Di pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko sa harapan ko. Akala ko isa lang siyang clumsy na student na nakabangga ko pero he has a great role to perform para dito sa school. Akala ko magkaparehas lang kami ng stado sa school nato. Di ko namalayan na nakatungaga na pala ako na nakatititig sa kanya, nakabalik lang ako sa huwisyo ng marinig ko ang tunog ng camera.
Nagpalingalinga ako sa paligid kung may kumukuha ba ng litrato pero nagulat ako ng malaman ko kung sino ang kumukuha ng litrato ng napakatanga kong mukha. Nakangisi lang siya habang winawagayway ang phone na ginamit niya upang kunan ako ng litrato.
"Hoy!!! bura-" Natigil ako sa pagsasalita ng bigla niyang hinagis sa akin ang phone buti na lang at nasalo ko kaagad.
Tumayo siya at nagtungo sa mini-kitchen. "Ano bang gusto mo? Coffee? Tea? Juice? " Tanong niya sa akin. Inirapan ko lang siya at di pinansin. Pumunta naman siya sa harapan at umupo sa bakanteng sofa na nandun. "Akala ko kanina na pinagloloko mo lang ako sa pangalan mo. Di ko akalain na may pangalan na palang di pwede sabihin, Secret." sabi niya habang nagkangiti ng nakakaloko.
"Akala ko ba magbibigay ka ng maayos na paliwanag pero parang pinapunta mo lang ako dito para pagtripan." Sabi ko sa kanya na hindi man lang siya tinitingnan. Nakakainis siya pinatawag niya lang pala ako dito para sa wala.
"Bago ko simulan ang paghingi ng tawad. Magpapakilala muna ako. Ako nga pala ang bagong SC President, Jonh Chrislyn Sahitarios,JC for short, grade 12-B." Sabi niya ng may malapad na ngiti ngunit ang pinagtataka ko talaga ay kung bakit isang regular student ang naging SC President akala ko ba na sa special section nila kinukuha ang mga candidate pero bakit? Di ko po maintindihan.
"Kung di ka titigil sa kakatunganga kukuha na talaga ako ng litratro mo tapos ipopost ko sa account ng school na to." Sabi niya habang winawagayway yung phone niya kaya napaayos ako ng upo.
Tinanong ko siya about dun sa bumabagabag sa akin. "Bakit ba galing sa regular section ang naging SC President. di ba supposedly dapat sa 1st section manggagaling kasi nandun ang mga matitinong mga students?" Deretso kong tanong sa kanya na di pa rin siya tinitingnan.
Napangiwi naman siya dahil sa sinabi ko. "Tsk. Ang sakit mo naman pala magsalita. Para namang ang sama-sama kong tao, di naman lahat ng galing sa regular class ay di na pwedeng makipagsabayan sa mga nasa 1st section. Tsaka ngayon lang ding school year na to pinayagan ng campus na tumakbo ang nasa regular class sa SC Election, di ko nga din inaasahan na ako ang mananalo." Sabi niya pero di pa rin ako kumbinsido.
"Nandaya ka siguro kaya ka nanalo." I said while giving him an evil smirk. Siguro nandaya talaga to kasi imposible naman na manalo ang isang regular student diba. Nagulat ako ng bigla na lang tumunog ang bell at pumasok si Scott sa office.
" Mr. Sahitarios pinapatawag ka po sa faculty at Ms. Secret nagsisimula na po ang klase niyo." Sabi ni Scott, halatang galing pa ito sa pagtakbo kasi hinihingal pa siya.
"Secret lang kasi Scott."
"JC Scott, JC."
Sabay naming sabi ni JC. Nagkatinginan naman kami habang si Scott naman ay nagpalitpalit ng tingin sa amin. Binasag ni Scott ang katahimkan, ramdan niya siguro ang pagpapalitan namin ng mga makamandag na tingin ni JC.
"Ahh tara na po." Sabi ni Scott kaya sabay namin siya tiningnan niya JC. Nakangiti lang ito kaya tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa pinto upang lumabas pero nahinto ako dahil sa pagtawag ni JC.
"Secret, ihahatid na kita sa room niyo panigurado kasing malelate ka, kaya kapag ihahatid kita di ka mapapagalitan ng subject teacher mo." Sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko. Tumayo siya mula sa pagakakaupo at hinila ako palabas ng office.
Panay ang tingin at bulong-bulungan ng mga students na nadadaanan namin, ang iba naman mga nakamamatay na tingin ang iginagawad nila kapag nagagawi ang paningin nila sa kamay kong hinahawan ng SC President. May naririnig naman akong mga kapwa ko mag-aaral na bumati sa kanya, pero pansin ko mukhang mga hudlom tsaka karamihan sa kanila ay mga kalalakihan kaya sigurado na ako na talagang nandaya ang lalaking to sa SC Election nung nakaraang taon. Bigla nalang tumigil si Mr. Mandaraya kaya nabangga ko ang likod niya.
Humarap siya bigla, napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko konting galaw lang ay magkakahalikan na kaming dalawa kaya bigla ko siyang naitulak at nabangga niya ang pader sa likod niya, siguro napalakas ang pagtulak sa kanya. Pero imbis na magalit siya ay tumawa lamang ito ng malakas.
"Were here Secret. Hahahahaha for what you did I know you feel sorry for me because you are thinking that it hurts but its fine and im totally fine so you have nothing to worry about." Sabi niya habang nakangiti ng napakalpad at napakunot naman noo ko, and what makes him think that I feel the guilt of pushing him towards the wall, but instead I pity him, wala nang pag-asa ang kalog na utak nito na tanggapin sa mental hospital.
"Ahmmp thank you pala sa pagbalik ng cellphone ko tsaka sa paghahatid mo sakin dito." Simple kong sagot sa kanya at agad na pumasok sa classroom ko pero nagsisimula na pala ang klase at padabog ko pa naman isinara ang pinto dahilan para maagaw ko ang atensyon ng buong klase.
"Ms. Llan--" Sisigawan na sana ako ni maam kaso may asungot palang biglang sumulpot sa likod ko.
"Sorry po maam pero kinailangan po kasi namin ang tulong ni Ms. Secret kanina dun sa SC Office kaya po siya late." Sabi nito kay Maam Saderna at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
Lumapit naman siya ng konti ang binulungan ako ng mokong na President. "Wala bang thank you?" Nakangisi niyang sabi sa akin.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin at nagpunta sa upuan ko. Isa pa tong seatmate ko na wala nang halos ginagawa sa maghapon kundi ang halikan ang napakaganda niyang table. Umayos na ako ng upo at matapos ang ilang minutong pag-uusap ni maam tsaka ni JC ay nagsimula na uli ang klase.
Pagkatapos ng klase agad akong pinuntahan ni April para makipagchikahan tungkol sa ginawa namin ni JC. "Secret, bakit magkasabay kayong dalawa ni JC?" Sabi niya habang para siyang kinikilig samantalang yung noo ko kumukunot na dahil sa sinabi niya at ginagawa halata naman kasing may ibang iniisip ang babaeng to.
Ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyayari pero ganun parin ang expresion niya, kinikilig parin, nakakainis na siya kaya naisipan kong ibahain na lang yung topic" April, bakit ba madami ang nakakakilala sa JC na yun, tsaka bakit siya ang naging SC President? Bakit hindi galing sa special section ang naging President? Siguro nandaya siya sa election noh? Di naman bagay maging president ang mokong na yun asal baliw kasi." Sunod-sunod kong tanong sa kanya kaya napatingin siya sa akin at mukhang natataranta kung ano ang una niyang sasagutin buti nga sa kanya.
"Dahan-dahan lang Secret, isa lang ang kalaban wag madaliin. Madami ang nakakakilala sa kanya dahil siya ang SC President. Yan yung para sa first question mo yung second at third naman, malamang siya ang magiging President kasi siya ang nanalo sa election. Yung pandaraya? Naku hindi gagawin ni JC yun. Hahahahaha sa katunayan ibinoto ko din siya." Sabi niya habang minomotion yung kamay niya na parang nagpapakita ng matinding paghanga sa walang hiyang lalaking yun.
After nang ilang minutong pang-aasar ni April dumating na din sa wakas ang teacher namin. Gaya ng nakagawian lesson ng konti tapos quiz ng konti tapos luchbreak na. Ang bilis noh? ganun kasi yun pag wala kang naiintindihan sa mga pinagsasabi ng teacher mo. Hahaha naisipan naming dalawa ni April na pumunta sa cafeteria at doon na mag lunch.
***
Thank you for reading people:)
YOU ARE READING
Im His Secret
Teen FictionFollow Secret's affair when she embarked into her new school as a transfer student. She met Xenon, a slacker and person who does not care for anything. Chrislyn Jonh the Student Counsil President, a regular student but plays a big role in the univer...