Chapter 5

50 3 1
                                    

Kinagabihan, masayang masaya na binalita ni Nanay ang 'pagkapanalo' ko daw ng house and lot sa isang subdivision malapit sa amin. Abot tenga ang ngiti nya habang kinukwento kay Tatay ang mga napagusapan nila ni Kris kanina. Kahit na si Tatay na bihira lang ngumiti ay halatang masaya sa magandang balitang kinukwento ni Nanay. Habang si Anton naman, panay ang tingin sa akin, palibhasa kambal kami kaya alam nya kung ano nararamdaman ko. Tama kayo ng nababasa, kakambal ko si Anton; fraternal twins kami at ang pangalan nya ay Ionne Anthony. Nang natapos na ang walang humpay na kwentuhan ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Magkasama kaming tatlong magkakapatid sa kwarto, nakapagitna sa amin si Nica na nakatulog agad dahil sa pagod.

Nakaupo kami ni Anton sa may bintana, walang kumikibo sa amin. Dapat ay pareho kaming nag-aaral sa Sinclaire, kaso umayaw sya at nagdesisyon na ituloy ang pag-aaral sa public. Nauna ako ng 5 minutes kay Anton pero parang mas matanda pa sya sa akin kung mag isip at magsalita.

"Ano nangyari kanina?" tanong nya sa akin. 

"Hindi ba nakwento na ni Nanay ang nangyari kanina? Pag dating ko kanina nandito na sila, at wala na akong nagawa dahil masayang-masaya si nanay habang nakikinig kina Kris."

"Yung sa school ang tinatanong ko. Bakit naging ganon? Imposible naman yun na may pa-raffle sila."

"Naalala mo yung nakwento ko sayo noon tungkol doon sa Chosen One sa school?"

"Oh, ano meron doon? Huwag mong sabihing.." tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Tinitigan nya ako ng ilang segundo sabay hinga ng malalim.

"Hindi ko maintindihan yang eskwelahan nyo. Ang daming arte. Eh bakit ikaw daw ang napili?"

Tumayo ako at kinuha ang folder na binigay sa akin ni Kris kanina. "Hindi ko alam, kahit daw sila hindi nila alam kung bakit ako ang napili. " umupo na ako sa kama at nagsimulang basahin ang nakalagay doon. 

"Ano yan?" dumiretso na rin sya sa kama nya at nahiga.

"Mga members ng Royalties, tska...." nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang mga sunod na pahina.

"Tska ano?"

"Ah, w-wala. Kung ano-ano lang.." 

Hindi na rin ako kinulit ni Anton, siguro nakatulog na. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa binabasa ko. Anak ng tinapa, hindi ko alam kung tama ba itong napasukan ko o ano. Bakit naman kase may ganito pa? 

Maaga akong nagising kinabukasan. Ayon kase sa nabasa ko, kelangan 7 ng umaga nasa school na ako. Isusubo ko na sana ang pandesal na nasa mesa nang may lalaking nakaitim ang kumatok sa harap ng bahay namin. Nagpakilala sya bilang driver ko daw. Napanganga sina Nanay at Tatay sa narinig nila. Si Anton naman, mukhang hindi nakapagsalita. Bago pa man makabawi sa shock ang magulang at kapatid ko ay dali-dali akong lumabas at hinila palayo ang lalaking nagpakilala na driver ko. Tahimik lang namin na tinatahak ang daan papunta sa school ko. 

Kahit na maaga pa lang, marami-rami na ding estudyante ang nagkalat sa school. Hindi ko alam ang mararamdaman ko lalo na't nagdesisyon magisa ang driver ko na ipasok ang kotse sa loob ng campus at doon ako pababain. Kadalasan kasi ay naglalakad lang ako papasok at pauwi, pero ngayon ay nakasakay ako sa isang kotse at may sariling driver. Biglang huminto ang kotse at tinapat iyon sa mismong entrance ng building namin. Dumadami na ang estudyante na naguusisa, siguro ay nagtataka kung sino ang bagong estudyanteng nakasakay sa puting limousine. Oo limousine ang sinasakyan ko, tinalo ko pa ang anak ng vice president sa service ko. Bumaba si kuyang driver at binuksan ang pinto ng limousine. 

"Miss Ionna, nandito na po tayo" 

Ay bastos si Kuya, banggitin pa talaga pangalan ko? Umiling na lang ako at umurong sa pinakasulok ng kotse habang yakap-yakap ko ang bag ko sabay pikit sa mga mata ko. Maya-maya ay naramdaman kong sinara nya ang pinto, pero pagkadilat ko ay nakita ko ang pagmumukha ng nakangiti na si James at isang hindi ko alam ang pangalan. 

"Good morning Lady Ionna." 

"James?"

"Tara lumabas kana dyan." sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Hindi ba pwedeng doon nyo na lang ako ibaba sa labasan? Hindi ako sanay, tska pinatitinginan na tayo oh. Sige na James."

"Pero Ionna.."

"Kelangan nating sundin kung ano ang gusto ng Chosen One, James. Kung gusto nyang doon sya ibaba, doon sya bababa." singit ng kasama nya. Teka, nabasa ko kahapon ang profile nya eh..ano nga ulit pangalan nya?

"Xavier, my lady. It's nice to finally meet you. Sorry kung hindi nasusunod ang nais mo, hindi kase namin nasabihan ang driver kahapon. Pasensya na. " Nagbow ito sa akin at may tinawagan sa cellphone nya.

"Hello...oo. Pakipalitan yung driver, oo. Hindi sya nagustuhan ni Lady Ionna.."

"T-teka?Anong ibig sabihin ng papalitan? Teka.. "

"Papalitan, as in mamayang uwian iba na ang driver mo. I'm so sorry." 

"Ay teka, wag naman ganon. Wala namang kasalanan si Kuyang Driver. Hindi ko rin naman sya nasabihan. Akala ko kase...." napakagat na lang ako ng labi. Grabe naman sila, malay nila mawalan ng trabaho itong si Kuya? First day pa naman nya. "Basta wag nyo syang tatanggalin. Okay na ako sa kanya, so walang tanggalang magaganap okay?" Napangiti naman sina James at Xavier sa sinabi ko. Umusog ako ng kaunti para sana buksan ang pinto pero pinigilan ako ni James at nagsabi na sila na daw ang magbubukas. Maya-maya ay binuksan na nga ni Kuyang Driver ang pinto at naunang lumabas sina James at Xavier. Inayos ko na muna ang sarili at buhok ko nang may nakita akong kamay na nakalahad sa harapan ko. Pag angat ko ng tingin ay kamay pala ng isa pang lalaki ang bumungad sa akin. Sa pagkakataong ito, hindi ko na nakalimutan ang pangalan nya dahil isa sya sa mga bumisita sa bahay namin.

"Salamat Matthew." bulong ko sa kanya at inalalayan nya ako palabas. Pero pagkalabas ko ay bumungad sa harap ko ang nakared carpet na hallway at may petals pa ng red rose na nakakalat sa sahig. Pagtingin ko sa magkabilang gilid ko ay nakahilera na pala sa magkabilang gilid ang 11 na nakangiti sa akin. Nakita kong nasa pinakadulo sina Kris at si Daniel na mukhang inaantok pa pero nakangiti rin. Napaatras ako bigla at aktong papasok sana ulit sa loob ng kotse pero nakasara na iyon at nakaharang na si Kuyang Driver. 

Lalo akong nataranta nang sabay-sabay silang bumati ng

"Good morning Lady Ionna" at sabay-sabay silang nagbow. Pati na si Kuyang Driver ay nakibow na rin. Naunang nag-angat ng ulo si Matthew at bumulong sa akin, "Hindi sila mag-aangat ng ulo hangga't hindi mo sila nilalagpasan kaya tara na." hinawakan nya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Tama nga yung sinabi nya, nang makalagpas na kase kami ay tska lang sila kumilos. Pero ang mas nagpawindang sa utak ko ay ang pagsunod nila sa amin ni Matthew. Hinatid nila ako sa tapat ng classroom namin. Buti na lang at wala pang masyadong tao. Pagkabitaw na pagkabitaw ni Matthew sa kamay ko ay dali-dali akong pumasok sa classroom namin, kaso napahinto ako sa nang nakita ko ang nag-iisang pulang rosas sa lamesa ko kasabay ng mga titig ni Patricia, Sunshine at Aemie.

"Ikaw ang Chosen One, Ionna?"

Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon