Chapter 15: The Battle field

15 0 0
                                    

<A/N>

Hey there guys! So this is the first chapter of the most awaited battle between Noxus and Demacia. This is the chapter where it all begins... Hahahah.

Song for this chapter: Thunder - Imagine Dragons
(I was listening to this song while writing this chapter, hihi skl)

ENJOY!

-------------------

Riven's POV

Sa pag sikat ng araw, ay sisiklab ang labanan sa pagitan ng Noxus at Demacia. Dadanak ang dugo, maraming buhay ang magtatapos. Malamang, kasama ako sa mamamatay, ano naman ang laban ko sa mga nilalang na 'yon di ba? Parang isang maliit na langgam lang ang tingin nila sa'kin. Wala pa sa kalahati ng lakas nila ang lakas ko. Pero susubukan ko lang naman, para ma-apply ko na rin yung mga natutunan ko sa pag eensayo namin ni Talon. Susubukan ko, tapos bahala na kung ano man ang kalabasan.

Kasalukuyang kasama ni Talon ang mga kawal ng Noxus, naghahanda sila para sa nalalapit na madugong labanan. Lahat ng tauhan ng Noxus ay armado na, lahat ng armas ay nakahanda na... Ako, handa na kaya?

"Kung ako sa'yo ay mas pipiliin ko'ng sumama sa digmaan,"

Halos mapaigtad naman ako sa gulat nang biglang magsalita si Cassiopeia mula sa aking likuran. Kahit kailan ay hindi nabigo ang mga Noxian na ito sa panggugulat sa'kin... Parang mga kabute na kung saan saan na lang lumilitaw.

"Pero.. Hindi ako pinapasama ni Talon sa labanan, mapapahamak lang daw ako," napa-yuko na lang ako sa nasabi ko at bahagyang lumukot ang aking mukha.

Marahang inangat ni Cassiopeia ang aking ulo at nasalubong ko ang kaniyang bawat titig. Hindi ko maitanggi ang katangian ng kaniyang mga mata. Nagtatalong berde at itim.

"Hindi naman si Talon ang may hawak ng buhay mo, Riven," nagsimula siyang marahan na maglakad palibot sa akin, "Alam ko na may gusto ka'ng patunayan sakaniya. Alam ko'ng gusto mo'ng lumaban dahil punong puno ka ng galit sa iyong puso..."

Pilit na pumapasok sa isip ko ang lahat ng sinasabi ni Cassiopeia.

"Hindi lamang bastang galit... Kundi galit ng isang makapangyarihang nilalang," Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kaniyang kamay, "Isang pagod na makapangyarihang nilalang" mula sa aking buhok at dumaloy ang kaniyang kamay papunta sa aking dibdib at pinupunto ng kaniyang daliri ang aking puso "Ang galit na kinikimkim ng iyong puso ay dapat ng ilabas!"

Napakunot na lang ako habang tinititigan si Cassiopeia, "Hindi ko maintindihan," naguguluhang wika ko pa.

"Ano ba sa salitang 'galit' ang hindi mo maintindihan? Ipakita mo sa labas ang iyong kakayahan, Riven!" tumalikod si Cassiopeia at sumilip sa bintana, "Halika rito at pagmasdan mo ang kaganapan, mamaya-maya lamang ay sisiklab na ang labanan. Mamamaya-maya lamang ay magsisilabasan na ang pinakamagagaling na mandirigma ng Noxus at Demacia. Isa kang mandirigma, Riven... Ang tanong ay, magpapaiwan ka ba sa masalimuot na silid na ito?"

Lumapit ako kay Cassiopeia at sumilip rin sa bintana. Ang lahat ay armado, ang lahat ay okupado ng kaniya-kaniyang gawain na may kinalaman para sa papalapit na laban. Mga palaso, palakol, espada... at iba't ibang klase pa ng mga armas na pandigma.

"Tignan mo si Darius" wika pa ni Cassiopeia at tinuro niya sa kaniyang daliri ang direksyon ng kinaroroonan ni Darius sa ibaba. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko ang lalaking nakalaban ko nang makatapak ako sa Noxus, ang tumuhog sa maliit kong katawan...  "Isa lamang siya sa pinakamahusay na mandirigma ng Noxus. Isa siyang magkakatay ng karne." wika pa ni Cassiopeia.

"Sa bandang iyon naman ay makikita mo'ng seryosong seryoso sa paghahanda si Talon para sa pakikipag laban," wika pa niya matapos ituro ang kinaroroonan ni Talon sa ibaba. "Hindi dahil lagi mo siyang kasama ay kilala mo na siya, Riven. Marami ka pang dapat na malaman tungkol kay Talon. Kung ako saiyo ay iiwasan ko na si Talon... Hindi ko na pipilitin pa na maging malapit sakaniya, dahil darating ang araw na magiging kalaban mo rin ang taong pinakamalapit sa'yo. Darating rin ang panahon na mismong sarili mo ang pinakamatindi mong kaaway... Iyon ang laban na dapat mong paghandaan, Riven," dagdag pa ni Cassiopeia, matapos ay mahina siyang natawa bago tuluyang lumabas ng silid.

Kasalukuyan ko pa ring tinitignan si Talon mula sa malayo, "Kagaya ko, ay isa ka ring misteryo."

Dinampot ko ang runic blade at lumabas ng silid. Hindi naman ako lumpo upang manahimik na lamang sa isang tabi. Alam ko na may kakayahan rin ako. Tama si Cassiopeia sa mga sinabi niya kanina, Ako ang may hawak ng buhay ko at hindi ang kahit na sino. Ako ang magde desisyon para sa sarili ko.

Napadaan ako sa isang malawak na balkonahe, nakita ko sa hindi kalayuan ang isang hukbo, malamang ito ang hukbo ng Demacia. Tumingin ako sa kalangitan... Sumisilip na ang araw mula sa silangan... Hudyat ng pagsimula ng labanan.

Nagmadali akong bumaba ng kastilyo at tumungo sa labas.

Sa sobrang dami ng kawal ay hindi na kapansin-pansin ang aking mga galaw. Nanatili ako sa likuran ng hukbo ng Noxus habang mahigpit na hinahawakan ang runic blade sa aking kanang kamay.

Kahit ano man ang kalalabasan ng labanang ito, siguradong may mananaig. Hindi naman ako sigurado sa layunin ng Demacia... Hindi rin ako gano'n ka-sigurado sa layunin ng Noxus upang humugot ng lakas ng loob para sa isang digmaan. Kahit ano man ang mangyari sa'kin ngayon... Bahala na talaga. Mamamatay rin naman ako sa kahit anong paraan.

Yumuko ako at pinakiramdaman ang runic blade. Pumikit ako at pilit kong kinokonekta ang sandata sa aking sarili. Iisa ang sandata at ako, magkasama naming susuungin ang laban.

Isang malakas na tunog ang nagmula sa trumpeta. Hudyat ng pag sugod.

Agad akong napadilat ng mata nang marinig ang tunog. Nakita kong nagliliwanag ang mga naka ukit na kung ano sa runic blade. Nagliliwanag ito ng berdeng ilaw.

Sunod sunod na mabibigat na yabag ng mga kawal ng Noxus ang maririnig sa buong paligid. Mga yabag ng sabik sa panganib... Mga yabag ng natatakam sa tagumpay.

Kasabay nila ay pinadyak ko ang aking mga paa sa pagtakbo at sumugod...

Bahala na kung ano man ang mangyari sa'kin...

To be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ExileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon