Chapter 7

3 0 0
                                    


Napapadalas ang pakikipagusap ko sa BTS. Di man sa personal sa text naman. May isang chatting app kung san gumawa pa sila ng groupchat at sinali ako. Minsan habang nasa trabaho ako tunog ng tunog yung phone ko dahil sa mga notif nila. Napipilitan tuloy akong i-silent to.

Pag sa bahay minsan natatawa din ako dahil nagsesend sila ng mga pictures nilang panget sa groupchat. Unti unti nagiging close ako sakanila.

May mga oras na nachachat sila sa hangeul at nahihirapan akong intindihin to kaya napilitan din akong aralin sulat nila, nagdownload din ako ng translator para di ako nao-OP sakanila.

Isang beses nakita ako ni Isabella na busy mag-aral ng hangeul.

"Uy..busy tayo ahh!" kinalabit niya ako sa kili-kili. "Ano ka ba?" sabi ko.

"Hirap ka na ba intindihin yang nasa gc nyo kaya nag-aaral ka magbasa at magsulat ng hangeul?" tanong niya sakin. "Oo. Nakakaewan kasi. Hanggang tingin nalang ako sa kung ano tinatype nila." sagot ko sakanya.

"Isang buwan na din since first encounter mo sakanila at connected pa din kayo. Iba ka friend ahh. Buti di pa kita nakikita sa mga article kasi diba ganun pag artista o di kaya sikat. Lahat inaalam ng tao pati fans." sabi sakin ni Isabella.

"Oo nga eh. Ewan ko din ba pano naging ganito."-Me

"Ingat ka nalang friend. Kung may kaylangan ka like translator nasa kabilang kwarto lang ako." sabay kindat si Isabella.

Patapos pa na ang araw, 11pm na ng gabi ng biglang tumawag sakin si Jin.

"Hello?" -Me
"Can you go out?"-Jin
"It's already late."-Me
"I'm outside your house."-Jin
"What? Really? Okay. I'll go out now."-Me

Dahil medyo malamig ang weather ngayon nagpatong ako ng hoodie pink at agad lumabas.

Pag dating ko sa labas nakita kong nakasumbrero na itim si Jin. May dala din siyang inumin. Lumapit ako sakanya at inabot niya sakin yung isa. "That's hot chocolate." sabi niya sakin. Napatingin ako sakanga at ngumiti. "Why?" tanong niya sakin. "Thank you for this. I love drinking hot chocolate specially on a cold weather." sagot ko sakanya.

Ininom ko yung hot chocolate dahil nasabik ako. Ngayon palang ako titikim ng hot chocolate na gawa sa korea at ng nasa korea. Sa sobrang excited ko matikman to nakalimutan ko na mainit nga pala. Agad ko nilayo sa bibig ko yung hot chocolate dahil ramdam kong napaso dila ko. "Aiishh..hot hot hot" sabi ko.

Tinawanan ako ni Jin dahil sa mukha na ginawa ko. Tinignan ko siya ng masama kasi napaso na nga ako tatawanan niya pa. "Why? Your face is so funny." sabi niya. Nanahimik nalang ako at tinignan siyang tumatawa. Nung nakita niyang di na ako naimik. "Okay, Okay. I'll stop." sabi niya. "Why are you here anyway? Your manager might be looking for you and people might see us too." tanong ko sakanya.

"No, it's okay. I just want to have a walk with you." sagot niya. "Where are we going?" tanong ko naman sakanya. "Places." sagot niya. Medyo pilosopo din pala to. Nag-umpisa na kami maglakad at sinundan ko lang siya. Pumunta kami sa isang park na di naman sobra ang layo sa bahay ko.

Wala na halos tao kaya parang solo na namin yung park. Matapos maglakad papunta sa park ay napagod kami. Nung makakita kami ng swing umupo kami.

"Why did you ask me for a walk?" tanong ko kay Jin."Nothing. I just want to have friendly time with you." sabi niya. Friendly time? Ano yun? Gusto niya ba makipag close sakin? Medyo close na din naman na kami eh.

"Lets tell each other stories about us." sabi niya. "Are you serious?" tanong ko sakanya. "Yes." tapos ngumiti siya sakin. Naramdaman ko naman bumilis pintig ng puso ko. Hay, ano ba? Bat ganito ba ako? Lahat naman sila sa grupo pogi pero bakit kay Jin bumibilis ng ganito yung tibok ng puso ko.

"Okay. You first." sabi ko sakanya.

"When I was a younger my parents don't usually tell other people about me. It's like they're not proud of me even if I achieve something." kwento niya sakin. "Really? They should be proud because look at what you've become someone who is known because of his talent." sabi ko sakanya.

"Yes. Even though I feel like they're not proud of me I know that they are and that they love me." sabi niya sakin. "Ahh." sagot ko tapos dahan dahan akong nagswing.

Tumingin sakin si Jin at nag tanong "How about you? You said you grew up with no father.."

"Yes, I did. My mom and dad were separated when I was a baby. My mom didn't tell anything to me about my dad. I just know his name that's all." sagot ko sakanya.

"Did you want to meet him?" tanong niya sakin.

"Yes. I actually want to find him but I don't know how." sabi ko. "Maybe I can help you. I can ask some people I know." sagot niya sakin sabay ngiti. "How?" tanong ko sakanya.

"Your father is Japanese right?" tanong niya sakin at umo-oo ako. "I know some producers and host in Japan because before we were a guest in a show. Also we studied Japanese language."sagot sakin ni Jin. Tumayo ako at tinanong siya "You will do that?" naexcite ako na ewan. "Yes." ngumiti siya. Di ko napigilan ang damdamin kong puno ng saya at napayakap ako sakanya. Naramdaman kong nagulat siya, medyo nagulat din ako kasi nagawa ko yun. Tinanggal ko agad yung arms ko.

"Sorry, I just can't contain my feelings. I'm really happy that you will help me." ngumiti ako. Wala siyang sagot kundi ngiti lang din.

Matapos ng gabi ng paglalakad namin ni Jin sa park mas gumaan pa loob ko sakanya. Mas nakilala ko pa siya at nalaman na minsan nakakapagod din pala yung mga ginagawa nila. Ang pagpraktis ng sayaw at kanta ng sabay.

Simula nung napag-usapan namin ni Jin yung tungkol sa tatay ko hingi niya lahat ng info na meron ako sa tatay ko at nagsasabi siya kung may update ba. Mabait pala to si Jin pero pinagtataka ko nung una na nagkakilala kami di siya nagsasalita eh madaldal din naman pala siya.

Isang linggo ang lumipas at medyo tahimik yung group chat namin ng bangtan boys. Siguro busy sila ngayon. Di nga ako nagkamali at nung mag-scroll ako sa fb may mga post na tungkol sakanila na shine-share ang pinsan kong si Rose.

Nako. Pag nalaman niyang nakakasama at nakakausap ko yung iniidolo niya baka mapunta na siya sa mental hospital.

Sa groupchat namin yung anim lang ang nakapag-message kahit papano. Ewan ko ba pero sabik ako pag nagchachat o text sila sakin lalo na pag si Jin. Kaso hindi siya masyado nagpaparamdam ngayon.

Nakaupo ako, hawak ang cellphone at pasilip silip sa bintana. "Nako, ang kaibigan ko may inaabangan." asar sakin ni Isabella.

"Ano? Wala nohh." sagot ko sakanya. "Sus wag ka na magkunyari. Obvious naman eh. Hawak ang cellphone tapos dungaw ng dungaw. Nako don't me bes" pambara sakin ni Isabella. "Ewan ko ba friend. Sa totoo lang si Jin yung inaabangan ko eh. I mean lahat naman sila pogi pero pag si Jin nakakausap ko iba yung tibok ng puso ko. Bumibilis na akala mo tumatakbong kabayo." sabi ko sakanya.

"Nako. Confirmed! Gusto mo na nga yung tao." sabi sakin ni Isabella. "Eh kasi naman nakakaasar siya na mabait na ewan.." ramdam kong umiinit mukha ko. "Oo na. Gustong-gusto mo na nga siya gets ko. Kitang-kita sa pagkapula ng pisngi mo." sabi sakin ni Isabella.

Kinuha ko yung salamin na malapit sakin at napansin kong namumula nga ako. First year college ako nung huli ako naging ganito. Kinikilig at sabik sa isang tao.

I Need UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon