Chapter 13: The Assassin

28 1 6
                                    

Riven's POV

"Okay, last na bato na..."
Wika ko pa sa sarili ko.

Next ko ng bubuhatin ang pinaka malaki at pinaka mabigat na bato. Abot baiwang ko ang laki nito. Oh God, kakayanin ko ba 'to? Eh kung kasing bigat nga 'to ng sandata ko, well... Kaya ko naman. Ata.

"Gawin mo na, Riven."

"Wait lang naman! Pwedeng huminga muna? Mag stretching man lang? Eh parang made-detach yung mga buto ko dito eh!" Reklamo ko pa.

Napaka-bossy nitong Talon na 'to! Sarap ipalamon sa dragon! Nako lang. Kanina, niyakap ko pa siya, ngayon halos patayin niya ko dito.

"Kinaya mo ang bigat ng Runic Blade... Alam ko'ng kakayanin mo rin na buhatin ang batong 'yan." He said in a flat tone.

"Oo na! Daming sabi..."

Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng bato at huminga nang malalim bago ko subukang buhatin ang bato.
I'm doing my best, pero hindi ko maramdaman na umaangat ang bato kahit na kaunti.

Sinusubukan ko'ng ilabas ang lahat ng enerhiyang nasa loob ko. Kailangang makaramdam ako ng tensyon para hindi ko mamalayan ang bigat ng bato. Inipon ko sa mga braso at binti ko ang lahat ng lakas sa aking katawan. Hanggang sa naramdaman ko'ng unti-unting umaangat ang bato... Binuhos ko ang lahat ng aking kakayahan at kapangyarihan, hanggang sa maiangat ko ang bato ng ilang talampakan mula sa lupa.

Hindi rin nag tagal ang pag buhat ko sa bato... Dahil matapos ang limang sagundo ay agad ko na itong binitawan.

Kasabay nito ang pag upo ko sa lupa at ang pag sandal ko sa bato.

Hinahabol ko ang aking hininga nang matanaw ko si Talon na unti-unting lumalapit sa akin habang naka ngiti at pumapalakpak.

"Magaling, Riven."

"Are you really trying to kill me?"

"Kung iyon ang iniisip mo..."

He offered his hand to help me stood up. I glared at him before i took his hand.

"Ang unfair mo talaga, mas mabigat kaya yung bato na 'yan kesa do'n sa runic blade ko!" reklamo ko pa.

He just stared at me with his blank expression.

"Bumalik na tayo sa kastilyo."
Aya pa nito.

I really hate this guy. Pero, mabuti na lang at tinutulungan niya ako kahit na alam ko'ng naaasar na rin siya sa'kin.

---

Kapapasok pa lang namin sa kastilyo nang salubungin kami ng isang kawal. Nag bow ito kay Talon bago mag salita... Kay Talon lang talaga?

"May nakarating na balita sa amin, Ginoong Talon."

"Ituloy mo," wika naman ni Talon at hinarap ang kawal.

"Nagpadala ng mensahe ang Demacians, sinasabi sa mensahe na dapat na nilang kunin ang lupaing pagmamay-ari nila, kung hindi natin ibibigay nang kusa iyon, asahan na ang madugong labanan," seryosong wika ng isang kawal ng Noxus. Actually, he's more like a viking, he looks like a viking... Every soldier here in Noxus looks like a viking. Bulky and armored bodies. Inabot niya ang papel kay Talon at agad naman itong binasa ni Talon.

Mahinang natawa si Talon matapos mabasa ang sulat. Ano naman kaya ang nakaka tawa?

"Sa tingin ba nila ay kinilabutan na tayo sa walang kwentang mensaheng pinadala nila? Nasakop na natin ang lupaing sinasabi nila... Bakit ba hindi na lamang nila matanggap na mas lumalakas na ang pwersa ng Noxus sa pamamagitan ng pananakop ng iba't ibang lupain sa runeterra? Hindi tayo basta-bastang magpa apekto sa kapirasong papel na ito," wika ni Talon at pinunit ang sulat na mula sa Demacia at nagsimulang maglakad. Agad ko naman siyang sinundan.

Of course, he's Talon of Noxus. Kahit si kamatayan, hindi siya magagawang takutin. Best friend forever pa nga ata sila eh!

"Ano na'ng balak mo ngayon?" tanong ko pa sakaniya. Hindi naman siya kumibo at patuloy pa rin sa paglalakad, diretso ang tingin niya at para bang hindi man lang niya dama ang presensiya ko. Ugh, this guy.

"If ever na maganap yung battle na sinasabi do'n sa letter... Sasama ba ko'ng makipag laban?" tanong ko pa ulit. This time, I got his attention. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. Oops, maybe I asked a wrong question that made his eyebrows furrowed and made his aura darker. Woop, I hate myself.

"Sabi ko nga, kailangan ko pa ng matinding ensayo, at mas gagalingan ko pa–"

"Paano kung mapahamak ka nanaman? Paano kung mapahamak ka at wala ako sa tabi mo? Ano na lang ang gagawin mo, ha?! Sa tingin mo ba, ay kaya mo na ang sarili mo? Riven, ngayon, ipapaintindi ko sayo na hindi lang ang Demacia ang kalaban natin," hindi ako natapos sa pagsasalita ko nang bigla siyang sumingit at tinadtad ako ng mga tanong na hindi ko magawang sagutin.

"Riven, hindi uso yung salitang 'tiwala' dito sa Noxus... Dito sa Runettera!" dagdag pa niya. Umuusok ang ilong niya sa galit at halos mag martsang naglakad papalayo. He left me with his sharp words that cuts deep through my heart.

Malamang, big deal sakaniya yung definition ng word na 'Trust' that's why nasabi niya sa'kin ang mga bagay na 'yon. May point naman talaga siya... Pero ang gulo niya rin ah. Pinaparating niya na wag ako'ng basta bastang mag tiwala sa kahit sino dito sa runeterra, tapos, sa mga una niyang sinabi kanina, parang concern na concern siya sa'kin? Do I need to trust him? Like– he saved my life not just once. Pero, wala eh... Siya na rin naman ang nag sabi. Sakaniya na mismo nanggaling.

Lumabas ako ng kastilyo at dumiretso sa masukal na gubat. I have my sword with me. Kailangan ko'ng mag ensayo nang mabuti para sa magaganap na laban sa pagitan ng Noxus at Demacia. Malamang, hindi isusuko ng Noxus ang hinihingi ng Demacia, pinipili nila lagi ang marahas na paraan. Speaking of Demacia, I wonder kung ano'ng klaseng mga nilalang naman ang nakatira do'n... Siguro, maabilidad rin sila at makapangyarihan. Ako lang ata ang nag iisang weak dito sa runeterra eh. Pero alam ko'ng babalik rin ang lakas ko, kaya naman kailangan ko ng mabuting pag eensayo.

"Ha!" As I hit the trunk of a huge tree. Bumakas ang blade ng espada sa puno. I hit the trunk again and this time, as strong as I can.

"Ano naman ang kasalanan sa'yo ng punong iyan?"

Halos mapaigtad naman ako sa gulat nang biglang may babaeng nag salita mula sa aking likuran.

"S-sino ka?" tanong ko pa. Tinapat ko ang espada ko sakaniya.

A girl wearing a mask on her face.

She chuckled and moved closer to me, so I stepped backward.

"Riven... Riven..."
"Malaki na nga ang pinag bago mo. Kailangan mo'ng sumama sa'kin!"

----------

Hey there guys! Took so long to Update, huh? I'm really sorry guys! But now I'm back!

More updates soon!

-mskawaiiipotato

The ExileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon