Prologue:

150 4 0
                                    

Sabi nila ang Diyos ay nagpapatawad,pero bakit hindi tayo na mga tao,dapat tayong magpatawad yon ang sabi nila sa akin,natanong ko sa sarili ko magiging maayos ba kung papatawarin ko siya o sila,lahat sila sinaktan ako

Nahihirapan talaga ako

Gusto ko siyang patawarin pero pag hinaharap ko siya bumabalik yong sakit na nararamdaman ko,yon ang kinaiinisan ko sa tuwing hinaharap niya ako sa mata.Nanghihina  ako, siya yong umalalay sa akin,siya yong sumupurta sa akin sa lahat lahat ng bagay siya yong nagturo sa akin kung paano maging makuntento at masaya sa bagay,tinuruan niya akong pahalagahan ang aking sarili,siya yong taong pinagsasabihan ko ng lahat ng problema at sandalan kapag umiiyak ako,siya yong dahilan kung bakit napakasaya ko tuwing umuuwi ako ng bahay..siya o sila ni papa ang naging inspirasyon ko para mag tapos ako ng pag aaral at matulungan ko sila..

Ang pinakamasakit na tanong ko lang..

Bakit niya kami iniwan ng limang taon?sa oras na kailangan namin siya,wala siya,hindi ba niya alam na may naghihintay sa kanya?

Siguro wala..dahil masaya siya dahil nakasama niya yong totoong mahal niya

Kung siguro hindi kami iniwan ni mama hindi ko siguro makikila ang liwanag sa buhay ko ngayon,ang nagpapaligaya sa akin,siya ang nagpalimot sa mga masasakit na nakaraan kapag kasama ko siya,siguro ganito ang napapagawa ng pagibig,ang gawing kang masaya ngunit hindi lahat ng oras ginagawa kang masaya dahil sa kabila ng kasiyahan ay may kapighatian..at kalungkutan..tama,Hindi ba..minsan nga sa sobrang saya nakakalimutan na natin ang Ating Diyos.

Sa oras na ito ay napagdesisyonan ko nang kalimutan ang lahat ang patawarin ang akin ina..at ayokong manirahan sa nakaraan..

Ako si Kianna Ellaine Johans ang The Depressed Daughter

The Depressed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon