Chapter 1

15 0 0
                                    


"Kristine!! Tanghali na! Bangon na malalate ka sa interview mo ngayong araw." Kasabay ng alarm clock ko ang bunganga ng nanay ko na napakalakas. Di naman ako late ng gising sakto lang din minsan oa lang talaga nanay ko. Basta umangat lang yung araw tanghali na agad para sakanya. "Oo ma eto na!" sagot ko habang pinapatay ang alarm clock ko. Bago tumayo chineck ko muna ang facebook ko. Nakasanayan ko na kasi. Wala naman masyadong notifs kaya tumayo nako at dumiretso sa kusina.

Amoy na amoy yung mabagong cornbeef na niluluto ni Mama. "O ayan umupo ka na. Nakahanda narin tong hot chocolate mo." sabay abot niya sakin ng tasa na naglalaman ng paboritong hot chocolate, swiss miss.

"Nako anak sana nga nohh magrant yang visa mo. Sana makahanap ka din agad ng trabaho dun sa Korea." Sabi ni Mama. "Sana nga, Ma. Tignan natin kung para ba ito sakin." Ako ay napapadalawang isip pa din kung dapat nga bang ipagpatuloy ko ang plano kong mag-Korea. Naiisip ko kasi na baka di naman ako makakuha ng trabaho at di magrant visa ko.

"Ano ka ba anak may tiwala ako sayo. Kaya nga etong parte ng savings ko inaambag ko na diyan kasi alam ko kaya mo." Sabay ngiti ni Mama. Positive na positive sya. Wala na din kasi siya mapagtuunan ng pansin kundi ako lang. Ako lang naman kasi nag-iisa niyang anak. Bukod siguro sakin ang pinagkakabisihan nya ay ung iba ko pang pinsan na kasama namin sa bahay.

Sa 22 years ng existence ko sa mundo na to si Mama lang ang kasama ko lumaki. Lumaki ako ng walang ama. Basta ang alam ko lang iniwan niya kami ni Mama nung sanggol palang ako at apelyido niya ang gamit ko. Di ko alam ang mukha niya pero alam ko pangalan niya. Siya ay isang Japanese which makes me half-japanese. Di ko alam ang rason kung bakit sila naghiwalay dahil kahit kaylan hindi ito kinuwento ng nanay ko. Kung magtatanong man ako tungkol dito ay naiinis lamang siya.

Matapos kumain ay nag-ayos nako at umalis para lakarin ang mga dapat kong lakarin.

Okay naman ang araw na ito. Pagod pero masaya. Una, pwede nako makalipad ng korea. Pangalawa, may marerentahan nakong lugar doon. Pangatlo, may trabaho ng nag-aantay sakin dun. Tuwang-tuwa ako ng ibahagi ko to kay Mama miski siya ay masaya.

Ang flight ko papuntang korea ay nakaschedule two weeks from now. At dahil dun na nga muna ako titira at magtratrabaho naguumpisa nako mag-ayos ng gamit.

~~~~~~~~
A.N

Hi guys..summer so wala ako magawa. Kaya gumawa ako ng bts fanfic. Di ako super pro sa ganito so sana magustuhan niyo. I dedicate this story to my cousin Kristine. xoxo

I Need UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon