Dana's PoV
"Nakasimangot ka nanaman?" my mom asked.
"Mom, I don't know what to do. Ayoko ng malungkot siya. Eomma please help me to save the overview place..." nagmamakaawang sabi ko.
"What happened about the overview place?" tanong ni Mom sa akin.
"Ipapadevelop nila mom. Gagawin daw nilang private place... Mom, please that was really important for me, for us especially for you and appa." pagmamakaawa ko padin.
"I'll to talk with your appa's grandpa para tulungan tayo kung magagawan niya ng paraan. Just make sure anak na hindi lang ang place ang ipaglalaban mo pati narin yung taong dahilan kung bakit ayaw mong mawala ang lugar na yun." litanya ni Eomma. Tsaka siya naglakad at nagtungo sa may side table dun sa may sofa namin dito sa sala.
I think tatawagan niya si Grandpa habang ako naglakad ako patungo sa kwarto ko.
Sumandal ako sa headboard ko tsaka hinimas ang sentido ko.
Hindi nga pala ako pumasok ngayon. Ewan ko tinamad ako dahil makikita ko nga si Kyrish si Win naman ang kasama niya.
3 days na kong hindi pumapasok pero hinahayaan lang ako ni Eomma kase alam niya yung nangyayare sa akin.
Si Appa nga nagagalit na kase naging madalas ang pag aabsent ko.
Alam ko sa sarili ko na dapat nga ipaglaban ko siya. Pero ayoko padin kase baka mapahamak siya.
"Aish. Dana Sabrina ang labo mo!" napahilamos nalang ako ng mukha ko ng masabi ko yun.
Ang hirap palang inlove ka pero may iniisip at inaalala.
Bata pa kami. Sobrang bata pa namin para makaramdam ng ganito.
Wala naman sigurong masama kung maging handa ako sa mga consiquences na mangyayare kapag naging honest ako sa nararamdaman ko.
Kyrish's PoV
"Hindi pumasok si Dana?" rinig kong sabi ni Win na ngayo'y kausap si Kun.
"Hindi nga. Kulit neto. Nakita mo ba sa klase natin kanina? Hindi naman diba?" naaasar na sabi ni Win sa kakulitan ni Kun.
"Ang ingay niyong dalawa. Di na kayo nahiya kalalaki niyong tao." reklamo ni Yebin sa dalawang 'to.
Kasama din namin sila Yebin at Roa na mga kaibigan ko. Nandito kami sa canteen kumakain ng lunch namin.
"3 days na siyang di pumapasok, seryoso nag aalala na ko." sabi naman ulit ni Kun kaya napalingon ako.
"Puntahan kaya natin?" suhestyon ni Win.
"Pwede rin, bro." sang ayon ni Kun.
"Puntahan natin pag uwi pero bago yun, pasok na tayo." yaya ni Win kay Kun.
May pasok na kase sila habang kami naman vacant namin.
"Rish, una na kami ah. Keep smiling. I love you." nakangiting sabi ni Win bago sila tuluyang umalis.
"Infairness kay Win ah. Ang tiyaga niya paring nanliligaw sayo." sabi ni Roa sa akin.
"Coz' he don't know that I love his bestfriend Dana." seryosong sabi ko sa kanya.
"Yan tayo eh. Ilang beses ka na bang tinalikuran nun? Ilang beses ka na bang ipinagtabuyan at binalewala pero bakit siya parin yung mahal mo?" tanong sa akin ni Yebin.
"Dahil sabi niya mahal niya ko." deretsong sabi ko.
"Mahal ka nga di ka naman maipaglaban." sabi naman ni Roa.
"Nagmomove on na siya sa sayo. Try mo rin kaya? Diba sabi niya she can't be with you? Edi wag. Move on, Kyrish." sabi naman ni Yebin.
"Easy to say, but hard to do." huminga ako ng malalim ng masabi ko yun. "Pero siguro tama na. Tama ng sumuko at umasang magiging kami pa ang para sa isa't isa." dagdag ko pa.
Kailangan ko nang kalimutan itong feelings ko sa kanya. Maling mali na nga, hindi pa naaayon dahil ako naman ay pinagtatabuyan niya.
But still I won't forget that I fell inlove with the pinakamasungit person that existing in this world.
------
BINABASA MO ANG
Kids Inlove|Side of Love After Story
Fanfic"You're the only one that I wanted to protect, until the end. I want to be with you, stay by yourside like what my appa did to my mom." -Minotazaki Dana "I was dissapointed coz' you only want to protect me, I want you to love me and fight for me lik...