05°

246 12 2
                                    

Kyrish's PoV

Hanggang ngayon dinaramdam ko parin yung sinabi ni Dana. Masakit para sa akin yun, hindi ko alam kung manhid ba siya o ano pero parang hindi niya alam kung anong nararamdaman ko.

Hindi parin ba halata? Na may gusto ako sa kanya? Mali pala, mahal ko siya, inlove ako sa taong wala ng alam kundi bulyawan ako. Inlove ako sa taong buong buhay niya ayaw ako.

Masakit para sa akin dahil itinuturing niya kong malas sa buhay niya. Tama nga naman dahil nandyan ako malapit sa kanya napapahamak siya.

Pagpasok ko sa school, maaga pa. Naabutan ako nila Eunseo unnie at Chengxiao unnie dito sa waiting shed. Hindi ko sila kabatch dahil si Dana ang kabatch nila.

"Nakasimangot ka dyan?" tanong ni Chengxiao unnie.

"Wala unnie." sagot ko at nag iwas ang tingin.

"Si Dana yan no?" tanong ni Eunseo unnie.

"You know what inlove ka sa kanya noh?" tanong ni Chengxiao unnie sa akin ng walang alinlangan.

"How'd you know?" tanong ko.

"The way you look at her." sinagot ni Eunseo unnie ang tanong ko na, ngayong nakaakbay siya sa girlfriend niyang si Chengxiao unnie. Oo ang gagandang baluktot eh.

"Nasasaktan kana alam namin." sabi naman ni Chengxiao unnie. On that point dun na tuluyang tumulo ang luha ko. Oo, nasasaktan ako dahil sa kanya bakit ba kailangan kong mahalin yung taong hindi ko naman dapat mahalin.

"You have to move on dahil alam natin na pinagtatabuyan ka nalang niya." sabi ni Chengxiao unnie.

"Don't be afraid to open your heart for someone." Eunseo unnie added.

"I think I can't." sagot ko.

"You can. Win was there for you. All you have to do is to give him a chance." sabi ni Chengxiao.

Napaisip ako sa sinabi ni Unnie. Tama nga ba siya? Na kailangan ko ng magmove on sa kanya? Tama na nga ba ang sakit? Kailangan ko na bang kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya? Kakayanin ko kaya?

"Pag isipan mo. Mahal ka ni Win, kailangan mo ring magmove on." sabi ni Chengxiao unnie.

"Pero nasa desisyon mo nakasalalay ang lahat." sabi ni Eunseo unnie. "Wag kang umiyak. Baka maabutan ka ni Yebin at Roa dito. Sabihin pa pinaiyak ka namin." pag aalo pa niya.

"We need to go. Kailangan kami sa covered court para sa unang program ng school this year." paalam ni Chengxiao unnie.

Tumango ako at tipid silang nginitian. Nagulat nalang ako ng may humablot sa akin. Asdfghjkl Dana Sabrina leshe bakit anong problema neto.

"Sabrina saang lupalop mo ko dadalhin?" iritang sabi ko. Ang gulo neto eh aawayin niya lang ako for sure.

Dinala niya ko sa likod ng main building.

"Ano bang problema mo?! Hindi na nga kita kinukulit!" iritableng sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso abnormal ata 'to. "Lalayua----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya kong halikan sa labi. Asdfghjkl yung first kiss ko taena ninakaw ng magaling na si Dana. "B-bakit mo ginawa yun?" alanganing tanong ko sa kanya.

"You're so noisy. Matagal ko ng gustong gawin yan sayo sa sobrang ingay mo." plain niyang sabi. Akala mo hindi nanghalik patay malisya, hayuf.

"Bakit kailangan munang manghalik ka?! Dana nahihibang ka ba!?" bulyaw ko sa kanya.

"Hindi. Listen to me. You're the only one that I wanted to protect, until the end. I want to be with you, stay by yourside like what my appa did to my mom." hindi ako makareact sa sinabi niya at natulala nalang ako.

Dahil tulala ako nagkachance ulit si Dana para muli akong halikan. Ay, manyak 'tong isang 'to.

"Dana, I love you." nanlalambot na sabi ko.

Nagulat nalang ako ng yakapin niya ko. Parang ayaw na niya kong alisin sa pagkakayakap niya.

"But I can't stay by your side as always." she whispered.

"What are you talking about?" I asked.

"I love you... But please, wag ako ang mahalin mo. Serve your love for someone else." kalmadong sabi niya. Kaya napahagulgol ako.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng mabuti sa mata bago niya punasan ang mga luhang dumadaloy dito.

"Bata pa tayo. Poprotekhan kita kahit labag sa loob kong hindi ako pwedeng manatili sa tabi mo. Kase may tamang panahon kung tayo ang para sa isa't isa." seryosong sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Naglakad siya palayo sa akin na parang walang nangyare. Masakit, I was dissapointed na mas gusto niya nalang akong protektahan kesa tuluyang mapamahal sa akin.

Naiwan akong tulala at nasasaktan. Bakit ganyan siya? Napakapaasa, pagkatapos akong halikan pagkatapos lalayasan ako ng ganun ganun nalang.

Bakit niya ba ko pinahihirapan ng ganito? Ano bang problema ni Dana bakit kailangan magkasakitan kami?

Sana maging masaya siya sa desisyon niya. Kase kahit masakit para sa akin ang palayain ang nararamdaman ko para sa kanya pagbibigyan ko siya. Dahil alam kong yun ang ikasasaya niya.

Kids Inlove|Side of Love After StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon