Chapter 3

63 4 0
                                    

Kahit na nakalabas na ako ng building ng Royalties ay lutang pa rin ang pakiramdam ko. Sinabihan ako ni Kris na manahimik na muna at wag ako magsasalita sa kung ano man ang napagusapan namin kanina. Hindi na lang ako kumibo at kahit na wala akong naintindihan sa pinagsasabi niya ay umoo na lang ako. 

Nakarating na ako sa building namin nang .... 

"Ioanna Gabrielle" 

Nagising ang diwa ko ng marinig ko ang pangalan ko. Paglingon ko, si Kyle pala; ang class president. Gawain na nya ang tawagin ang bawat kaklase namin ng buong pangalan.

"Natapos mo na ba yung pinapagawa sayo ni Miss Sandoval?"

"Uh-oo ata?" sabi ko sabay kamot ng ulo. 

"Anong ata? Sya nga pala, wala tayong klase ngayong hapon. May iaannounce ata ang admin mamaya. "

"Uhm..p-pwede bang - "

"Oo pwede nang umuwi. Halos yung iba nating kaklase umuwi na" sabi nya sa akin sabay tapik sa balikat ko. "Wag mo masyadong isipin kung ano man yung nangyari sayo kanina, hayaan mo na lang na enjoyin ang mga bagay-bagay. Mahihirapan ka lang lalo. " napaangat ako ng tingin at nakita ko na lang na palayo na pala si Kyle. Nasabi ko na ba sa inyo na malakas ang pakiramdam nya sa mga pangyayari sa paligid nya? Para nga syang may psychic powers o di kaya malawak lang talaga ang connection nya. Ewan ko ba. 

Dumiretso na lang ako sa classroom namin nang napansin ko si Aemie sa labas ng classroom namin. 

"Aemie, ano sinisilip mo dyan?"

Napalingon si Aemie sa direksyon ko at tumakbo papunta sa harap ko.

"Alam mo ba na iaannounce na mamaya kung sino ang napili ng Royalties? Kaya nagkakagulo na sa publication house ngayon."

"Eh kung busy kayo ngayon bakit nandito ka?"

Hinila nya ako sa pinakasulok ng hallway at bumulong, "totoo ba na ikaw ang napili? Sinabi sa akin ni Publisher kanina. Noong una hindi ako naniniwala dahil mahilig magbiro yun pero this time seryoso ang mukha nya."

Napanganga na lang ako sa sinabi sa akin ni Aemie. Nakalimutan ko nga palang member ng Royalties ang head nila. Nagpatawag kase kaagad si Kris ng meeting pagkaalis ko. Nakita ko din na nagising ulit si Daniel, at bago nagsara ang pinto ng elevator ay ngumiti pa sya sa akin.

"Huy!"

"Ay ngumiti! Ano ba yun?"

"Totoo ba o ano? Umamin ka nga, ano nangyari sayo doon kanina?"

"Iniinterview mo ba ako o curious ka? Wala kabang recorder dyan?"

"Ano kaba? Wag mo nga munang isipin na member ako ng The Daily Journal. Nagtatanong ako bilang kaibigan mo. Kinakabahan ako sa maaring mangyari once na iannounce nila kung sino ang napili nila"

"kinakabahan?ha? bakit naman?"

"Once na naging Chosen One ka, malaki ang magbabago sa buhay mo. As in, boom!" sabi nya.

Tama, naalala ko yung last na Chosen One. First year ako noon. Kadalasan kase, pumipili ang Royalties ng kanilang Chosen One sa mga senior year. Sobrang bongga yung announcement, kahit man ako nagulat, dahil hindi ko naman inaasahan na ganon agad makikita ko.

Iniwan na ako ni Aemie nang biglang nagring ang bell, hudyat na tapos na ang klase para sa umagang iyon. Uuwi na lang muna siguro ako at kung tama hinala ko, magiging magarbo ang announcement mamaya.Inaayos ko na ang mga gamit ko nang may biglang nag announce.

Sleeping PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon