SPW 5

11 0 0
                                    

"Pinagtagpo Ngunit Hindi Itinadhana"

Ilang taon na simula 'nung magkita tayong muli
Yung panahon na ayaw pa nating mawala yung masasaya nating sandali
Yung mga panahon na hindi pa napuputol ang ating mga tali
Tali na hindi nagtagal ay nawala na rin

Akala ko noon, tayo na
Na hanggang sa dulo mamahalin pa rin natin ang isa't isa
Na hanggang sa dulo tayo pa rin ang magkakasama
Pero mukhang pinagtagpo lang tayo pero hindi naman talaga itinadhana

Oo, pinagtagpo ngunit hindi itinadhana
Pinagtagpo para lang kilalalin ang isa't isa
Pinagtagpo para lang panandaliang sumaya
Pinagtagpo para lang hindi maging mag-isa
Pero lahat ng 'yon pansamantala lang talaga

Hindi binalak na magtagal
Hindi binalak na sumugal
Hindi binalak ng pag-ibig na maging hangal
Hangal sa puntong bigla na lang nawala yung pagmamahal

Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't isa
Ipinaramdam lang sa'tin kung paano maglaro ang tadhana
Tadhana na mas alam kung tayo ba talaga
Pero ito na mismo ang nagpahiwatig sa atin na tama na

Tama nang nag-sama tayo ng ilang saglit
Tama nang natuto tayo sa ating pagkakamali
Tama nang  nagmahal tayo pero hindi na mauulit
Tama nang naramdaman natin yung isa't isa pero hindi na maibabalik ang dati
Tama na, kaya maging masaya na tayo ulit


~~~~

Author's Note: I'm not satisfied with this poetry of mine. So if you think this chapter and the previous one were a little bit crappy, sorry na agad agad. I am out of inspiration guys! Kaya naman, please do vote and leave comments below para naman maenergize ako mag-sulat.

See you in the next update!

Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon