Chapter 9: Damsel in Hell

33 4 1
                                    

<A/N>
Hey there guys!
I'm sorry for this crappy short UD... Peace!!!
But i hope you like it :*

You must listen to these songs:
•Final Song -
•In the name of Love - Martin Garrix and Bebe Rexha
•How to love - Cash Cash ft. Sofia Reyes

Ps. I'm an EDM freak.... Hahahah.

-mskawaiiipotato

------------------------------

Akala ko ay tuluyan ng magwa-wakas ang aking buhay... Ngunit heto ako ngayon at humihinga pa rin. Ilang beses na ba ako'ng nakipag laro kay kamatayan? Bakit ba hindi na lang ako bastang mawalan ng hininga para hindi ko na kailangang mag hirap at kamatayan lang rin naman ang kahahantungan?

Alam ko na ang lalaking kasama ko ngayon ang nag ligtas sa'kin... "Salam-"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang biglang ibagsak ng misteryosong lalaki ang health potion sa lamesa. Sandali, sa pagkaka-alala ko... Talon ang pangalan niya, "Galit ka ba sa'kin? P-pasensiya na." Mahinang sambit ko pa. Kasaluluyan ako'ng naka-higa sa isang malawak at malambot na higaan, sa tingin ko ay balat ng puting oso ang kumot na ginagamit ko ngayon. Luma at antigo ang mga kagamitan sa kwarto at isinisigaw ng bawat kanto ng silid na ito kung gaano ka-yaman ang nagmamay-ari dito.

"Pasensiya ka na kung mahina ako." Wika ko pa. Hindi ko naman akalain na ganito pala ang dadanasin ko dito eh... Marahas na humarap siya sa aking direksyon at halos mag martsa na lumapit sa'kin, "Oo! Mahina ka!" Singhal pa nito sa'kin at padabog na umupo sa higaan. Aba, bastos 'to ah.. Sinisigawa niya ako?! Kailangang isigaw niya talaga sa mukha ko na mahina ako?! "Aba, hindi ko ginusto ang makipag-laban! Hindi ko ginusto na mangyari sa'kin ang lahat ng 'to!" Pa-sigaw na sambit ko pa. Nilapit niya ang mukha niyang– natatakpan pa rin ng hood. "I- i didn't ask for your help!" Singhal ko pa sa mukha niya. Halos umusok ang ilong niya sa sobrang galit.

"Now if you won't accept either of my gratitude and apology, then FUCKING DAMN YOU! Absorb my curse and anger!" Dagdag ko pa. Katawan ko lang ang may damage, hindi ang utak at ang boses ko! Kaya ko'ng makipag tagisan ng masasakit na salita sayo buong gabi! Arghhhhh! I curse you to the pits of hell! "Look at me, huh! Remove your fucking hood! Meet my eyes, boy." May panghahamon na wika ko pa.

I gritted my teeth, "Naiinip na'ko, TALON." May diin na wika ko pa. Natigilan ako nang bigla niya ako'ng sakalin gamit ang kanang kamay niya. Sobrang higpit at hindi ko magawang makawala. Papatayin niya ba talaga ako? Kaya niya ba ako niligtas kanina para mapasailalim niya ako sa kabulastugan niya? Literal na hawak niya ang leeg ko at literal na hawak niya ang buhay ko. Gamit ang kanan ko'ng kamay, pilit ko'ng inabot ang ulohan niya at pilit na inalis ang hood na naka-takip sa mukha niya.

Bigla niyang binitawan ang leeg ko nang maalis ko ang hood na naka-takip sa mukha niya.

I gasped when i saw his face. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko...

"C-cloud?" Hinawakan ko ang mukha niya at pinagmasdang mabuti ang kaniyang mga mata, "Cloud... Ikaw ba talaga yan?" Kasabay nito ang pag tulo ng luha mula sa aking mata. "Hindi ko kilala ang sinasabi mo." Sagot naman ni Talon. Pero hindi ako agad na naniwala sakaniya... Hindi eh... Kamukhang-kamukha niya si Cloud! Mula sa haba ng buhok, tangos ng ilong at ang pagka bilog ng mata, "Cloud..." Mahinang sambit ko pa. "Huwag mo ng aksayahin ang mga luha mo, Riven... Hindi ako ang taong binabanggit mo." Kasabay nito ang pag tabig niya ng kamay ko, dahilan ng pag bitaw ko mula sa pag hawak sakaniyang pisngi.

Tumayo siya at tumalikod sa'kin... I feel better now, maybe i can stand... Tumayo ako sa likuran niya at pinakiramdaman lang ang presensiya niya, "Bakit mo ako niligtas?" Tanong ko pa. Humarap siya sa'kin at binigyan ako ng isang matalim na tingin, "Kailangan ko pa ba'ng ulitin? Dahil Ma-hi-na ka!" Nilakasan niya talaga ang pag banggit ng dulong parte. Napa-yuko na lang ako dahil sa labis na kalungkutan. Siguro nga, hindi siya si Cloud... Dahil hinding-hindi magagawa ni Cloud ang pag taasan ako ng boses at lalong-lalo na ang sakalin ako! Damn it... I'm no longer fit in this place.

Unang hakbang pa lamang niya, ay natigilan na siya sa paglalakad nang bigla ko siyang yakapin mula sa likuran. Diniin ko ang aking mukha sa kaniyang likuran at hinigpitan ko ang pag yakap sakaniya. Hindi man lang siya nag react o kung ano... Tahimik lang siya and he heaved a heavy sigh before he forced to remove my arms that's wrapping on his tummy... Inaamin ko'ng mas matangkad talaga siya sa'kin and i even felt his abs... The hell am i saying?!

Tuluyan na siyang lumabas ng silid at naiwan ako'ng mag isa. *sigh

Umupo na lang ulit ako sa higaan at pinagmasdan ang buong paligid. Nakita ko'ng nakapatong sa isang kahoy na lamesa ang sandata ko... Psh.

Sana nga ay madali lang na maka-alis sa lugar na'to... Pero hindi. Habang buhay ako'ng makikipag-patayan upang manatiling naka-tayo at humihinga. Kailangan ko'ng maging malakas para maka-laban at manalo. Ganito ba talaga sa mundo'ng 'to? Dugo para sa dugo? Buhay para sa buhay?

May pangako ako'ng pinanghahawakan at dapat ko iyong tuparin. May kailangan ako'ng patunayan...

Mas malalang katotohanan pala ang naghihintay sa'kin sa lugar na'to... Pinili ko na lang sana ang manatili sa tabi ng Spencer Family at hayaang malagutan ng hininga, mamatay ako'ng tahimik at sa huling hininga ko, ay kasama ko ang mga taong pinaka-mamahal ko.

Pero... Sa lugar na 'to, may minahal na ba ako?

Someone's POV

Kanina pa na walang imik si Talon. Hindi nga ako sigurado kung ramdam niya ba ang aking presensiya...
"Kamusta si Riven?" Tanong ko pa, hindi naman siya sumagot at tila ba walang narinig, "Kailangan niyang mag sanay para sa napi-pintong digmaan sa pagitan ng Noxus at Demacia... Bakit hindi na lang ikaw ang mag-sanay sakaniya?" Wika ko pa habang hinahasa ang aking dagger.

"Hindi, hindi ako papayag na maging tagapagsanay niya. Mayroon siyang binabanggit na pangalan kanina, tinawag niya ako'ng– Cloud." Wika naman ni Talon habang naghahasa rin ng kaniyang mga blade.

"Batid ko'ng nanaiisin rin ni Cassiopeia na ikaw ang magsanay kay Riven." Wika ko pa sabay tutok ng dagger kay Talon. "Nasanay siyang mag salita ng wikang ingles sa mundo ng mga mortal... At hindi ko gusto ang tabas ng kaniyang dila sa pakikipag-usap." Walang emosyong sambit ni Talon habang naka-tutok pa rin sakaniya ang aking sandata. "Dalawang lenguahe lamang ang ginagamit natin dito... At isa na roon ang ingles, walang problema sa pakikipag usap sakaniya." Sambit ko naman bago ko binaba ang aking sandata at pinunasan ito ng tela. "Basta ay... Ayoko lang." Wika naman ni Talon bago tumayo at iayos ang kaniyang tatlong blade.

Tumayo rin ako at sinundan siya.

"Kung magagawa mo ito, sigurado ako'ng tataas ang tingin sa'tin ni Cassiopeia... Nang sa ganon ay–" hindi ko natapos ang aking sinasabi nang biglang marahas na humarap sa'kin si Talon.

"Wala akong pakialam sa tingin ng ibang tao, lalo na sa paningin ni Cassiopeia. Kung ikaw ang may nais, ikaw na mismo ang gumawa." Bakas ang kontroladong galit sa tono ng pananalita ni Talon. Kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa na hayaan na lamang siyang lumisan.

Batid ko'ng tuluyan na siyang sinakop ng poót at labis na kalungkutan. Hindi na siya nag tira ng kaunting kabutihan. Ngunit, ano ito'ng nabalitaan ko na niligtas niya mula sa kamatayan si Riven?

Ngayon ay masasabi ko'ng, isang malaking misteryo ang aking Kapatid...

The ExileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon