Chapter 1

160 4 0
                                    

Nilalakad ko ang hallway ng Sinclaire Academy nang mapansin ko na nagkakagulo ang mga tao sa harap ng bulletin board. Dalawa lang naman ang magiging dahilan nun, una pinost na ang results ng nakaraang midterms at ang pagpost ng panibagong 'chosen one' ng Royalties sa school.

Ako nga pala si Ionna, nasa last year na ng pag aaral sa pinakasikat slash pinaka mayamang school sa Pilipinas. Hindi naman kami mahirap o mayaman. Napagkakasya ng magulang ko ang pang araw-araw naming gastusin. Isa ako sa mga scholars ng school namin, kaya nakakayanan ko na magaral dito. Hindi ko nga alam kung paano ako naging scholar dahil pagkakatanda ko, hindi naman ako naenrol dito. Basta na lang isang umaga, nakarating sa akin ang isang sulat at nakalagay doon na isa ako sa mga napili na maging scholar ng Sinclaire Academy.

"Ionna.."

Napalingon ako nang narinig ko ang pangalan ko, si Aemie pala.

"Aemie, bakit?"

Tumabi sya sa akin at sabay na kami ngayon na naglalakad. "Nakita mo na ba yung nasa bulletin board? Ngayong araw na daw pipili ang Royalties ng kanilang 'chosen one' this year."

"Bakit naman masyado atang maaga? Hindi ba mga bandang September sila namimili?" usisa ko sa kanya.

Napakamot na lang sya ng ulo sa tanong ko. "Hindi ko rin alam eh. Kahit na ako ang managing director ng school newspaper, wala akong ideya."

"Siguro dahil sa kalahati ng Royalties ay gagraduate na kagaya naten"

"Oh! Magandang hula yan Ionna!" sigaw ni Aemie sa akin sabay halik sa pisngi ko. "Napaka talino mo talaga! Hindi na ako nagtataka na isa ka sa mga scholars ng school naten. Kaso, alam na yun ng buong campus kaya kelangan ko ng mas matibay na dahilan."

"Eh bakit hindi mo tanungin yung publisher nyo? Member ng Royalties yun diba?"

"Wala ding ideya si publisher. Kahit man daw sya naguguluhan sa nangyayari sa loob ng Palace."

Hindi ko na lang sya sinagot at nagpatuloy kami sa paglalakad. Sya si Aemi Perez; Managing Director ng the Daily Journal; ang official school newspaper ng Sinclaire Academy. Magkasing year lang kami ni Aemi, pero magkaiba ng section. Section A ako, samantalang sya B. Anak ng isang businessman si Aemie. Nagtataka ako noon kung bakit nasa B si Aemie samantalang ako na anak ng isang tricyle driver ay nasa section A. Pero ang sabi nya sa akin noon, ganon daw talaga ang patakaran sa Sinclaire. Tinitimbang ang pagiging mayaman at sikat ng pamilya mo. At dahil nga isa akong scholar, automatic akong napunta sa A. Noong una akala ko aalipustahin at aapihin nila ako pero nagkamali ako. Para akong pumasok sa kakaibang mundo at ang pagiging normal ay extraordinary sa kanila. Sa ngayon, halos lahat ng mga kaklase ko ay kaibigan ko. Nagkamali ako ng first impression ko sa school na to, at hanggang ngayon ay napakasaya ko kase dito ako nag aaral.

Nagpaalam na si Aemie sa akin at dumiretso na ako sa canteen..ay hindi pala canteen tawag dito. Talo pa ang mga mamahaling restaurant sa Manila. Kahit na halos 4 na taon ko nang napupuntahan ang lugar na ito, hindi pa rin nagbabago ang paghanga ko.

"Hello Ionna!" tawag sa akin ni Patricia sabay yakap sa braso ko. "Tara sabay na tayo kumain."

Sya si Patricia, isa sa mga anak ng Senate President ng Pilipinas. Maganda at isa sa mga matatalino sa klase, kaya di nakakapagtaka na kaklase ko sya. Kasama nya ang iba pa naming mga kaklase na sina Marjorie; anak ng isang senador, Sunshine; anak ng isang imbentor; at ang pinakatahimik sa lahat na si Charles; anak ng vice president. Mga anak ng mga bigating tao kung tutuusin, pero mga normal silang mga tao. Akala ko mga bituin na napakahirap abutin dahil sa sobrang taas pero ang totoo, sila ang kusang bababa para lang maabot mo. Hindi sila mapanglait na mga tao, kumbaga may mga pinag aralan kaya may mga 'class'.

"Pasensya kana Patricia, may inuutos pa kase sa akin si Miss Sandoval kaya hindi ako pwede sumabay."

"Hindi ka pa rin ba tapos sa pinapagawa nya? Kahapon pa yun ha." sagot ni Sunshine na umiinom ng tsaa.

"Sabi ko naman sayo tutulungan na kita. Eh di sana tapos kana kahapon pa." singit ni Marjorie

"Wag na, malapit naman na ako matapos. Sadyang inuna ko lang muna yung elementary section bago yung sa atin."

"Kung ginamit mo sana yung sasakyan namin eh di sana tapos kana" himutok ni Charles sabay napabuntung hininga.

"Eh di naman sya marunong magdrive ha." Napabitaw na si Patricia sa akin at umupo sa tabi ni Marjorie.

"Ako naman ang magdadrive ha."

"Maaga syang mawawala sa mundong ibabaw Charles, pakiusap lang." sagot ulit ni Patricia. Nagpaalam na ako kay Sunshine nang di na ako makasingit sa diskusyunan nina Charles at Patricia. Kumuha muna ako ng isang bote ng tubig sabay labas na ng mala-restaurant naming cafeteria.

Bago matapos ang lunch break ay natapos ko na ang school building namin. Isa na lang ang kelangan kong puntahan, at iyon ang head quarters ng Royalties. Sila lang naman ang naghahari sa school, kaya nga Royalties ang tawag eh. Binubuo ito ng pinakamayaman at pinaka makapangyarihang estudyante sa Sinclaire. Hindi ko nga alam kung bakit pati Royalities ay kelangan kong puntahan. Hindi naman sa ayaw ko, kaya nga lang hangga't maari ayokong makabangga ang mga kagaya nila. Isa lang naman akong hamak na estudyante at gusto kong matapos ang pag aaral ko dito sa Sinclaire na matiwasay.

Pag dating ko sa harap ng building nila, ramdam ko na mas kakaiba pa ito kesa sa mga napuntahan ko nang mga building. Sabi nga ng mga teacher, para ka daw na nasa ibang dimensyon pag pasok mo sa loob. Iba ang aura kumpara sa ibang lugar dito. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Pagkapasok na pagkapasok ko ay napanganga ako. Sa labas akala mo ay ordinaryong school building lang pero pag pasok mo, para kang nasa palasyo. Bubungad ang isang napaka garang chandelier. Gawa ata sa diamonds yung mga palawit. Nilibot ko ang tingin ko, merong isang napaka engrandeng hangdanan papaakyat sa second floor. Meron din namang elevator sa gilid pero yung hagdanan talaga ang nagbigay ng mala fairytale na ambiance. Pinili kong gamitin yung elevator para mabilis akong matapos. Tinignan ko ulit yung letter na hawak ko. Sabi sa akin ni Miss Sandoval, iabot ko daw ito sa taong nakasalamin at sabihin kong galing kay Mr. Chairman ang sulat. Nagtataka ako kung bakit kelangang ipadala pa sa sulat eh uso naman na ang email ngayon. Naputol ang pagiisip ko nang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang napakagandang silid. Parang ayoko na umalis sa kintatayuan ko, pero nang akmang magsasara na yung pinto ng elevator, dali-dali akong lumabas. Pagkatapak palang ng mga paa ko sa sahig ng kwarto na yun, pumasok agad sa isip ko na wala ako sa earth; out of this world ang lugar. Napailing na lang ako, kelangan kong matapos ang pinapagawa sa akin para makalayas na ako. Dahan-dahan akong naglakad nang mapansin ko ang isang mahabang upuan, at nakahiga doon ang isang natutulog na lalaki. At isa lang ang pumapasok sa isip ko nang mga oras na iyon....

isa syang prinsipe.

----------------------------------------------------

Gusto kong ibalik yung kauna-unahang story ko dito sa wattpad. Kaya ayun, sana magenjoy kayo. Hindi ko alam kung matatapos ko ito kase napakadaming plots ang tumatakbo sa utak ko. Pasensya na, kaya hangga't wala pa akong masyadong ginagawa dito sa office mag uupdate ako! 

Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon