Chapter 8

3 0 0
                                    


So malinaw na nga sa akin na gusto ko si Jin pero gusto niya din ba ako? Nababagabag ako na ewan.

Gumala gala ako sa Seoul para makapag-isip magdadalawang linggo na hindi pa rin nagpaparamdan si Jin. Sila Taehyung lang nakakachikahan ko. Pumunta ako sa Myeongdong dahil maraming pwede mabilhan at makainan dito. Habang naglalakad sa gitna ng Myeongdong napansin kong madaming tao. Parang may nakaset-up din na stage.

Nacurious ako kaya lumapit ako. May mga nakakita akong standees at posters na may nakasulat na "M-net". May mga naka-lagay din na barricade. Maya-maya ay nagsigawan ang mga tao. Nakita kong may grupo ng babae na lumabas stage. May grupo din ng lalaki na pamilyar sakin pero di ko alam ang pangalan sumunod ay nakita ko ang BTS. Live ba ito?

May mga babaeng may hawak na mga papel na may mga pusong naka-drawing dito, nakasulat din dito yung pangalan ng sa tingin ko iniidolo nila.

Medyo mataas yung stage kaya kahit di ako sobrang lapit sakanila nakikita ko sila Jin. Sa gitna nilang lahat ay dalawang host. Kahit sa malayuan ay gwapo nila tignan. Kanina parang iniisip ko lang si Jin ngayon nakita ko na siya.

Pinapanood ko lang sila. Habang nagsasalita yung host napansin kong gumala yung mga mata ni Jin sa lugar. Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa sakin na pala siya tumingin. Halos isang minuto din kami nagkatinginan pero natigil to dahil may kumausap sakin.

Isang lalaki na pamilyar sakin. "Kristine? Kristine Sakikaste? Ikaw nga." sabi sakin nung lalaki. Napangiti lang na nagtatanong yung reaction nung mukha ko. "Joshua Gomez. 2nd year highschool classmate. Grabe di mo nako natatandaan. Lagi pa nga tayo magkasama pag dating sa chibugan." matapos sakin sabihin to ng lalaki dun ko lang siya naalala.

"Ay oo. Sorry ilang taon na din kasi. Ano pala ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. "Nagbakasyon lang. Koreano kasi napangasawa ng ate ko kaya nakapunta ako dito." sagot niya sakin.

"Ahh. Okay. Kaloka ka nabigla ako dun. Kamusta ka naman?" sabi ko sakanya. "Ok lang naman ako. Eto nag-gagala ako ngayon dito." sagot nkya sakin.

Biglang nag ring yung cellphone nya at sinagot ito. Napansin kong medyo kakaiba yung naging tingin ni Jin samin.

Binaba ni Joshua yung cellphone niya at sinabing. "Kristine, gusto ko pa sakanya makipag-kwentuhan sayo kaso kikitain ko na ate ko. Hinahanap ko actually sila." 

"Ok lang. Next time nalang." niyakap namin ang isa't isa at umalis na si Joshua.

Sino mag-aakala makikita ko dito yung dati kong kaklase sa Korea. Small world lang talaga. Nabalik na ulit yung attensyon ko kayla Jin. Ngayon ang ginagawa nila ay nagpeperform ng kanta nila. Blood, Sweat and Tears ata title nito. Naaamaze ako kasi ang galing nila sumayaw at kumanta. Nakakapagod pa man pag sabay mo to ginawa.

Matapos nila magperform nakipalakpak ako sa mga tao. Sobra akong nagalingan sakanila. Lalo pakong kinilig nung makita ko si Jin magperform. Nung napansin kong patapos na palabas nila nag-umpisa nako gumalaw dahil for sure kapag nakipagsabayan ako sa ibang tao medyo siksikan.

Nag-lakad lakad na muli ako sa Myeongdong. Hindi pa din mawala sa isip ko yung performance nila Jin. Nakakatuwa talaga panuorin ang galing nila. Dumating na yung gabi kaya nasa isip ko kumain nalang ng ramyeon sa isang restaurant.

Paglabas ko siya namang buhos ng ulan. Maganda naman yung weather kanina kaya di ko naisipang uulan. Hindi rin ako nakadala ng payong. Ano oras na pero sige buhos pa din ng ulan. Kaylangan maabutan ko yung huling bus papunta sa samin kung hindi no choice lakad or taxi ako.

Habang bumubuhos yung ulan naglalakad ako papunta sa bus station. Wala masyadong tao naglalakad kakaunti lang. Yung iba nakasilong sa convenient store para mabasa. Nang makarating sa abangan ng bus may pamilyar na kotseng itim na pumarada sa harap ko. Bumaba ang bintana nito at nakita ko si Jin.

I Need UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon