Papasok nako ngayon ng opisina ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Laineeee"sigaw ni andrei
Napalingon ako sa gawi ni andrei dahil sa lakas ng kanyang sigaw marunong naman kasi akong mahiya kahit papaano.
Lumapit ako sa kanya para hindi na siya muling sumigaw.
"Bakla ano nanaman tong kalokohan mo?tandaan mo nasa opisina tayo wala ka sa palengke"pagsusungit ko
Tumaas naman ang isa niyang kilay sa inasta ko.
"Abat ikaw babaita ka may hiya ka na pala ngayon?abay akala ko makapal yang pagmumukha mo"pagtataray niya
"Letche to! halika na nga tse-tsenelasin kita eh!"
Sumakay kame ng elevator kase hindi naman inaakyatan ang elevator HAHA! corny
Habang paakyat ng paakyat ang elevator pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.Lumingon naman ako sa gawi ni andrei na ngayon ay tulala.
"Bakla anyare sayo para kang sinaniban ng langit at lupa?"tanong ko
Napalingon naman siya sa gawi ko dahil sa tanong ko.
"Kinakabahan lang ako you know baka mahigpit si brent"ani niya
Naisip ko rin na baka personalin ni brent ang trabaho dahil sa nangyare samen.
Ng nasa tamang palapag na kame nakita ko si brent na nakaupo sa swilve chair niya.
"Bakla mukha ngang masungit yang ex mo"aniya
Hindi ko nalang pinansin si andrei ng biglang sumulpot sa harapan namen ang sekretarya ni brent.
"Ahm. Ms.Garcia&Mr.Gomez?"tanong niya
"Opo kame nga po"sagot ni andrei
"Right here maam,sir"habang binabagtas ang daan patungo sa pwesto namin ni andrei
Habang naglalakad kame lutang na lutang ang aking isip dahil kay brent.
"Laine"tawag ni andrei
"Laine"tawag niya ulet
Binatukan niya ako kaya naman napa ungol ako sa saket.
"Ugh! ang sakit non ah!"pagalit kong sabe
"Kase naman kanina ka pa nakatulala diyan"aniya
Habang nagaayos kame ng gamit ni andrei bigla namang sumingit yung sekretarya ni brent.
"Ms.Garcia eto po pala yung pinapagawa ni sir brent paki bigay nalang daw sakanya pagkatapos"aniya
Tango nalang ang nagung sagit ko tanda ng pagsang ayon.
"Taray badeng simula pa lang may trabaho agad"aniya habang nagpipigil ng tawa
Napairap nalang ako sa sinabe niya wala naman kase akong pake kung pahirapan niya ako trabaho ay trabaho walang personalan.
Habang tinatapos ko ang ginagawa ko ay bigka naman akong dinalaw ng gutom.Wala ngayon si andrei dahil nilakad ang nga papeles na pinagagawa sa kanya ni brent.
Nagpasya akong bumama muna para kumain sa canteen bago tapusin ang mga ginagawa ko.
"Ahm. ate pabili nga po ng coke at burger"ani ko
Binigay niya saken ang isang supot na may lamang coke at burger.
"Salamat po"ani ko
"Walang anuman"aniya sabay ngiti
Habang kumakain ako ay nakita ko si brent na papasok sa canteen,napalingin siya sa gawi ko ng walang reaksyon at nagiwas agad ako ng tingin.
Pagkatapos kong kumain dirediretso akong lumabas ng canteen at pinagpatuloy na ang aking ginagawa.Pagkatapos kong matapos ang aking gawain nagpasya na akong ibigay kay brent ang mga papeles.
Kumatok muna ako nagpasya ng pumasok.Pagkapasok ko napalingon siya sa gawi ko.
"E-eto na p-po pala yung pi-pinapagawa niyo"ani ko habang nauutal
"Salamat"aniya
Wala pa rin siyang pinapakita sakin na kahit anong emotion.
Pagkabalik ko sa pwesto namin ni andrei tinadtad niya kaagad ako ng tanong.
"Anong nangyare badeng?"
"May naganap ba?"
"Nagalit ba sayo?"
Nalilito nako dahil sa mga taning niya kaya binalewala ko nalang siya.
"Aba taray ni badeng peymus"aniya
"Walang nangyare hindi siya nagalit o kahit ano man binigay ko lang sa kanya yung mga pinagawa niya saken ok?!"paliwanag ko
Ala singko na ng hapon kaya nagpasya na kame ni andrei na umuwe.
"Dito nalang bakla may bibilhin pako diyan eh"ani ko
Tinabi niya sa galid ng SM ang kanyang sasakyan tska bumate para umalis na.Pumasok na ako sa SM at nagsimulang bumili ng isang croptop at isang highwaist na short sinamahan ko na ren ng isang oldschool na sapatos.Tapos nako sa pamimili kaya naisipan kong bumili ng singkamas dahil yun ang pinaglilihian ni ate sham.
Pagpasok ko ng bahay dumiretso muna ako sa kusina para balatan at hugasan ang singkamas.Pagkatapos kong balatan ang mga singkamas dumiretso na ako sa kwarto nila kuya.Kumatok muna ako baho pumasok.
"Ate sham binilhan kita ng singakamas"ani ko
Napalingon siya sa gawi ko.
"Salamat laine"aniya sabay ngiti.
Napalingon naman ako sa gawi ni kuya.
"Kuya ah wag mong hahayaan na mastress si ate sham babatukan kita diyan!"ani ko
"Oo na oo na dami pang satsat"naiirita niyang sambit
"Mabuti naman"ani ko
Umalis na ako at nagtungo sa kwarto para magpahinga.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex-Boyfriend
RandomKung alam mong hindi mo na kaya ihinto mo na, wag kang magpapakatanga sa taong hindi deserving sayo. Si Laine Garcia ay isa sa mga naloko at nasaktan ngunit hindi niya inaakala na mahuhulog ulit siya sa taong nanakit sa kanya. Kaya niya ba ulit magm...