Chapter 8

44 3 2
                                    

Ngayon ko lang narealize na ang sabaw pala ng last update ko. So, pasensya na po and maraming maraming thank you sa mga nagbabasa at nagvovote nito. 

--------------------------------------------------------------

Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase para sa umagang iyon at lunch break na. Madalas pag ganito, hinihila ako nina Patricia at Aemie papunta sa dining hall pero ngayon sina James at Kiefer ang kasama ko. Ngayon ko lang kase narealize na kaklase ko rin pala si Kiefer, kaya pala lagi silang magkasama.

"Lady Ionna, saan mo gustong kumain?" tanong sa akin ni James habang papalabas na kami ng room. Napalingon ako sa kaliwa ko at nakita ko na nakangiti sya sa akin. Isa si James sa mga pala-kaibigan kong kaklase; actually lahat naman sila. Katulad ng sinabi ko noon, hindi uso sa kanila ang pagiging bully. Oo may iilan na hindi mo maiiwasan na mandiri sayo kase hindi ka naman parte ng mundong ginagalawan nila pero hindi ko iyon ramdam sa mga kaklase ko. Gwapo si James, isa ang pamilya nya sa mga angkan ng mayayaman sa Pilipinas, bukod pa sa napakalakas nyang karisma, magaling pa syang sumayaw. Parang nagiiba nga ang aura nya kapag sumasayaw sya.  

"Sa cafeteria na lang siguro tayo." narinig kong sagot ni Kiefer. Napatingin naman ako sa kanan ko at tumingin kay Kiefer. Ayon sa nabasa ko, si Kiefer ang pinakabata sa Royalties, sumunod si James. 'Ice Prince' ang tawag sa kanya ng mga kaklase ko, kahit na ng mga fangirls nya. Oo, lahat sila may fangirls. Madalas kase na nakapoker face si Kiefer, at bibihira lang syang ngumiti. Sabi pa nga nila, isa kang maswerteng nilalang kung makikita mo ang napaka-mamahaling ngiti ni Kiefer. 

"Bakit? Ikaw ba si Lady Ionna ha?" sagot sa kanya ni James at nakita kong napailing na lang ang katabi ko. 

"Hayaan mo na James, doon na lang tayo kumain." hila ko sa mangas ng tshirt ni James nang akmang tatapikin na nya si Kiefer.Napakampot na lang tuloy sya ng ulo kaya natawa ako. Hindi rin nya kase mahawakan ng maayos yung isa dahil napapagitnaan nila ako. Para nga akong dwende dahil matatangkad yung nasa magkabilang gilid ko. Nagdesisyon kase silang dalawa kanina na sumabay sa akin. Tinanong ko sila kanina kung kasama ba ito sa pagiging Chosen One ko pero umiling lang sila sabay sabing gusto lang daw nila sumabay sa akin.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay biglang tumahimik ang maingay na dining hall. Lahat ng mata ay nakatingin sa amin. Palibhasa, bihira lang makita ang mga prinsipe - pwera na nga lang pala kay James. Pero si Kiefer, ramdam mo na ang pagkairita o sadyang ganon lang talaga ang mukha nya? 

"Ionna!" narinig kong sinigaw ni Patricia ang pangalan ko sabay lapit sa amin. Nakasunod sa kanya si Kyle, isa sa mga kaklase namin. Madalas na magkasama sina Kyle at Patricia, hindi ko lang alam kung bakit. 

"Tatawagin ka na sana namin kanina kaso naunahan kami ni James at Kiefer. Tara doon tayo sa dati nating pwesto" hindi na nya hinintay ang sagot ng dalawang lalaki sa gilid ko at dali-dali akong hinila sa lugar kung saan nakaupo ang iba pa naming kaklase. Nilingon ko yung dalawa at halata sa mukha nila ang pagkagulat at pagtataka. Ngumiti na lang ako bilang sagot sa kanila na ayos lang ako. At bumalik na ulit sa pagiging maingay ang dining hall.

"Ayon, buti na lang talaga at naialis kita sa pangangalaga ng dalawang prinsipe natin. Alam mo bang kumalat na ang pagiging chosen one mo?" bulong ni Patricia nang makaupo ako. Hindi naman masyadong malakas o mahina yun sinabi nya, tama lang naman para marinig naming lahat. Kasama ko sa isang napakahabang lamesa sina Marjorie, Sunshine, Aemie, Kyle at Patricia.  

"Ano naman masama kung nalaman nila na Chosen One ako?" tumingin ako kay Kyle nang nilapag nya ang hawak nyang tray na puno ng pagkain sa harap ko. "Para sa akin ito lahat?" tumango naman sya bilang sagot. "Salamat, bayaran kita mamaya."

"Wag na, treat ko yan sayo. Subukan mong tanggihan yan. Magagalit talaga ako sayo." 

See? Ganyan ang bantang ginagamit nila sa akin, kaya madalas hindi ko sila matanggihan.

"Malaki. Alam mo naman kung gaano kadami ang mga fangirls nila? Kay James pa lang, taob kana. Paano pa yung iba? Hindi mo ba nakita kung gaano katalim ang titig sayo ng mga babae na yun.." sabay turo ni Sunshine sa umpukan ng mga babae sa kabilang dulo ng dining hall. "..halos patayin ka na nila sa tingin." Tumango-tango naman si Kyle na katabi nya.

"Ayon na rin sa nakalap kong impormasyon, may nagtatangkang kwestyunin ang pagkakapili sayo bilang Chosen One. Syempre sabi sa akin ni Publisher aka Matthew Lopez, huwag ko na daw patulan yung mga ganong tsismis. Nakatakda kasing gawing official yung pagkaka announce sayo bilang Chosen One sa Friday. Kaya hangga't hindi pa iyon nangyayari, ihanda mo na ang sarili mo." sabi sa akin ni Aemie. Minsan may silbi din yung pagiging madaldal at tsismosa nito.

"Wag ka mag-alala, poprotektahan ka namin. Napagkasunduan na namin ito kanina habang wala ka. Nasabihan ko na din si Kris about this, at pumayag syang magkaroon ka ng body guard..." salita ni Marjorie na sadyang kinagulat ko.

 "Teka Marj, wala sa usapan namin yung tungkol dyan.." 

"Sandali lang kase, hindi pa ako tapos. Alam ko at alam din nila na tatanggi ka kaya nagdecide kami kanina na dapat isa sa kanila ang laging nasa tabi mo. Since kaklase nga naten ang dalawa sa kanila, sina James at Kiefer ang makakasama mo hanggang paguwi mo."

"Bakit hindi ko ata alam yan? Tska bakit kelangan pang may kasama ako. Wala naman sigurong papatay sa akin diba?" 

Hindi nila ako sinagot at bigla akong kinabahan dahil doon. 

"Seryoso kayo? Meron talagang magtatangka sa buhay ko?!"

"Hindi naman sa ganon. Ayaw din naman natin na mangyari iyon pero ayaw din naming itabi yung chances na pwede ngang mangyari iyon. Nangyari na din kase yung ganito nung nakaraan, nahospital yung huling Chosen One dahil nabalian sya ng buto. Sabi nila, aksidente daw syang nahulog sa hangdan pero iba yung tingin ng iba. May kasama daw kase sya noon bago mangyari iyon, kaya may possibility na may tumulak sa kanya." sabi sa akin ni Patricia na lalong nagpadagdag sa kaba ko. 

Pwede na bang magback out? AYOKO NAAA!!

Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon