1

59 7 3
                                    

'Yaaaaaaah!' sipa ko sa lalaki kong kalaban, kaya't natumba siya.

Andito kasi ako sa aming school sa training room naming ng taekwondo. Halos puro lalaki ang kasali sa sa club na to pero kahit marami kami dito maaliwalas pa din dahil malawak.

Ng mapatingin ako sa labas marami ang nanunuod at nakasilip sa bintana at halos magtulakan na makita lamang ang nasa loob.

Wala bang klase ang mga ito at nagagawa pang manuod tiningnan ko ang oras sa dingding ng kwartong ito at alas onse pa pala so hindi pa break time, tsk mga cutting.

'point stop!' malakas na sabi ng trainor namin ng mapatumba ko ang kalaban ko.

Nagpalakpakan ang mga nasa loob at labas na nanunuod sa amin. Dali dali akong pumunta sa harapan ng nakalaban ko at tinulungan ko siyang tumayo.

'salamat.' Ngiting sabi nya sa akin 'napakagaling mo talaga aria.'

'Haha, thank you.' Sagot ko at nginitian ko din siya.

'sayang nga hanggang ngayon ka na lang naming makakasama sa club na to.' Parang nalulungkot nyang sabi. And yes last ko na to dahil nagquit na ako pinagbigyan ko lang si trainor kaya andito pa din ako sa club ngayon.

Natatawa ko naman syang hinampas ng marahan sa balikat.'hahaha ok lang yan makikita nyo pa din ako dito sa campus.'
Lumapit na din samin ang trainor namin at nagsalita.

'We're always making you spar with this weaklings.'

'not at all, sir! haha' masiglang sabi ko sa kanya. 'I'm always impressed by how much the members improve.' Sabi ko pa.

Ngiti lamang ang tinugon niya sa akin pagkasabi ko nuon.

Maya maya ay pinauwi na din kami dahil half day na naman daw ang klase malapit na kasing magbakasyon. Two weeks na lang at bakasyon na.

Naglalakad na ako papuntang room namin para kunin ko ang naiwan kong gamit ng may mapakinig akong tumatawag sa akin.

Paglingon ko may tatlong babae na papalapit sa akin. Yung isa blonde ang buhok na mahaba at kulot ang dulo, maputi at medyo matangkad at mukhang mataray. Si brielle reyes na kaibigan ko. Yung isa naman may maamong mukha maputi mayroong mahaba at maitim na buhok matangkad din pero mas matangkad si brielle sa kanya. Si maisha park kaibigan ko din. Yung pangatlo matangkad din balingkinitan ang katawan katulad nung dalawa, maputi din and she has a wavy blond hair. Sya naman si mei luna.

'aira!' sigaw ni maisha sa akin ganun na din ng iba ko pang kaibigan na kasama nya, malayo pa sila sa akin kaya't tumakbo na sila papunta sa pwesto ko.

'may problema ba aira? You look like something's bothering you.' Nagaalalang tanong sa akin ni brielle at si mei na sumasang-ayon.

'really? Don't worry guys, I'm fine.' Nakangiti kong tugon sa kanila

'sure ka?' tanong ni mei

'oo guys.' ngiting ngiti kong sabi sa kanila.

'ok, basta pag may problema sabihin mo samin ha.' Wika ni maisha at tumango tango naman yung dalawa.

Meeting Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon