Epilogue

289 16 1
                                    

Kyrish's PoV

2 months mula ng mangyare ang araw na yun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


2 months mula ng mangyare ang araw na yun.

Dalawang buwan kung saan nadala ko sa panganib ang buhay niya.

Maraming nagbago dahil lumipat na siya ng school.

Walang makapagsabi kung nasaan ang mga Minatozaki.

2 months since the day na nalaman kong nacoma siya.

Hindi ko alam kung nagising pa siya.

Hindi ko nga alam kung buhay pa siya.

Ilang beses na kong umiyak kina Appa at Eomma pero hindi nila masabi kung nasaan sila.

Mula nung may mangyare kay Dana hindi na nila ako ginising ng nawalan ako ng malay umalis ng walang pasabi ang mga Minatozaki.

Palagay ko galit sa akin ang magulang ni Dana dahil ako ang dahilan kung bakit nangyare sa kanya yun.

Hindi ko man lang siya nakita bago siya umalis.

Basta ang sabi sa akin nila Eunseo unnie at Chengxiao unnie grabe ang nangyare sa kanya.

"Nagmumukmok ka nanaman dyan?" tanong sa akin ni Yebin.

"Naiisip mo nanaman siya?" singit ni Eunseo unnie.

"Nako. Ky, lagi nalang ganyan ah?" segunda ni Roa.

"Ayoko na. Di ko na kaya. 2 months na kong walang balita sa kanya." naiiyak na sabi ko.

"Yun naman pala. Siya parin pala ang nasa isipan mo." sabi naman ni Chengxiao unnie.

"Kailan ba siya nawala sa isipan mo? Let's just think positive na babalik siya." sabi ni Sohee unnie.

"Yan ba epekto ni Xiyeon sayo? Nagiging cheesy kana?" hirit ni Eunseo unnie.

"Ayan, mga walangya kayo. Ako nanaman nakita niyo?" sabi ni Xiyeon unnie na nagsusulat sa notebook niya.

Nasa cafeteria kami sabay sabay kaming naglunch ewan ko nga bakit nagkakasama kami ng ganito since the day na nawala siya.

"Bukas na yung competition mo. Like seriously? Kaya ba?" tanong ni Yebin sa akin.

"Kaya. Kakayanin. Para sa kanya." sagot ko tsaka napabuntong hininga.

Kakayanin ko talaga. Kase heto ako, hindi parin nawawalan ng pag asa na buhay siya.

Na babalik siya. Alam ko katulad siya ni Aunt Sana, babalik din siya sa akin.

I know we are just kids inlove, bata pa kami para sa nararamdaman namin.

Pero kahit, kahit na bata palang kami para maramdaman 'to alam ko sa sarili ko na walang mali sa nararamdaman ko.

Mahal ko siya, alam ko na babalik siya.

Hindi parin ako nawawalan ng pag asa na isang araw paggising ko mayayakap ko pa ulit siya.

Kids Inlove|Side of Love After StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon