Nagcecelebrate kami ngayon dahil nakagraduate nako sa college.
"Congrats laine"maligayang sambit ni mama
"Thankyu ma"sabay halik sa pisngi
Maya maya nakita kong papasok na si papa kaya tumakbo ako papunta sa kanya.
"Pa! akala ko talaga hindi ka na makakauwe"ani ko
May trabaho kase si papa sa manila kaya bihira siyang makauwe dito sa pampangga.Dati kaming nakatira sa manila kaya lang nung nasaktan ako ng husto kay brent sa pampangga nalang namin tinuloy yung pag-aaral namin ni kuya.
"Pwede ba yon?nakagraduate na ang babygirl ko?"aniya
"Hindi nako baby pa malaki nako"pagtatama ko
Natawa si papa sa sinabi ko kaya't napakunot ang noo ko.
"Anong nakakatawa pa?"tanong ko
"Oo na hindi ka na baby eto nga pala yung regalo ko sayo"aniya sabay abot sakin ng maliit na kahon
Nagulat ako ng makita ko ang laman ng kahon isang silver necklace na may jade na pendant.
"Thankyu pa"sabay halik sa pisngi
Pagkatapos naming kumain umakyat na agad ako sa kwarto ko para maligo at ng makatulog na.
Gumawa ako ng panibagong social media account pinalitan ko na rin ang sim ko simula ng nagbreak kame ni brent.
Nagbabad muna ako sa bathtub dahil sa pagod na nadarama.Pagkatapos kong maligo blinower ko muna ang buhok ko tska natulog.
~9:00 in the morning~
Pagkagising ko naligo muna ako tska bumababa.Pagkababa ko nakita ko si kuya na nanonood sa sala si mama naman ay nagwawalis.
"Goodmorning ma"sabay halik sa pisngi
"Goodmorning din nak kumain ka na diyan,hindi ka nanamin hinintay kase alam naming pagod ka kagabe"aniya
Tango nalang ang naging sagot ko kay mama.Pumunta ako sa kitchen para maghanap ng cereals at gatas.
Nagpagpasyahan kong sa sala nalang ako kumain tutal nandon naman si kuya
"Goodmorning kuya"bati ko
"Morning"aniya
"Asan si ate sham?"tanong ko
Si ate sham ang girlfriend ni kuya since Third year highschool.Dito na tumitira si ate sham sa bahay simula ng mamatay ang magulang niya nagiisa lang kasi siyang anak kaya tinanggap nalang siya nila mama at papa dito sa bahay.
"Pumasok"aniya sa malamig na tono
Siguro magkaaway sila kaya ganyan ang mukha parang binagsakan ng lupa.
Tumango nalang ako.Pagkatapos kong kumain nilagay ko na sa sink ang pinagkainan ko at nagsimulang magbihis.Mag aapply kase kame ngayon ni Andrei para sa trabaho.
I called andrei then sinagot niya naman agad.
"Hello Bakla tapos ka na magbihis?"tanong ko
"Oo papunta na ako diyan bakla wait mo nalang ako,cge na babush"sabay end call
Nagayos muna ako ng aking mukha,light make-up lang ang ginawa ko.Maya maya tinawag na ako ni mama galing sa baba at sinabing nandiyan na daw si Andrei.
Pagkababa ko nagpaalam na ako kay mama.
"Bye ma"sabay halik sa pisngi
"Ingat kayo ah galingan mo sa interview"paalala ni mama
Pagkalabas ko sinalubong ako ng yakap ni andrei.
"Bakla gwapo at hot daw ang boss naten"sabay tili
Napailing nalang ako at sumakay na sa kotse niya.
Habang nagdadrive si andrei sinasabayan niya ang kanta sa radio with matching sayaw sayaw pa.Napapatawa nalang ako sa ginagawa niya.
Ng Bumaba kame sa pagaapplyan namen napakunot ang noo ko nung nabasa ko ang building na papasukan namen.
"Santos Company?"halos patanong kong sambit
"Oo bakla bakit?"pabalik niyang tanong
Napailing nalang ako at binalewala ang iniisip ko.
"Halika na bakla at excited na akong makita ang boss naten!"tili niya
Nanginginig ang tuhod ko habang paakyat ng paakyat ang elevator na sinasakyan namen.
Pagkarating namin sa taas ang haba ng pila.
Ng ako na ang iinterviewin nagulat ako sa aking natuklasan si BRENT CAIZER SANTOS ang magiging boss ko?!!
Pagkatapos ng aking interview ibigay ko nalang daw kay mister santos ang aking resume at tatawagan nalang nila ako kung tanggap na ako.Pagkalapit ko sa gawi ni caizer wala akong kahit anong reaction na nakita sa kanya.
"Were's your resume"tanong niya sa malamig na tono
"Here sir"sabay abot ko sa kanya ng aking resume
Hindi ko siya matitigan ng maayos dahil naiilang ako.
"You may go"aniya
Pagkalabas ko ng kwartong iyon tska ko lang naibuga ang hangin na dapat ay kanina ko pa ibubuga.
Naabutan ko si andrei na nakaupo sa upuan ng mga magaapply ng nakita niya ako ay bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.
"Bakla hindi ko alam na si brent pala ang boss dito sorry"aniya
"Wala yon naka move-on naman na ako kaya ok lang"sabay ngiti ko
"Tara mall muna tayo"yaya niya
"Ay Sige! gusto ko yan!"ani ko
Pagkarating namin sa mall naglibot libot muna kame sa mall at kumain.
Bumili lang ako ng dalawang jeans at isang dress na black.
Ng maggagabi na nagpasya na kaming umuwi.Hinatid niya ako hanggang gate.
"Goodnight bakla"sabay beso
"Sige na bakla goodnight den ingat sa pagmamaneho"paalala ko
Sinundan ko ng tingin ang kotse niya hanggang hindi ko na makita ang anino ng kotse niya.Pumasok na ako sa loob at nakapatay na ang mga ilaw alas dose na kase ako nakauwe dahil napasarap ang pagshoshoping.
Pumunta muna ako sa kitchen at uminom ng tubig pagkatapos kong uminom nilagay ko sa sink ang baso ko at umakyat na sa kwarto,naligo muna ako bago matulog
Pagkahiga ko binuksan ko muna ang facebook ko.Hindi ko maalis sa isip ko na BOSS KO ANG EX KO!.Maya maya ay dinalaw na ako ng antok kaya't nagpasya na akong matulog.
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex-Boyfriend
AcakKung alam mong hindi mo na kaya ihinto mo na, wag kang magpapakatanga sa taong hindi deserving sayo. Si Laine Garcia ay isa sa mga naloko at nasaktan ngunit hindi niya inaakala na mahuhulog ulit siya sa taong nanakit sa kanya. Kaya niya ba ulit magm...