Chapter 2

53 5 0
                                    

Ginising ako ng sikat ng araw na nagmumula sa aking bintana. Maaga pa kaya matapos kong ayusin ang kama ko ay naghanda na ko para sa school.

Pagbaba ko ay naabutan ko pa si papa na nagkakape at nagluluto naman si mama sa kusina. I both greeted them good morning and they did the same too.

"Halina kayo, kumain na tayo." Pagtawag ni mama sa amin.

Simpleng agahan lang naman ang meron kami. Di naman kasi kami mayaman noh. Si papa ay isang teacher tsaka si mama ay fulltime housewife. May dalawa pa akong kuya ang isa nasa abroad at nagtatrabaho bilang engineer while ang isa ko pang kuya ay nasa manila at nag-aaral bilang teacher.

Masaya ako habang nilalantakan ang agahan namin. Ewan ko ba kung bakit ganito ang mood ko ngayon, alam niyo pati ako nahihirapan sa pag-intindi sa sarili ko.

"Anak mukhang maganda ang gising mo ah?" Tanong ni papa bago humigop sa kanyang kape. "May nangyari bang maganda sa school mo kahapon?" Dugtong ni mama na malapad ang ngiti.

"Wala naman po. Gusto ko lang salubungin ang umaga ng magandang ngiti." Sagot ko sa kanila at nagpatuloy sa pagkain.

"Tapos ka na ba anak? Sumabay ka na sakin, ihahatid na kita." Sabi ni papa.

Walking distance lang naman ang school sa bahay kaya ayos lang kung maglakad ako pero since nag offer si papa ng free ride edi sasabay ako minsan lang din to noh.

Pagkatapos kong magpaalam kay mama ay sumakay na ako sa kotse ni papa at nagsimula na siyang mag drive. Habang nasa byahe tahimik lang si papa habang palihim akong inoobserbahan hanggang sa umabot kami sa tapat ng school.

Bumaba na ako sa kotse at nagpaalam kay papa. "Bye papa, ingat po! I love you." Sabi ko kay papa while flashing a very sweet smile.

"I love you too sweetie. Enjoy your day." Pagkatapos yun sabihin ni papa ay pinaandar na niya ang sasakyan. Ako naman dumeretso na sa room ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ng school napansin ko na di pa gaano madami ang tao, maaga pa naman kasi. Pero may napapansin akong mga nagtatakbuhan na para bang may minamadali silang gawin. I just ignore them and went straight to my room.

Gaya ng inaasahan kong mangyari mabibilang lang sa daliri ang nandito sa classroom namin ngayon. When I glanced at my seat nandun na si Ele na ginagawa parin yung maghapon niyang ginawa yesterday. Ewan ko ba sa seatmate ko nakakabad trip talaga siya ang aga-aga pa kasi para maging matamlay nakakahawa ang aura niya nakakatamlay din.

After 30 mins. of enduring my seatmates aura nag ring na ang bell, start na ng klase kaya umayos na ang lahat pero si Ele ganun parin. Wala talaga siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

Nagulat ako ng hilahin ako bigla ni April. "Halika na Secret." Sabi ni April habang hinihila ako palabas ng room namin

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya na para bang nagtataka siya. Bumuntong hininga muna siya bago ako sinagot.

"May teacher na pumasok saglit kanina sa room at sinabing, pumunta daw tayong lahat sa gym para sa announcement ng bagong elect na Student Council officers. Pagkatapos daw nun ay club registration. Saang club ka ba sasali Secret?" Pagsasalaysay niya sa nangyari kanina na talagang di ko namalayan dahil sa mokong kong katabi na nakakatamlay ang aura.

Nag isip muna ako ng club na sasalihan pero wala pa talaga akong mapili siguro mamaya ko pa malalaman kung anong club ang gusto ko. Hinarap ko uli si April na hindi parin binibitawan ang kamay ko kahit sabay na kaming maglakad, HHWW hahaha nakakatomboy pa naman ang ganda niya.

"Di ko pa alam eh. Ikaw ano ba ang gusto mong club?" Tinanong ko siya.

Binigyan niya muna ako ng ngiti bago ako sinagot. "Sa Theater Club ako Secret."

Im His SecretWhere stories live. Discover now