Chapter 4

57 3 3
                                    

"IONNA!!!"

Napalingon ako sa likod ko sabay tago sa sulat sa bag ko. Wag naman po sana, wag naman po!!

"Uuwi kana?" tanong agad ni Patricia sa akin habang hinihingal.

"B-bakit?"

"Tara doon muna tayo sa cafeteria. Maaga pa naman." sabi nya ulit sa akin.

"Kelangan ko na kaseng umuwi. Ano nangyari? Nakilala na ba yung Chosen One?"

"Hay naku, false alarm lang pala. Yung bulaklak na nakita sa upuan ni Nikita ay galing pala sa manliligaw nya. Alam namang nagkakagulo ang school kakahanap sa red rose." napailing nalang si Aemie. 

Wala na rin silang nagawa kakapilit sa akin kaya hinayaan na lang nila akong umuwi. Malapit lang naman ang bahay namin sa school kaya nilalakad ko na lang. Nasa harap na ako ng compound kung saan nakatayo ang bahay namin nang mapansin kong may nakapark na kotse sa harap nito. Hindi ako pamilyar sa mga kotse pero sigurado akong hindi ito pag mamay-ari ng isa sa mga nakatira sa lugar namin. Pagkapasok na pagkapasok ko ng compound ay kitang kita ko kung paano nagmamadaling tumakbo si Nica, ang pitong taong gulang kong kapatid.

"Ate, may bisita ka." sabi nya sabay hatak sa akin. Ganda ng salubong sa akin diba? Kadalasan yayakapin muna nya ako at magpapakarga, kahit na 7 years old sya. Maliit sya masyado para sa edad nya.

"Ha? Sino daw?"

"Taga school mo daw. Ang dami nga nila eh. Mga lima ata sila, kaya nga nagmamadali si nanay umuwi."

"Eh sino ang bantay sa pwesto natin?"

"Umuwi agad si tatay. Alam mo naman na mabilis lumipad ang balita, kaya sila ni kuya Anton ang nagbabantay. Pero ang sabi ni Nanay, paubos na rin naman kase yung paninda kaya baka maya-maya daw uuwi na rin sila"

 Kitang-kita ko kung paano napuno ang harap ng bahay namin ng mga usisero at tsismosa. Napakamot na lang ako ng ulo. May artista ba sa loob at panay ang silip nila? Buti na lang talaga wala sina Anton kundi gyera na naman.

"Ina!!"

Napatingin ako sa gilid ko at nakita kong lumapit sa akin si Sheryl, isa sa mga kaklase ko noong highschool. Dapat parehas kami na mag aaral sa public kaso nga napadpad ako sa Sinclaire Academy.

"Ano meron ha? Paguwi ko nagkakagulo na dyan sa tapat ng bahay nyo. Sabi sa akin ni Lola may mga artista daw kayong bisita."

"Artista? Hindi ko alam, sabi sa akin ni Nica taga school ko daw. Malamang kanila yung sasakyan na nakaparada dyan sa labas."

"Eh? Wow! Bigatin ka na talaga Ina."

"Bigatin ka dyan?Hindi naman ako mataba. Sira ka talaga." nagpaalam na ako kay Sheryl nang sumenyas si Nica na dumaan na daw kami sa likod. Wala nang pag-asang makapasok pa kami sa harap dahil dumadami talaga ang tao. May maliit kaming pinto, sabi ni Tatay incase of emergency daw ang pinto na iyon. Nakalagay ang pinto na iyon sa may kusina namin, malapit sa lutuan ni nanay. Sa height ko na 5'3, halos hanggang bewang ko lang ang taas ng mahiwagag pinto; iyon ang tawag ni Nica. Minsan, niloloko ko sya at sinasabi kong daan iyon papunta sa Narnia, kaso mukhang alam nya ang bagay na iyon at paulit-ulit nyang sinasabi sa akin na nasa cabinet ang daan papunta sa Narnia. Minsan lang namin gamitin ang pinto na yon, pero sa ganitong panahon, may pakinabang sya. Binigay ko muna kay Nica ang bag ko at nauna syang pumasok. Dahil nga sa maliit sya, effortless ang pagpasok nya. Samantalang ako, kelangan ko pang gumapang para pumasok. Pinalugay ko ang kadalasang naka ponytail kong buhok at niluwagan ko na rin ang suot kong necktie, matagal na rin noong huli kong ginamit ang pinto na ito at sa kasamaang palad, nakawit pa noon ng nakausling pako ang damit ko kaya nagkabutas. 

Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon