Chapter 3

6 0 0
                                    


Nagising ako at ramdam ko yung lamig ng weather ng Korea. Kaya pala sa mga kdrama na napanood ko nun ang kakapal ng kumot nila.

Bumangon ako at naghilamos. Matapos nito dumiretso ako sa kusina at nagluto ng almusal. Buti nalang at may nadaanan kami ni Isabella na convenience store at nalabili kami kahit papano ng itlog at tinapay.

"Aga mo ah." bati ni Isabella.
"Nagising ako sa lamig tyaka naramdaman na rin ng tiyan ko ang gutom." sabi ko habang nilalagay sa lamesa ang almusal namin.

"Astig din tong lugar natin nohh. De password yung pinto." sabi ko habang sinusubo yung tinapay na may palamang itlog. "Oo. Ganito na din ata talaga dito. Para siguro di basta pasukin." sagot niya.

6 months later...

Anim na buwan na nakalipas at so far okay naman ako dito sa Korea. Okay naman yung kinikita ko at nagkaron pa ko ng kaibigan. Di lang pinoy pero mga Koreano na din. Masaya ako kahit papano nadagdagan na din vocabulary ko sa Korean.

Ang trabaho ko dito sa Korea di naman ganun kabigat yun nga lang nakakadugo ng ilong dahil lagi ka dapat nag-eenglish. Isa akong receptionist sa isang sikat na hotel sa Seoul. Dahil sa kilala ito at lumalagpas sa five star napakaganda ng sahod, plus pag masipag ka talaga ay bibigyan ka nila ng bonus. Yun nga lang mahigpit din sila kaya dapat maayos ka talaga magtrabaho.

Friday at payday tapos day off kinabukasan nagkayayaan kami ng workmates ko na mag-inuman sa labas. Pumunta kami sa isang beef house kung saan ang sarap ng mga niluluto at hinahain samin. "Hey Kristine shi and Isabella shi happy six months in Seoul, Korea. Geonbe!!" sabi ng isa kong katrabaho na Korean habang inangat ang baso na may laman na soju. Lahat kami ay nagcheers at sabay-sabay ininom ang mga laman ng baso namin.

Dahil napasarap kami ng pag-inom medyo tinamaan nako. "Isa, okay na ba? Medyo hilo nako." kinalabit ko si Isabella. "Oo magbabayad nalang." Matapos magbayad ay nagkanya kanya na kami ng uwi. "Jaljayo (goodnight) Kristine shi and Isabella shi" sabi ng katrabaho namin si Hyu Na.

"Kristine, kaya mo ba umuwi?" tinanong ako ni Isabella. "Kaya naman, bakit?" sagot ko na medyo mabagal. "Kikitain ko kasi si Hong Jun." si Hong Jun ay ang boyfriend ni Isabella na Koreano at mag-dadalawang buwan na sila. "Hay okay sige sige." sagot ko habang naglalakad nako papuntang bahay. Dahil sa medyo napadami inom ko para mukha talaga akong hilo maglakad.

Nakabunggo pa nga ako ng isang matandang babae. "Aishh" sabi nung babae. "Jesonghamnida.(sorry)" Sabi ko habang nag-bow at naglakad na ulit. Sa kalasingan ko parang nakakakita ako ng mga lumilipad na stars. Mabuti nalang at medyo malapit na nga ako sa apartment namin. Umakyat ako at binuksan ang pinto. Nung una ayaw pa magbukas. Nilagay ko ulit yung password namin at ayun nagbukas na nga ang pinto. Pag pasok ko parang medyo makalat yung lugar. Di ko alam siguro dahil sa lasing ako at medyo madilim. Pumunta na nga ako sa kwarto ko pero bago pako makarating natalisod pako. Nakakaasar medyo masakit eh. Lalo lang ako nahilo. Pag pasok ko ng kwarto nilagay ko sa tabi ng kama yung bag ko. Sobrang kalasingan ko tinamad nako mag-hilamos ng mukha at dumiretso nalang ng tulog. Madalas akong ganito pag nalalasing, inaantok.

Nasa lugar akong napakaganda at punong-puno ng mga pagkain gusto ko. Kasama ko si Isabella at sobrang saya lang namin. Nagagawa ko pang lumipad dahil sa sobrang saya.
Ngunit bakit parang may padating na bagyo? Lumalakas yung hangin at parang tatangayin nako. Lahat nalang unting unti nawawala. Yung paligid ko nagiging madilim.

May mga naririnig akong boses. Puro malalalim. Mga boses ng lalaki. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at may nakita akong pitong lalaki nakatayo sa harap ko. Dahil sa gulat ko at kaba wala akong ibang ginawa kundi ang matignan lang sila ng matagal. Tinignan ko kung nakadamit pa ba ako dahil nga lasing ako kagabi at baka napagsamantalahan nako.

I Need UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon