Chapter 6

33 3 4
                                    

UMABOT SYA SA RANK 64 SA CHICKLIT BES!! ACHIEVEMENT NA YUNG MAGKAROON NG RANK YUNG STORY MO PERO YUNG AABOT SA TIPONG 64.. SUPER HAPPY!! HUHUBELS. SIGE BASA NA :)

-----------------------------

Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ni Patricia sa akin. Si Aemie hindi makaimik, alam naman na din nya dahil sinabi na rin sa kanya. Pakiramdam ko kase parang napakasama kong kaibigan sa kanila. Sa loob ng 4 na taon ko dito, sila na ang naging pangalawang pamilya ko. Napayuko na lang ako sabay tango. Ngayon hindi ko na alam kung paano sila kakausapin.

"Congratulations Ionna!!"

Eh?

Pag-angat ko nang mukha ko ay sinalubong ako ng yakap ni Patricia at Sunshine. Si Marjorie naman abot tenga ang ngiti na katabi si Charles na nakangiti din. Ang iba ko pang mga kaklase ay pumalakpak at mukhang masaya.

"Dapat magtatampo ako sayo pero hindi ko magawa kase alam kong deserving ka!" sabi ni Patricia nang makabitaw na siya habang si Sunshine ay tumango.

"Hindi kayo galit sa akin?" 

"Bakit naman kami magagalit sayo? Sa totoo lang, nung nalaman namin na naghahanap na ang Royalties ng Chosen One ay inisip namin na sana ikaw ang mapili. At kahapon nga, akala namin sasabihin na sa stage na ikaw nga ang Chosen One ay nakahanda na yung speech ko bilang kaibigan mo kaso hindi naman natuloy. Wala din kase kaming nakita na kahit ano sa gamit mo kaya naisip namin na hindi ikaw. "

"Akala ko kasi..."

"Wag mo na isipin yon! At dahil kelangan nating magcelebrate.." sabi ni Sunshine at humarap sa mga kaklase namin "... My treat. Nagpareserve ako ng restaurant for the whole class later. Bring your most extravagant gift sa ating Chosen One. Okay?" 

"Teka? Anong extravagant gift ang pinagsasabi mo Sunshine?"

"Hindi mo pa siguro tapusin ang binigay sayo ni Kris." Napalingon ako sa pwesto ni Marjorie.

"Teka, paano mo nalaman yung tungkol sa folder?"

"Alam mo namang marami akong connections diba? At dahil sa reaksyon mo, halatang hindi mo pa nga tapos basahin yon. Nakalagay sa Rules and Responsibilities section na kelangang magbigay ng regalo ang mga taong nakapaligid sa Chosen One. In short, kelangan naming magbigay sayo bilang kaklase mo. Hindi naman required ang mga teachers but mas maganda kung magbibigay sila. "

Umupo muna ako sa upuan ko at tinitigan ang white board sa harap. Ano daw? Regalo? Hindi naman na bago yon dahil mula nang maging kaklase ko sila kada birthday ko nagbibigay sila. Noong una nga, ayaw ko tanggapin dahil mamahalin ang mga binibigay nila. Pero sabi sa akin ni Nanay huwag ko daw tanggihan ang grasya. Pero nakakahiya pa rin kase hindi ko naman sila inoobliga na magbigay sa akin. Kapag tinatanggihan ko naman, nagtatampo sila. Bakit kaya ganon yung mga mayayaman no? Parang nagtatapon lang sila ng pera. Bakit kaya di na lang nila ibigay sa mga nangangailangan yung....

Alam ko na!

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dire-diretso na sa labas. Pero natigil ako sa paglalakad nang mapansin kong mukhang may pinagkakaguluhan ang mga tao sa labas.

"Nandyan na pala si Francis?"

"OMG ang gwapo nila sa personal"

"Royalties din pala si Michael? Kaya pala bihira siya pumasok"

"Dito pala nag aaral si Liam?"

"Oh, mukhang pinagkakaguluhan ang mga prinsipe ha."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si James na may subo-subong lollipop, pero mas napansin ko ang kasama nyang parang.... teka bakit nakapoker face sya?

 "Hello Lady Ionna. Wala kabang klase at nasa labas ka?" sabi ni James na nakatingin sa akin.

"Parang hindi tayo magkaklase. Tska sinong prinsipe ang pinagsasabi mo?"

Tinuro na lang nya ang sagot sa tanong ko, at mukhang napansin ata kami ng isa sa kanila kaya lumapit sila sa pwesto kung saan kami nakatayo. Nahawi nalang bigla ang mga taong kani-kanina lang ay nakakumpol na tao sa harapan namin. Nanlaki ang mga mata ko nang walang ano-ano ay bigla silang nagbow sa harap ko.

"Good morning milady." sabay-sabay nilang sabi.

Anak ng tinakpa!! Umayos kayo!! Tumitig ako kay James at nagpuppy eyes. Naku James makuha ka sa tingin!!!

Mukha namang nakuha ni James ang nais kong sabihin at kahit na natatawa pa sya ay sinabihan nyang mag-angat ng ulo ang apat na lalaki sa harap ko. Sakto din kaseng tumunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Kaya nagsialisan na rin ang mga estudyanteng na halata sa mukha ang pagtataka.

"Bakit nga ba nagmamadali kang lumabas kanina, Ionna? May nangyari ba?" tanong ulit ni James.

"May gusto akong mangyari. Pwede bang magtawag ng meeting ang Royalties?" 

"On it," sagot ng lalaking katabi ni James, yung nakapoker face. Ano kaya pangalan nya? 

"At dahil mukhang busy si Kiefer, ipapakilala ko na sayo ang 4 na prinsipe na ito. " sabi ulit ni James sabay turo sa apat na lalaki sa harap ko "Liam, Francis, Patrick, Michael, according to height.." at natatawang nagtago sa likod ni Kiefer nang akmang hahampasin sya ni Liam. 

"Tigilan mo ko sa height ko, James ha. Mas matangkad ka lang ng ilang inches." sagot ng Liam at ngumiti sa akin. "Pagpasensyahan mo na ang inasal ko, milady. Wala kasing nagdidisiplina sa mga yan. Pero ngayong nandito kana, kahit papaano mababawas-bawasan na ang pagiging pasaway nila." 

"Pasaway ba talaga sila?"

"Ay oo sobra. Lalo na pag nagsama na sina Daniel, Ryu at Francis. Wala kang kawala sa pagiging makulit nila. Buti na nga lang laging natutulog si Daniel at busy sa musical career nya si Ryuzaki. Si Francis na lang ang naiwan, pero minsan sumasama yung iba. Kawawa sina Xavier at Kris kakasaway."

"Ya, William. Huwag mo naman kaming siraan kay Lady Ionna. Mabait kaya ako?" singit ni Francis at tumabi sa akin. "Lady, wag kang makikinig dyan, sinisiraan lang nya kami palibhasa nasabihan naming hindi masarap yung niluto nya kahapon." Tinignan naman sya ng masama ni William at akmang hahampasin nang nagtago rin sya sa likod ni Kiefer(?) na busy kakadial. "Aish, tigilan nyo nga ang pagtatago sa likod ko."sita nya sa dalawa na naghahagikgikan sa likod nya.

"Lady Ionna, kelangan nyo na pong pumasok sa classroom nyo" sabi ng isang estudyante na dumaan sa gilid namin. Naalala kong isa sya sa mga assistant ng adviser namin. "Guys, una na ako ha. May klase pa kase ako. Tara na James" aya ko sa kanya sabay hila sa uniform nya. Noong una ayaw nya sumama pero napilit ko na rin nang tinulak sya ni Francis. Buti na lang at hindi malakas kundi tumba kaming dalawa. Pagpasok namin sa classroom ay saktong nagchecheck na ng attendace ang teacher namin kaya dire-diretso kaming umupo. 


--------------------

to be continued. LOLS




Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon