10

26 5 0
                                    

Matapos naming mamili ng kung ano ano sa mall mga bandang 8:00 pa kami nakauwi dahil sa rami ng pinasukat ni brielle at inabot pa kami traffic.

Lantang lanta naman akong sumampa sa kama ko. Grabe kakapagod ang araw na to. Hinatid muna ako ni brielle sa bahay at mga pinamili namin bago sya umuwi. Grabe di ko akalain na ganto karami ang mga napamili namin.

Tiningnan ko ang mga paper bag sa tabi ng kama ko di ko alam kung ilan yun pero palagay ko mga lampas 20 paper bags yun.

Seriously?!

Masusuot ko ba lahat yan sa Monday?!

At dahil kumain na naman kami ni brielle bago umuwi di na ako kumain pa. Nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako sa kusina, tahimik na tahimik ang sala siguro natutulog na silang lahat gabi na din kasi. Naupo na lang ako sa sala at binuhay yung tv.

Umilaw yung cellphone ko dali dali ko naman itong kinuha. Si brielle lang pala kala ko si Vaughn na.

Mula nung araw na tinanong ko sya about dun sa account na sinasabi ni yanyan mga nakailang araw lang nawala na sya. Hanggang umabot sa three weeks na di sya nagparamdam. Miss ko na pagiging sweet nya, miss ko na pagiging caring nya kahit through chat at text lang.

At dahil pagod na pagod ako bigla bigla na ding bumigat mga talukap ng mata ko hanggang mapapikit ako at makatulog.

-

Sabado at linggo wala kaming ginawa kung hindi ang magpractice buong araw. Paano rumampa ng tama, mga pose at kung ano ano pa. At ang masasabi ko lang nakakapagod.

Ang sakit sa talampakan ng highheels T..T . Kada mali ng rampa pinapaulit ako ni brielle simula sa simula hanggang masanay ako sa ginagawa ko. Babawian ko yang babaeng yan pag natapos na tong tek na contest to!.

'Ang ganda mo lalo gerl, bagay na bagay sayo ang suot mo.' Sabi nung baklang nagaayos sakin na kinuha pa ni mei.

Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin, grabe galing naman nya. Ang ganda ganda ko lalo. Omg!

Lunes, Andito na kami sa school mga 12:00 pa lang at dito nila ako inaayusan, mamaya na kasing 1:30 ang simula. Wala din naman kasing tao dito dahil puro nasa labas ang mga classmates ko.

' g-guys p-pu-punta na daw lahat ng representative d-dun sa backstage.' Sabi nung babaeng hingal na hingal habang nakikipagusap kay mei.

Kaya dali dali naman silang nag-ayos ng gamit at pumunta na kaming backstage.

Bigla na lang akong kinabahan ng makatungtong sa backstage grabe, yung tibok ng puso ko parang may humahabol saking mamamatay tao. Kasama ko naman sina brielle, maisha at mei dito na panay ang pagpapakalma sakin. Kasama din namin yung magaayos dito sa likod para mag retouch. Pinagmamasdan ko pa din ang suot kong cowgirl suit.

Si zeb naman nasa kabila hindi ko alam kung kinakabahan ang taong to, ngiting ngiti pa sakin habang kumakaway.

'hi aira, you look gorgeous.' Sabi ni zeb habang papalapit sakin at humalik pa sa pisngi ko. Di na din naman bago sakin yung ginawa nya dahil nasanay na din ako sa kanya,dahil halos pag nabati sya ganun ang ginagawa nya. (-.-)

'hehe, tenkyu.'

'are you ready? Mukhang kinakabahan ka ah.' Sabi nya sakin habang minamasdan ako.

'hehe oo e, takte kasing danielo yan ako pa nireto kay mam.' Naiinis pa din ako sa danielong yun sarap nyang buhusan ng kumukulong tubig yung tipong malalagas ang balat nya pati buhok nya sa buong katawan.

q( ̄(oo) ̄)p

'haha ok lang yan nandito na tayo e.'

'hi zeb, wazzup so look handsome huh.' Sabi ni mei matapos kausapin yung dinala nyang mag-aayos.

Meeting Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon