"Hanggang Kailan Ako Aasa"
Kelan nga ba 'yon nagsimula?
Nagsimulang tumibok yung puso ko na parang tumatakbo na kabayo sa isang karera
Karerang walang kasiguraduhan na ako ang nangunguna
Nanguguna sa puso na hanggang ngayon heto, heto ako hanggang ngayon umaasa paSaan nga ba 'yon nagsimula?
Nagsimula ba 'yon nung sumilay yung mga ngiti mo para sa kanya?
O nagsimula ba 'yon nung binigyan mo ko ng katiting na pag-asa na baka naman pwedeng tayo na lang dalawa
Na baka naman ako talaga ang para sayo at hindi naman talaga sya
Na baka naman ika'y hinulma para sa puso kong nananabik sa iyong prisensyaHanggang kailan, hanggang kailan ako aasa?
Aasa na baka mahalin mo ko sa gusto kong pamamaraan
Paraan ng pagmamahal na hindi lang para sa isang kaibigan
Pagmamahal na gustong gusto ko nang maramdaman
Na baka sakaling sa ngayon, buksan mo na ang aking pintuan
Pintuan na walang hinangad na ika'y maliwanagan
Na ako, heto umaasa na baka tayo naman ang magmahalanHanggang kailan ako aasa?
Kapag ba nagsarado na ang mga tindahan sa plaza?
Na sa wakas! Wala ka ng pagpipilian na paninda
Wala ka ng choice kundi ako na lagi mong kasama
Kasama sa lahat ng gera
Kasama sa lahat ng problema
Kasama sa lahat ng saya
Pero bakit ganon? Hanggang ngayon wala pa din akong napapala!
Na hanggang ngayon, hindi mo ko makuhang mahalin ng gaya sa kanya
Na hanggang ngayon, para pa din akong isang bula
Bula na maganda sa paningin ng iba at sa paningin mo? Bigla na lang mawawalaHanggang kailan ako aasa?
Hihinto na ba ko 'pag pinamukha mo sa'kin na mukha na kong tanga?
Hihinto na ba ko kapag sinabi mo sa'kin na tama na?
Hihinto na ba ko kapag pipilitin mo kong magising sa realidad?
Realidad na hindi magiging tayo kailanman
Realidad na ako lang ang nagmamahal
Realidad na hindi mo ako mahalHanggang kailan ako aasa?
Aasa na baka kahit limang segundo ako'y pagbibigyan mo na
Limang segundo para kahit papaano ako'y lumigaya
Na kahit papaano maramdaman kong minahal mo ko ng sobraHanggang kailan ako aasa?
Ang sakit pala na hindi masuklian ng kahit kaunti ang aking nararamdaman
Ang sakit pala na lahat ng ito, wala ding patutunguhan
Ang sakit pala na paunti-unting nasasaktanHanggang kailan ako aasa?
Kasi nakakaubos din pala ng pasensya
Kasi gusto ko ng sumuko na
Kasi ngayon napatunayan ko na nakakapagod din pala

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
RandomMga tulang inukit para sa iyong pusong sawi. Iba't ibang tulang may storyang hatid. Sinaktan ka ba? Iniwanan ka ba? Hindi mo ba maintindihan ang sitwasyon mo ngayon? Naguguluhan ka na ba? Magbasa ng mga tulang paniguradong makakarelate ka!