Chapter 4

32 3 0
                                    

Ilang linggo na din ang lumipas pero wala pa ring kahit anong thrill na nangyayari sa buhay ko. As usual daily school routine lang ang ginagawa ko, puntang school, pagdating sa room upo katabi ni Mr. Tamlay, tapos papasok na ang mga subject teacher, then lunch, next klase again, tapos dismissal, uwi, kain ng konti tapos tulog na. Ayan lang ang buhay ko sa loob ng tatlong linggo.

Nasa classroom ako ngayon. Wala rin kasi akong magawa, di naman kasi ako kasali sa nangyayaring event kaya nandito lang kami sa room. Kaming dalawa ni Mr. Tamlay. Nakakainis bakit sa dinamidami ng pwedeng kasama bakit siya pa bakit ang kolokoy pa na to ? Pwede namang si April diba? Pero parang may role siya sa nangyayaring culmination.

Nagbabasa ako ng libro pero nagukat ako ng bigla nalang nagsalita si Ele " Wala ka bang sasabihin?" Sabi niya na talagang pinagtataka ko.

Ano ba ang dapat kong sabibin? Wala naman akong ginawa. " Huh? Ano bang dapat kong sabihin?" Tanong ko, imbis na mawasak yung utak ko kakaisip kung anong sasabihin mas pinili ko nalang na tanungin siya.

He raised his head and stared at me at bigla nalang sumimangot at bumalik sa usual position niya. Ewan ko sa kanya. Di ko nalang siya kinulit at nagpatuloy na ako sa pagbabasa.

Makalipas ang ilang minuto bigla siyang umupo ng maayos. Nagulat naman ako sa naging expression niya. First time ko siyang nakita na dilat na dilat yung mata siguro nakakita siya ng multo.

Napatingin din ako dun sa tinitingnan niya nakakacurios lang kasi. Sa halos isang buwan kong pagiging seatmate niya ngayon ko lang nakita ang ganyan niyang expression. Pero di ko akalain na matutulala din ako.

Ang ganda niya. Yung mahaba niyang buhok na medyo may pagkablond, yung mala porselana niyang kutis, yung kanyang mga ngiting napakatamis, ang mga mapupungay niyang mata na tila kumikislap na parang mga bituin sa langit, yung pigura niyang mala anghel ang nakikita naming dalawa ni Ele na papalapit sa amin.

"Hi Xenon." Sabi nung girl nung tumapat na siya sa table namin ako naman ayun palipat lipat ng tingin sa dalawa habang si Ele ayun tulala parin.

Di ko alam kung ano ang dapat na maging reaction ko, kung matatawa ba ako o mananatiling tulala. Si Ele kasi nagmumukhang nagulat na tarsier, halos luwa na yung mata niya sa kakatitig dun sa magandang babae.

"A-an-anong gi-nagawa mo dito?" Tanong niya. Siguro ngayon lang to nakakita ng magandang babae, nagkabuhol buhol ba naman ang dila ng mokong.

Lumapit ang magandang babae kay Ele at naupo sa mesa sa harap niya, ayun hindi na tuloy naging mukhang tarsier si Ele, mukha na siyang gulat na unggoy.

Inilapit nung babae ang mukha niya kay Ele. Ang mokong ayun napaatras pero laking gulat ko bigla nalang siyang natumba. Parang nagslomo ang lahat, yung buong mundo ko ay umiikot. Matutumba na siya sa harapan ko, napapikit na lang ako dahil alam kong sa akin na siya matutumba, shit madadaganan niya ako, in 5...4... 3...2....?

Pero bakit wala? Parang ok lang ang lahat. Wla namang masakit sa katawan ko, di ko muna binuksan ang mga mata ko at pinakiramdaman ko muna ang paligid ko. Maayos naman, wala namang unusual na nangyari, pero bakit parang nakaangat yata ako at may humahawak sa balakang ko?

"Shit, ang sakit.... Ill kill you Copper, be ready.." Nakarinig ako ng ibang boses, kilala ko ang boses ni Ele at di siya ganyan magsalita kaya imposibleng maging siya yan.

Dahan-dahan akong dumilat at laking gulat ko hawak ako ni Ele sa balakang para pigilan sa tuluyang pagkatumba habang nakatingin sa likuran ko at nakangiti, yung pang evil smile.

"Then kill me if you can." Nakangiti niyang sagot sa lalaking nasa likuran ko. Bigla ko siyang naitulak ng malakas dahilan para mapasandal siya sa mesang nasa likod niya. Tumalikod naman ako kaagad. Pero nagulat ako ng makita kung anong nangyayari sa nasa likuran ko na tinitingnan ni Ele.

"You better be ready if i will not feel the pain anymore. Ill kill you Copper!" Namimilipit sa sakit na sambit ng lalaki habang patuloy pa rin itong nagpagulong gulong sa sahig habang hawak ang tiyan niya.

"Let's add more pain then." Bigla na lamang napunta si Ele dun sa lalaki na nasa harapan ko tapos pinagsisipa niya kung saan saan yung lalaki. Yung lalaki naman patuloy lang sa pagsangga sa mga sipa ni Ele hanggang sa lumuluwa ng dugo yung lalaki. Hindi ko na kaya ang pinaggagawa ni Ele kaya tumalikod ako pero laking gulat ko may kasama pa pala kami dito sa room panay lang ang tawa habang tinuturo yung lalaking binubogbug ni Ele. Akala ko isa siyang dakila, maamo, at mabait na anghel pero sa likod pala ng kanyang mala diyosa na imahe ay ang kanyang pagiging walang awa.

Di ko na talaga natiis at sumigaw na ako sa sobrang awa dun sa lalaki. "ITIGIL MO NA YAN DAKILANG ELEMENT. WALA KANG AWA !!! " nagulat yata sila sa tunuran ko kaya tumigil sila yung babaeng tumatawa, si Ele, pati na rin yung lalaking binubogbug ay tumingin din sa akin na parang gulat na gulat.

Sa sobrang badtrip ko dahil sa pinaggagagawa nung si Mr. Tamlay at saka dun sa walang awa na babae ayun lumabas nalang ako sa room at nakinuod sa mga patimpalak.

Naghanap ako ng mapagpapahingahan at sakto may malaking puno dun sa likod ng skul kung saan di masyadong pinupuntahan ng mga students.
Naisipan ko munang umidlip saglit.

Nagising ako dahil sa kaluskos na naririnig ko sa ibabaw ng puno, dahan dahan ko namang iminulat yung mga mata ko upang malaman ang sanhi ng mga ingay nanaririnig ko sa ibabaw.

Napatalon ako ng may nakita akong tao sa ibabaw ng hinihigaan ko at mahuhulog na siya. Matapos kong umalis sa lugar kung saan ako umidlip ay saktong nahulog naman siya kaya, safe ang ate niyo !! HahahahahA

Tumayo ang lalaki habang iniinda ang sakit na kanyang nadarama dulot ng pagkakahulog sa puno at humarap sakin.

Bigla nalang siya tumawa nung pagharap niya. At doon ko na kilala kung sino ang damohung muntikan ng akong mahulugan.

Yung nakakabwisit na President ng SC. Yung nakakainis na walang hiya na hinayupak na si JC..

*********

Hi sainyo sorry talaga sa super busy lang talaga sa skul kaya late po ang update sorry din po sa mga mali.x diyan...

Thank you po sa pagbabasa ng story ko kahit po di siya masyadong nice hahahaha salamat pa din po dahil binasa niyo ...

Wag kayong mag.alala try kong bumawi after ng exam .... Thank you po!!!

#HappyReadingPeople

Im His SecretWhere stories live. Discover now