Nandito kame ngayon sa batangas para sa aming team building at para makapag enjoy na ren.
"Badeng ang ganda dito"ani ni andrei
Bago pa ako makasagot sa sinabi niya ay dinugtungan niya na ito agad.
"Pero mas maganda ako"sabay hagikgik niya
Napairap nalang ako dahil sa kanyang sinabe.Habang binabagtas namin ngayon ang daan patungo sa hotel na tutuyan namen ay napalingon ako sa gawi ni caizer na ngayon ay nakatingin din saken.Agad akong umiwas ng tingin.
Pagkarating namin sa hotel na tutuluyan namen ags akong nagpalit ng damit para makapag pasyal muna saglet bago magtrabaho hindi naman kase kame pumunta dito para lang maglibang.Habang naglalakad ako biglang may tumawag saken.
" Laine!"sigaw nito
Napalingon ako sa gawi nung tumawag saken at napagtantong si Caizer pala yon.
"Hmmm. bakit po?" tanong ko
"Gusto ko lang humingi ng taws sa mga nagawa kong kasalanan" paliwanag niya
"Wala na yon tapos na yon" Ani ko sa walang emosyon
Dirediretso ang lakad ko dahil gulong gulo ako kung bakit ngayon lang siya humungi ng tawad eh ang tagal naming magkasama sa iisang opsina.
Bumalik na ko sa hotel dahil palubog na ng araw at baka hinahanap na ak ni andrei.
Pagkabalik ko bigla akong pinaulanan ng tanong ni andrei.
"Badeng!sang lupalop ka nanaman ng lupa nanggaling?"
"Naglandi ka nanaman?"
"Hindi ka makuntento sa iisang sulok?"
Dumiretso nalang ako sa c.r para maligo ngunit bago ako makapasok may pagabol siyang sinabi.
"Abay!Bastos ka!Tinataliluran mo na ngayon ang magandang nilalang?!"
Napairap nalang ako sa kanyang sinabe.Psh! magandang nilalang daw.
Pagkatapos kong maligo nagpahinga na agad ako dahil sa pagod.
Maya maya ay naalimpungatan ako dahil sa pagyugyog ng higaan.Napabangon ako dahil napagtanto kong si andrei pala ang sumasayaw sayaw sa kama.
"Hoy bakla! may natutulog kasi dito hindi ba? ano bulag lang?!" sigaw ko
"Ay oo bulag ako! laine laine asan ka?" pabiro nito sabay halakhak
"Letche kang bakla ka!sasampalin kita eh!" ani ko sa galit na tono
"Gawa gawa?" aniya
"Argh!letche"
Bumaba nalang ako at tumambay sa pool. Maya maya may timabi sa aking lalake at napagtanto kong si caizer yon.
"Ano kayang problema netong lalaking to at naisipan pang sakin tumabe?" pabulong ko sa isip ko
"Ahm. laine" panimula niya
"Oh!"
"Ahm. may bonfire kasi mamaya gusto kong sumama ka mamaya" aniya
"Depende kung sasama si andrei" paliwanag ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Ah sige hihintayin nalang kita don mamaya" aniya
Hanggang sa umlis na siya ng tuluyan.Pabalik nako ng room namin habang tullang naglalakad guling gulo ako ngayon dahil sa astang pinapakita sakin ngayon ni caizer.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si andrei na nabibihis.
"Oh! san ka pupunta?" tanong ko
"May bonfire kasi ngayon kaya dadalo ako" paliwanag niya
"Ahm. sasama ako hintayin mo lang ako diyan saglit lang maliligo lang ako" ani ko
Tango nalang ang naging sagot niya saken.Nagmadali akong maligo para lang makaabot na kame sa baba mamaya sabihin pa nilang pa V.I.P kame.
Pagkalabas ko naabutan ko si andrei na nagcecellphone ng napansin niyang natapos na ako ay napalingon siya sa gawi ko.
Naka white V-neck shirt siya at reep jeans.
Naka black turtke neck naman ako at isng high waist na pants.
"Ano? tapos ka na ba o maggogown ka pa?" tanong niya sabay irap
"Saglit na lang"ani ko
Light makeup lang ang ginawa ko para terno sa aking suot.
Pagkababa namen napansin kong napalingon si caizer sa gawi namin habang papalapit kame sa kanila kaya naman ay agad akong nagiwas ng tingin.
----------------------------------------------------------------------------
P/S: Sorry sa late update muah!
BINABASA MO ANG
My Boss Is My Ex-Boyfriend
RandomKung alam mong hindi mo na kaya ihinto mo na, wag kang magpapakatanga sa taong hindi deserving sayo. Si Laine Garcia ay isa sa mga naloko at nasaktan ngunit hindi niya inaakala na mahuhulog ulit siya sa taong nanakit sa kanya. Kaya niya ba ulit magm...