Chapter 8: In the middle of my chaos

31 5 0
                                    

<A/N>

What's up, yow?!
Hey there guys, so here's the chapter 8. It took me a long time to edit this one, cause while i'm editing... I'm watching 'Scarlet Heart' on GMA HAHAHA!

So yeah, guys... Most especially to all of the LoL Gamers... Don't get bored, something big will happen! *lemme spoil you a little.

Song for this chapter: When i look at you - Miley Cyrus (better listen to this song while reading this chapter)

Btw guys, Thank you for all of the votes... Reads... And nice reviews! Thank you thank you thank you so much aaaaand I love you all! :*

-mskawaiiipotato

------------------------------

"Salamat nga pala sa pag-sama sa'kin dito."

"Walang anuman, binibini."

"Oo nga pala, maaari ko ba'ng malaman ang iyong ngalan?"

"Hindi na importante 'yon, binibini."

Ang huling sambit nito bago mag-bow sa'kin at mag laho sa aking paningin. Ano ba'ng problema kung malaman ko ang mga pangalan nila? Hindi ko naman sila ipapa-salvage or papa-imbestigahan sa FBI, ah?. Nag tanong kasi ako sa maliit na nilalang kanina, kung may balkonahe ba sa loob ng kastilyo na'to. Tinuro niya sa'kin ang daan at hinatid ako sa pinaka-mataas na balkonahe sa buong kastilyo ng Noxus. Wooh, grabe... Wala naman ako'ng fear of heights, pero nakaka-kilabot pa rin ang taas nito. Hindi ko maiwasang malula sa tuwing dudungaw ako sa ibaba.

Well, binilisan ko ang pag bihis ko para may kaunting free time pa'ko bago mamatay 'ulit' ... Psh. By the way, iba na ang suot ko'ng sapatos. It's like a gladiator style at leather ito. Well, much comfy...

At ayon, sa kabutihang palad... Pinayagan naman akong makalibot sa itaas na bahagi ng kastilyo, pero hindi ako pwedeng bumaba sa ikalawa hanggang sa ground floor. OA rin nila eh noh? Hindi naman ako tatakas sa lugar na 'to, kasi wala rin naman ako'ng mapupuntahan.

Mula dito sa itaas, natatanaw ko ang malawak na lupain ng Noxus. Hindi ko alam kung ano'ng oras na, pero balot na balot ng maiitim na ulap ang kalangitan. Nagtataasang makapal na pader ang naka-palibot sa buong kaharian at kalat ang nasa-dosenang kawal sa bawat kanto nito. Tila itim na nyebe ang bumabagsak mula sa kalangitan nag nagmi mistulang abo.

Umupo ako sa isang sulok ng balkonahe at kinalma ang sarili, "I just want to live peacefully, not that i wanna die..." Gusto ko'ng mamuhay nang tahimik, pero hindi ibig-sabihin no'n, eh gusto ko ng mamatay! Hindi sa gano'ng paraan! Nako naman...
Pinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim, "Alam ko'ng kakayanin ko ang lahat ng ito... Pero bakit hinang-hina na ako ngayon?" Mahinang sambit ko pa.

.....

"Riven..."

Isang pamilyar na boses ang narinig ko, kaya naman minulat ko ang aking mga mata. Nagising ako nang naka-upo sa damuhan at naka-sandal sa malaking puno... Ang buong paligid ay luntian, kalmado ang ihip ng hangin at maliwanag ang kalangitan... Nagising ako sa isang payapang lugar. Nilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang pinagmumulan ng pamilyar na boses.
Tumayo ako at hinakbang ang mga paa. Dinama ko ang ihip ng hangin at kusang pumikit ang aking mga mata. Naramdaman ko'ng may yumakap sa'kin mula sa likuran, kinulong niya ako sa kaniyang mga bisig at pinatong ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Cloud...."

Mahinang sambit ko pa habang naka-tungo lamang sa malayo.
Hindi ako nagkakamali, siya lang ang gumagawa sa'kin nito... Sa kaniya lang ako nakakaramdam ng ganito...

The ExileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon