ako "Im Misha Rejoice Estolas, kapatid ko si Rhina" Sabi niya, magkapatid pala sila ni Rhina pero bat hindi sila magkaugali? Nabagok siguro si Rhina dati kase ang gaspang ng ugali niya.
"So? Bakit mo ako hinila dito?!" Sabi ko hindi ko siya sinungitan ahh, mukhang mabait naman siya. Tumawa naman siya ay may nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Nothing nalaman ko kase na kaclose mo ang H6 kaya ikaw ang unang hinanap ko, alam ko kaseng ikaw ang pag-iinitan ng demonyita kong kapatid at tama nga ang hinala ko!" Sabi niya pareho kami ng tawag kay Rhina HAHA demonyita.
"Wait ikaw ba si Joy yung girlfriend ni Russel?!" Masaya kong tanung sakanya, ang ganda niya naman gusto ko siya para kay Russel. Pero inagaw daw ni Rhina sakanya si Christon?
"Yeah! Wanna know the whole story?!" Sabi niya saakin, excited na akong malaman ehh HAHA kaya tumango ako. Maaga pa naman kaya kwentuhan muna kami "Ako at Rhina ay magkapatid sa ama, I really hate it nang malaman kong kapatid ko siya. Nalaman niyang boyfriend ko si Christon then gumawa siya ng paraan para mapunta si Chris sakanya. Then one day nakipagbreak saakin ni Chris ang sakit sobrang sakit buti nalang nandon si Russel that time siya yung nagpasaya saakin then you know nahulog ako sakanya" Siya pala ang unang naging girlfriend ni Christon. Mang-aagaw si Rhina "tapos nagulat nalang ako nang nalaman kong iniwan ni Rhina si Christon tapos umamin siya na si Draheim ang gusto niya at doon mas lalo akong nagalit sakanya" napakawalangya naman ni Rhina siya na ang Bitch.
"Pathetic, nakakainis na si Rhina palagi niya akong pinag-iinitan ewan ko din kay Christon kung bakit hinahabol niya parin si Rhina. Kung naagaw niya si Christon sayo hindi ko hahayaang maagaw niya saakin si Draheim!" Napatakip ako sa bibig nang masabi ko yung pangalan ni Draheim, patay buking na ako.
"Ay! Sege wag mong hahayaan HAHAHA ikaw ahh may tinatago ka pala! Tara na sa classroom malelate na tayo!" Transferee ba si Misha?
Pagpasok namin sa Classroom, yung mga mata nila nakatingin saamin lalo na si Christon, ahh Ex niya pala si Misha HAHAHA "Hey guys! This is Misha or i guess Joy ang tawag niyo sakanya!" Pagpapakilala ko kay Misha
"Hi Misha este Joy!" Sabi ni Hyrum, napansin kong nakatingin si Draheim saakin kaya lumapit ako sakanya.
"Pwede ba tayo mag-usap Draheim?!" Sabi ko sakanya, umiwas siya ng tingin saakin nakita kong tinapik ni Christon yung balikat niya HUH ayus na ba sila? Bat hindi ko alam?
"Yeah tara sa Rooftop?!" Walang gana na sabi niya. Teka first class namin hindi kami papasok? Bahala na gusto ko siyang makausap.
Pagdating namin dito sa rooftop walang umiimik saamin, nakakainis ahh kala ko ba mag-uusap kami? "Draheim? Wala ka bang balak magsalita?!" Naiinis kong sabi. Hindi parin siya umimik, sobrang nakakainis na ahh "Fine! Kung di ka magsasalita bababa nalang ako para magklase pinaakyat mo pa ako dito sa rooftop nakakainis ahh" Tumalikod ako sakanya pero hinila niya ako paharap sakanya, tiningnan niya yung mata ko tapos yung labi ko. Nakatitig lang ako sakanya, naramdaman ko nalang na may labi sa labi ko. Hindi ako nakapaghanda first kiss ko pa naman.
Humiwalay siya saakin "Im sorry!" Hindi dapat siya nagsosorry "Reycee I Love You!" Sabi niya sakin habang nakatingin sa mata ko. Last week gusto niya lang ako ngayon naman mahal na niya ako SRSLY?
"Ahmm, Draheim! Seryuso ka ba? Kase kung papaasahin mo lang ako wag na please ayaw kong masaktan" I like him, ayaw ko namang lokohin niya ako.
"No! Reycee totoo tung nararamdaman ko sayo, kung malapit ka saakin ang bilis ng tibok ng puso ko, i know nakakabading tung mga sinasabi but i love you and i really do!" nakikita ko naman na seryuso siya sa sinabi niya.
Hindi na ako nagsalita, speechless ehh wala akong masabi. "Reycee! Yung kahapon kong iniisip mong totoo yung sinabi ko tungkol saamin ni Rhina-" Pinutol ko yung sinabi niya
"Dont worry alam ko na ang totoo pinilit ka lang ni Rhina!" Sabi ko sakanya, pansin ko lang kanina pa kami nakatayo nangangalay na ako.
"Tara na sa classroom, nagtext saakin si Hyrum wala pa daw si Mam" hinila niya ako pababa, sakto naman pagkarating samin sa 3rd floor nakita namin si Mam Rivera kaya linapitan namin siya "Good morning mam! Tulungan ko na po kayo!" Kinuha ni Draheim yung dala ni mam na Libro at class record.
"Late kayong dalawa! Pero dahil wala pa ako sa classroom hindi ko na kayo mamarkahan ng Absent" sabi niya nang nakangiti.
Pagdating namin sa classroom binati nila si mam, nakita kong nginitian ako ni Misha at Glish. Umupo kami ni Draheim sa pinakalikod wala kaseng seating arrangement dito sa classroom namin bahala na kung saan kami uupo. "I love you!" Rinig kong sabi ni Draheim tumingin ako sakanya nakatingin siya sa harap.
Sa wakas uwian na napakabilis talaga ng oras, bumalik na rin pala tung taga hatid sundo ko kaya hindi ko na kaylangan gamitin yung kotse ko "Draheim tara na namiss kong sakyan yang motor mo" sabi ko sakanya napatingin naman siya saakin
"Yung motor ko lang ba talaga ang namiss mo o pati ako?!" Napakunot yung mukha ko sa sinabi niya hindi ko naman siya namiss ahh ang kapal.
"Hindi kita namiss! Kapal nu mukha mo HAHA turuan mo ako minsan magmotor para ako rin magdrive minsan" sabi ko sakanya, inagaw ko yung helmet sakanya.
"Sege para ako rin ang yayakap sayo!" Ipinalo ko sakanya yung helmet na hawak ko pero mahina lang.
"Edi shing! HAHAHAHA!" Sabi ko sakanya, sumakay na siya sa motor niya at syempre sumakay rin ako wala akong balak magpaiwan baka sagasahan ako ni Rhina
Pagkadating namin dito sa labas ng bahay, wala lang HAHAHA. Napansin ko yung van ni daddy sa loob. Malamang nandiyan na sila sana lang wala si Kylene ayaw ko siyang makita.
"Bakit hindi ka pa pumasok?!' Tanung ni Draheim, inagaw ko ulit yung helmet sakanya
"Tara gala muna tayo Draheim, please kahit saan tayo pumunta ayaw ko pang pumasok sa loob eh " sabi ko sakanya, tumango naman siya at umalis na kami sa harap ng bahay.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Chapter Ten is DONE! Edi shing HAHA
Thank you sa pagbasa guys, keep reading 'kambal ko, karibal ko'
Dont forget to VOTE anD COMMENT.
- MalditahngKulott<3

BINABASA MO ANG
Kambal ko, karibal ko!
Teen FictionDraheim Kirby Corpuz, siya ang pinakasikat na lalaki sa Syemeneia Academy. Pinagkakaguluan siya ng mga babae, at pati narin bakla. Then, nakilala niya si Xylene Reycee Padua. Silent bitch ang pagkakakilala ng students sakanya, dahil mukha siyang an...