Chapter 5

7 0 0
                                    


Ilang araw na ang nakalipas mula nung pumunta ang BTS sa hotel namin para sa show nila pero paulit ulit pa din sa utak ko ung natapunan ko si Jin ng tubig. Nagrereplay sa utak ko yung boses niya pati paghawak niya sa kamay ko.

"Kristine, huy! Tulala ka ata." tinapik ako ni Isabella.

"Wala. Iniisip ko lang yung palabas na pinanood ko kagabi." sabi ko sakanya. "Ano nga ba pinanood mo kagabi?" tanong nya. "Japanese horror film. One Missed Call yung title." sagot ko sakanya.

"Ayos ka din nohh! Horror pala trip mo. O sya punta lang ako sa cr." at naglakad na sya palayo.

Nasa front desk ako ngayon. Wala masyadong customer at guest na kinakausap. Habang tinitignan ko yung ibang staff ng hotel na ginagawa kanya-kanya nilang trabaho bigla nalang tumunog phone ko. May nag text.

"Hi kristine! ^^" -unknown number
Nagtaka ako kung sino to.

"Who is this?"-Kristine
"The handsome guy you met last week."-unknown number
"I don't entertain unknown numbers sorry. :)"-Kristine
"Wait! It's me, taehyung." -unknown number
"Tae hyung of BTS?" -Kristine
"Yes. Kekeke." -Taehyung
"Why did you texted?"-Kristine
"You said text or call you if I want to talk to you."-Taehyung

Kulit din talaga nito ni Taehyung eh. Mamaya ay nakita ko manager namin.

"I said if you NEED to talk to me. I need to go..talk to you later." -Kristine.

Tinago ko na ang phone ko at nag-abang na muli ng mga guest. Buti nalang at di ako nakita ng manager namin kasi bawal magtext during working hours.

Maaga ang out ko ngayong araw kaya naisip kong mamili ng pagkain sa bahay at ng mga bagay na wala na kami. Pumunta ako sa isang grocery store. Nanguha ako ng patatas, manok, toyo, suka, paminta at iba pang ingredients ng Adobo. Nanguha din ako ng gulay.

Matapos sa pagkain naghanap ako ng shampoo at sabon dahil wala na kami nun sa bahay.

Nung makuha ko na lahat ng kaylangan nagbayad nako.

"59,000 won" sabi nung kahera. Inabot ko sakanya yung bayad. Lumabas nako at nagsimulang maglakad. Naglalakad ako sa isang daanan wala masyado tao. Mahirap kasi maglakaad ng may mga dala ka tapos ang damk mong makakasalubong na tao.

Nasa alas-sais na ng gabi. Habang naglalakad hindi ko napansin yung bato sa daan kaya natalisod ako at na out of balance. Nabitiwan ko din ung isa kong dala. Medyo sumakit din yung paa ko dahil parang nag twist ito. Mabuti nalang at walang katao-tao kundi nakakahiya talaga.

Hinawakan ko yung paa kong masakit. Dahan dahan kong inunat ito. Ang sakit pa din talaga.

"Gwenchana? (Are you okay?)" isang boses ng lalaki ang narinig ko. Pamilyar din sakin yung boses na yun. Nung tignan ko mukha niya nakasuot siya ng mask at sombrerong itim. Naka-hoodie din siya. Di ko pa masyado makita mukha niya dahil nga naka-mask siya.

"I am okay." sabi ko. Kinuha nya ung isang plastic bag na dala ko at tinulungan akong tumayo. "Thank you but I am okay." sabi ko sakanya at sinubukan kong lumakad pero hindi ako makalakad ng maayos. Na-sprain ata ako.

"You're not okay." sabi sakin nung lalaki. Muli tinignan ko mukha niya dahil ang pamilyar talaga ng boses niya sakin. Nung makita ko mata niya dun ko na siya nakilala.

"Jin?" dahan-dahan kong pagkasabi. Eto nanaman yung pakiramdam na parang tumitigil yung takbo ng oras. "Shhh.." sabi niya sakin sabay lagay ng daliri nya sa bibig ko. Tapos tumingin siya sa paligid. Oo nga pala sikat siya. Kaya siguro naka-mask siya.

I Need UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon