Chapter 2

7 0 0
                                    


"Naku! Kakayanin mo kaya dun anak? Narinig ko kasi na bihira daw mga nag-eenglish dun tyaka ung weather malamig. Siguraduhin mong madami kang jacket na baon ah." Isa sa mga bilin ng nanay kong alalang alala sakin. "Mama ako pa ba? Kaya ko yan."

Hinatid ako ni Mama at ng pinsan kong si Kriesha sa airport. Dahil ito na nga ang pinakakahintay na araw. Ang pagpunta ko sa Korea. Di naman talaga ako mag-isa pupuntang Korea dahil makakasama ko yung kaibigan kong si Isabella. Sabay kami nag-hanap at nag-apply sa mga trabaho dito. Kaya siya din makakashare ko sa titirhan ko sa Korea.

"Uy Kristine ah kahit facepowder lang o bb cream galing dun okay nako." Request ni Kriesha. "Osige yun lang pala eh." Sagot ko.

Ilang oras nalang at lilipad nako papuntang South Korea. "Kristine, tara na check in na tayo para wala na tayo hahabulin na oras." Sabi ni Isabella. "Osige." sagot ko.

"Ma, Kriesha, tuloy na kami." niyakap ko silang dalawa. "Sige anak ah! Ingat ka dun lagi! Wag mo kakalimutan tumawag." pahabol na sabi ni Mama habang papasok na kami.

Nakacheck in na kami ni Isabella sa airport at hinihintay nalang na magboard kami. Habang naghihintay naglaro muna ako ng 2fuse sa cellphone ko. Bumili na rin muna ako ng donut para madagdagan laman ng tiyan ko dahil unti lang kinain kong umagahan.

"Ano friend excited ka na ba? Dami daw pogi dun eh." Kalabit sakin ni Isabella. "Sakto lang. Tyaka ikaw talaga pogi agad. Career muna kasi hanap ko dun." sagot ko sakanya. "Ano ka ba?! Di naman masama pagsabayin ang career at lovelife eh.." Sabay tawa siya. "ewan ko sayo." sagot ko ng pabiro. Matapos ang dalawang oras na paghihontay eto na nga at magboboard na kami ng plane papuntang South Korea.

Matapos ang mga apat na oras na lipad ay nakarating na din kami sa Korea. Kung ikukumpora sa Pinas mas malamig ngayon dito. Siguro dahil na din kakatapos lang ng taglamig dito.

"Pano pala yung lugar na magiging tirahan natin?" tanong ko kay Isabella kasi siya din ang naghanap ng matitirhan namin. "Ah eto na sakin yung address. Mag-taxi nalang tayo. Nag-aabang naman na din yung landlady dun." sabay pinakita niya sakin yung papel. Si Isabella kahit papano nakapag-aral pano mag-Korean di tulad ko. Ang alam ko lang ay "thank you","sorry" at "hello" bukod sa mga salita na yan wala na. Kaya goodluck sakin.

"Okay." at sumakay na kami ng taxi.

Nakarating na kami sa rerentahan naming lugar. Masasabi ko di na masama kasi tig-isa kami ng kwarto ni Isabella kahit di kalakihan yung lugar. Meron pa rin kaming division at privacy pag gusto namin.

"Good place?" tanong ng landlady namin na nakangiti.

"Yes. It has a nice ambiance." sagot ko. Habang pinapasok ko at inaayos ko ang gamit ko si Isabella ay nakipag-usap muna sa landlady. Di ko masyado maintindihan dahil Korean ang salita nila. Matapos ng unting saglit ay umalis na yung landlady at sinara ang pinto.

"Ano sabi niya? Di ko na kasi maintindihan pinagsasabi nyo friend eh." sabi ko. "Ah wala naman masyado yun. Tungkol lang sa monthly payment natin tiyaka sabi niya malapit lang naman daw siya kaya kung may kaylangan tayo pwede natin siya lapitan." sagot ni Isabella. "Ah okay. Bait naman niya." ngumiti ako.

"Mabait talaga yun. Actually kakilala siya ng Nanay ko kaya nakakuha tayo ng malaking discount dito." medyo nagulat ako kasi di naman nagkwekwento masyado si Isabella tungkol sa nanay niya.

"Pano nga pala trabaho natin?" tanong ko. "Ah. Don't worry di naman tayo mag-uumpisa agad may one week free time pa naman tayo." ngumiti si Isabella habang isa-isa niya nilalabas ang gamit niya sa bag.

"Mabuti naman kung ganun. Mafafamiliarize ko pa pala sarili ko. Siguro mamememorize ko din ang mga lugar dito."

"Oo naman friend. Actually pangatlong beses ko na dito kaya medyo alam ko na pasikot sikot dito pero sa Seoul lang." sabi ni Isabella. "Ah taray mo naman pala." asar ko sakanya.

Nag-kanya kanya kami ng ayos ng gamit. Matapos ay kumain kami ng ramyeon sa restaurant na malapit sa apartment namin. Dahil medyo nakakapagod ang araw na to di muna kami masyado nag-gala at nagpahinga nalang ng maaga.

I Need UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon