Dana's PoV
"Unnieeeee! Wake up! Pinapatawag ka nila mom and dad!" like what the hell. This kid arghhhh! Iniistorbo yung tulog ko.
"Go away, Daphne!" I blurted out.
"Gumising ka na nga. Kapag ikaw nalate bahala ka sa buhay mo!" bulyaw niya sa akin.
"Arghhhh what time is it!?" tila naiiritang sabi ko.
"7am, 30 minutes nalang late kana!" sigaw niya tsaka ako pinagbagsakan ng pinto.
Lesheng batang yun. That was my sister, Daphne. Daphne Saeron Minatozaki, tsk. That 8 year old kid, sakit talaga siya sa ulo kahit kailan!
Tatamad tamad akong bumangon para maligo. Tama naman siya, I will be late na in 30 minutes.
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko agad akong bumaba pero bago pa ko makarating ng sala may tumatawag sa phone ko.
Park Kun calling...
"Nasan kana, Dana!?"
"Nasa bahay pa. Bakit monkey?"
"Gague. Antagal mo, Sab."
"Ulol. First day palang, wala namang masyadong gagawin. Chill I'll be there."
"Edi wow. Bilisan mo andito na din si Win."
"K. Bye."
End convo.
Si Kun yun, bestfriend ko. Anak siya ni Uncle Chanyeol at Aunt Eunji kung kilala niyo. Kaedad ko lang yung unggoy na yun, actually may isa pa kaming kabarkada si Win, anak naman nila Uncle Sehun at Aunt Hayoung. Sila ang mga loko kong kaibigan sa school. One of the boys kase si ako.
Mga bwisit sila sa buhay ko. Si Kun kapag trip niya ko tatawagin akong Sab. At ayokong tinatawag akong ganun dahil pag naririnig ko yung tawag na yun naaalala ko yung letcheng babaeng nagpapagulo ng utak ko.
"Good morning, Appa and Eomma!" bungad ko sa parents ko na kumakain na sa may dining table. Hinalikan ko pareho sa pisngi ang parents tsaka umupo para kumain.
"First day na first day late ang gising mo ah?" sabi sa akin ni Appa.
"Napasarap po ang tulog eh." nakangiting sabi ko.
"Kaya yan namang si Daphne ang nabadtrip." natatawang sabi ni Eomma. Nilingon ko yung kapatid ko aba ang sama ng mukha!
"Lil' sis, bat ganyan itsura mo? Ayusin mo nga baka mamaya mas matanda pa itsura mo sa akin eh." pang aasar ko.
"Shut up, unnie." bulyaw niya kaya tinawanan ko nalang asar talo talaga.
"Oyy kumain muna nga kayo, mamaya na kayo magbangayan baka naman malate kayo." paalala ni Eomma.
Kaya ayun nagstart nalang akong kumain.
"Anong section ka this year anak?" tanong sa akin ni Mom.
"I think it's Class 4A as usual." I answered plainly.
"How about you, Daphne?" appa asked.
"Class Minor3A, appa." she answered. Grade 3 palang si Daphne ang layo ng agwat namin eh. Pero matured narin siyang mag isip.
"Puro kayo A ah?" tanong ni Appa.
"Baka matalino mga anak mo." naiiling na sabi ni Mom kay Appa.
Appa and Mom are the sweetest couple I've ever met. Kinuwento na nila sa akin ang love story nila nung bata pa ko.
Sobrang hirap ng pinagdaanan nila may point pa ngang muntik ng magpakamatay si Appa dahil ayaw na niyang malayo kay Eomma.
Bago sila nagkatuluyan lumipas pa ang apat na taon. Yun ang pagkakataong dumating ako sa buhay nila.
Kundi siguro sila nagkalayo noon hindi ako makikita ni Appa. Hindi sana ako si Dana Sabrina na anak ng SaiDa.
Sanay rin akong makita silang maglandian sa harap ko. Tss. Alam kong byuntae si Appa hahaha.
Pagkatapos naming kumain. Agad na kaming umalis patungong school, si Appa ang naghatid sa amin.
Nasa iisang school lang kami ni Daphne kaya malaya niyang nagugulo ang araw ko. Tsk.
Kyrish's PoV
"Ky, wake up." naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko.
"Hmm." I just answered.
"6:30am na anak." sabi ni Mom. Yeah, it's my mom Jihyo.
"Hmm, okay. Babangon na po." I whispered.
"I see. Bilisan mo na ah? Breakfast is ready." sabi niya at hinalikan ang noo ko bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Ang sweet ng mom ko noh? Mag alaga ba naman ng walong baliw sa loob ng halos sampung taon? Siya kase ang leader ng group nila noong panahong k-idols pa sila.
Tumayo na ko para ayusin ang sarili ko. Ngayon pala ang first day of school, makikita ko nanaman pala ang mga kaibigan ko.
Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako at naabutan ko ang parents ko dun.
"Good morning, baby." nakangiting bati ni Appa. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko siya. "How's your sleep?" she asked.
"Ayos naman po. Napasarap nga yung tulog haha." nakangiting sabi ko. Tsaka kumuha ng pagkain.
"Napansin ko lang, Ky. Bakit parang di kayo nag uusap ni Dana this past few weeks?" biglang tanong ni Eomma. Napatigil naman ako bigla dahil sa sinabi ni Mom.
"Ahhh.. W-wala lang po. Alam niyo naman yun lagi kaming kontra sa isa't isa." sagot ko.
"Ganun ba? Invite mo si Dana kasama sila Win at Kun dito sa Sunday namiss ko yung makukulit na yun eh." biglang sabi ni Appa kaya medyo nanghina ako. Punyeta, malutong na punyeta ang malas ko naman.
Kukulitin ko nanaman siya tas magagalit nanaman sa akin? Like what the hell.
"Kailangan kasama si Dana?" kumento ko.
"Malamang. Alangan namang all boys ang kasama mo dito? Tsaka mas close kayo ni Dein kaya dapat lang na andito yun." pacool na sabi ni Appa.
"Bat di nalang kaya buong Minatozaki Family at yung iba niyo pa pong kagrupo ang yayain niyong makigulo?" tanong ko.
"Pwede rin. Pero isali mo sila Kun at Win balita ko may gusto sayo yung Kun." sabi ni Mom.
"Eomma? Ayos ka lang? Barkada po namin yun. Bestfriend ni Dana!" bulyaw ko.
"Oo nga naman, hon. Mas bagay si Dana dyan sa anak mo." sabi ni Appa. Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.
"Appa!?" hiyaw ko.
"Oh, joke lang po." natatawang sabi ni Appa. Tsk, hirap ng may parents na feeling bagets.
Binilisan ko nalang kumain para makapasok na ko ng school. Magkikita na kami ulit, matapos ang halos isang buwan.
Yung taong wala ng ginawa kundi bulyawan ako. Paalisin dahil naiirita siya sa kakulitan ko.
Tingin naman niya titigilan ko pa siya? Asa siya. Kung yun lang ang paraan para manatili ang pagiging close ko sa kanya. Di ko siya titigilan.
Aish. Bat ko ba iniisip yung taong yun? Leshe makaalis na nga.
-----
Bilang request ng ilang readers ito na ang sequel. But I'm telling you hindi siya kasing haba ng Side of Love, sa Strings Attached ang priority eh. Haha.
Portrayers :
Jeon Minju as Dana
Kriesha Tiu as Kyrish
BINABASA MO ANG
Kids Inlove|Side of Love After Story
Fanfiction"You're the only one that I wanted to protect, until the end. I want to be with you, stay by yourside like what my appa did to my mom." -Minotazaki Dana "I was dissapointed coz' you only want to protect me, I want you to love me and fight for me lik...