02°

258 12 0
                                    

Dana's PoV

Pagdating ko sa school sinalubong ako ng tingin ng mga estudyante, naiirita man ako hinayaan ko nalang.

Agad ko namang nakita ang mga hayuf kong kaibigan. Letcheng yun, grabe lang ang iingay nila.

"Oy Dein! Tagal mo ah?" tanong nila sa akin.

"Wala, Kun! Nalate ako ng gising." sabi ko sa kanya.

"Buti nga wala pa si Kyrish eh." sabi ni Win.

"Mabuti ng wala kesa guluhin ako. Tara na pumasok na tayo." hatak ko sa dalawang loko.

"Sus, bakit ba lagi mo nalang siyang binubulyawan? Swerte mo nga nasayo atensyon niya eh!" sabi ni Win sa akin.

"Nasasabi mo lang yan, kase ikaw may gusto ka sa kanya. At ako wala!" sabi ko at tuluyan na kaming nakarating sa classroom namin. Iisang section lang naman kami buti nalag talaga ahead ako ng one year kay Kyrish at walang pag asang maging classmates kami.

Marami narin ang tao dito sa room namin kaya sa bandang likod kami umupo nila Kun.

"Andaming bagong classmates. Shinuffle talaga tayo eh noh?" sabi ni Kun sa amin.

"Ayoko narin naman ng mga classmates natin last school year they are cheater." sabi naman ni Win.

Naalala ko nanaman yung nangyare last school year. I caught my classmates cheating and I reported them. Buong klase ba naman ang mandaya maliban sa anim sa amin na naiwang matino. Isang nerd ang rank 1 namin, si Kun, si Win, Eunseo, Chengxiao at ako.

Kaya pala, kaya nung mga panahong yun di kami makahabol sa ranking dahil sa cheating noon.
"Wag na nating pag usapan." sabi ko sa kanilang dalawa.

Hindi na nga sila nagsalita pa dahil alam nilang hindi maganda na maganda ang mood ko pagdating sa bagay na yun.

Maya maya pa dumating ang teacher namin.

"Good morning class." bungad niya sa amin. "I'm Choi Min Hee, you can call me Ms. Min and I will be your this school year's class adviser." pakilala niya.

"Good morning ma'am." sabay sabay na sabi namin.

"And accourding to the faculty kayo ang section na talagang shuffled ang pagkakapili. No cheating, no biased you are pure class A." she started. "Now I want you to introduced yourself here infront." she added.

"Ma'am I volunteer!" masayang sabi ni Kun leshe talaga 'to.

"Annyeonghaseyo Park Kun imnida. I'm 16 years old." nakangiting pakilala ni Kun.

At dahil ako ang katabi ni Kun tinawag na ko ng teacher namin to introduce myself.

"Minatozaki Dana, 16 years old." walang emosyon kong sabi.

"Siya pala yun? Diba siya yung naglaglag sa section nila last year?"

"Masyadong mabait, makasalanan naman ang pagkatao."

And to the point sinarado ko ang kamao ko bago umupo. Masama ang tingin ko sa dalawang nagbubulungan na yun. Masyado silang malinis kung magsalita at ayoko ng bagay na yun.

"Dana, calm down alam ko yung iniisip mo. Wag na wag mong papatulan." sabi ni Kun sa akin at hinagod ang likod ko.

"Below the belt na sila at hindi na ko natutuwa." malamig kong sabi.

"Chill dude. Walang magandang kalalabasan yan kapag pinatulan mo pa." sabi naman ni Win. Kaya wala akong nagawa kundi tumahimik.

Pagdating ng lunch break, humiwalay ako kina Win. Wala akong ganang kumain.

Umupo ako sa isang bench dito sa school at nagsuot ng earphone. Ganyan lang ang gusto ko, ang manahimik sa isang tabi. Ang sabi ni Appa habang lumalaki daw ako lalo akong sumusungit. Tss. Parang hindi naman eh.

Nabalik ako sa realidad ng biglang may magtanggal ng earphone ko.

"Sabrina?" isang nakakairitang boses ang narinig ko.

"Oh bakit, Kyrish?" seryosong sabi ko.

"Ay ang sungit. Pero ano bang inaasahan ko." nakapout niyang sabi at umupo tsaka sumandal sa akin.

"Nyeta. Tigilan mo ko!" tsaka ko iniwas yung braso shoulder kaya ayun nalaglag yung ulo niya.

"Aray naman. Inaano ka ba bat nananakit ka?" sabi niya.

"Please tigilan mo na ko. Hindi kana nadala." sabi ko sa kanya tsaka ako tumayo para layasan siya.

Oo, ganun ako sa kanya. Kinakawawa ko ba? Ayoko rin naman yung gawin pero maraming reason para layuan ang isang tulad niya.

Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang fighting spirit niya para kulitin ako.

Oh sadyang mana kay Aunt Nayeon at Aunt Jihyo na parehong mahaba ang pasensya.

Aish. Sa buong maghapon siya ang iniisip ko. Yan ang isa pa sa dahilan, bakit hindi siya mawala wala sa isipan ko. Ginawa na ata akong baliw ng Kyrish na yun.

6pm na ng lumabas ako ng library madilim narin. Nagstay ako dito para buohin yung requirements ng mga teachers namin. Nauna ng umuwi sila Kun at Win pinauna ko na sila para di narin sila gabihin because of me.

Naglalakad ako sa mismong hallway at nakasalubong ko ang lesheng ayaw kong makasalubong.

"Kung suswertihin nga naman. Andito pala ang taong nagpatalsik kina Taehyong sa school na 'to." sabi ng isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali he's Ten. Dakilang alipores ni Taehyong noon. Apat silang lalaki kaya hindi maganda ang kutob ko.

"Nagustuhan mo rin naman yun diba? Dahil ikaw ang naghahari harian sa grupo niyo. Gago." malamig kong sabi.

"Eh gago ka pala eh!" dali dali akong kinwelyuhan ni Ten. Isang sapak ang natanggap ko at nalasahan ko ang dugo sa may labi ko.

Akma akong pagtutulungan pero biglang may sumigaw.

"Itigil niyo yan!" si Kyrish. May kasama siyang body guards pauwi na siguro siya at sinundo na ng body guards niya.

"Tara na, Ten. Wala tayong laban kina Kyrish." yaya nung isa sa kanila.

Tinulak ako ni Ten tsaka tinignan ng masama.

"Hindi pa tayo tapos Minatozaki." pagbabanta niya sa akin. Pero hindi ko inintindi o natakot man lang.

"Ayos ka lang ba?" tinulungan akong tumayo ni Kyrish.

"Oo, salamat." walang emosyong saad ko.

"Tara, gamutin natin yan." sabi niya sa akin.

"Wag na. Kaya ko na." sabi ko at tumayo ng maayos. Medyo masakit yung pagkakatulak ni Ten at feeling ko hindi ako makakalakad ng maayos.

"Ano ba? Dana naman, nag aalala ako sayo. Please lang naman kahit ngayon lang." sabi niya sa akin.

Nag init ang dugo dahil yung sinasabi niya napakawalang kwenta. Napakanonsense, dahil alam naman niyang siya ang rason kung bakit napapahamak ako. Kung bakit lagi nalang ako nalalagay sa alanganin.

"Tigilan mo ko. Ikaw rin ang may kasalanan kung bakit nag aalanganin lagi ang lagay ko."

Kids Inlove|Side of Love After StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon