3

26 8 0
                                    

Dumaan ang dalawang linggo kayat bakasyon na. Haaay ang sarap lang sa feeling makakatulog na ako ng maayos di na kailangan gumising ng maaga. OH yeah!

Makakapagbasa na ako ng wattpad at makakapanood na ako ng mga Korean drama bwahahaha.

*naui du nunuel gameumyeon

Tteooreuneun geu nundongja

Jakuu gase

hello.’ Sagot  ko pagkahagip ko ng cellphone sa study table.

aria friend tara mag mall.’ Sagot ng nasa kabilang linya

sino bang kasama mei?’ tanong ko baka kasi sya lang e di na ako sasama.

sila brielle at maisha, natawagan ko na din sila. Ang boring kasi sa bahay e.’ sabagay boring nga talaga. Lulugmok lang ako dito maghapon pagnagkataon.

ok maligo lang ako.’ Tapos binabaan ko na sya.

Mabilis akong naligo at naghanap ng damit
sa closet. Kumuha na lang ako ng plain white shirt at ripped knee jeans na maong. At sinuot ko na lang yung white sneakers ko. Then nag ayos lang ako ng konti at gora na.

‘ma aalis na po ako.’ Sigaw ko habang papalabas ng bahay. Narinig ko naman syang tumugon.

Kahit na tinatamad akong magdrive kinuha ko na lang yung sasakyan ko at gumora na ako. Ang hirap kasing magcommute ang init ng panahon.

Ng makarating ako sa mall pinarada ko lang sa parking lot yung sasakyan ko. Nasa labas na din sina mei, maisha at brielle dala ang kani kanilang sasakyan.

Katulad ko simple lang din ang suot nila.

Si mei naka jumper short lang at crop top na longsleeve at naka high cut na converse. Si maisha naman naka short lang na itim at naka white shirt with her black Adidas sneakers. Si brielle naman naka ripped boyfriend jeans at fitted black & white stripes crop top with her white sneakers.

‘woah astig naman ng sasakyan mo, kala ko di mo ginagamit yan?’ puna ni brielle.

‘no choice ako, wala samin yung susi nung isang kotse kaya yang lamborghini ang gamit ko.’ Sagot ko sa kanya.

‘ah ganun. So guys tara na.’ yaya ni mei.
Pag pasok pa lamang naming ng mall pinagtitinginan na kami. Kung maglakad ba naman yung tatlo f na f. feeling mga model. Well kung titingnan nga naman mukha naman talagang mga model.

Dahil nagugutom ako niyaya ko na lang silang kumain sa mcdo trip ko kasi yung fries dun.

‘guys dun tayo sa dulo.’ Sabi ni brielle dala yung tray nya.

Sumunod naman kami sa kanya at dun pumwesto sa dulo. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain at ng matapos nagtingin tingin ng mga damit. Then nag quantum kami.

🎶Till now I always got by on my own

I never really care until I met you

Birit na birit si mei sa pagkanta, kami naman nina maisha at brielle di magkaintindihan sa pagtakip sa tenga.

Mahal na mahal kasi ni mei ang pagkanta kaso nga lang ang pagkanta di sya mahal. Parang ako kilalang kilala ko at gusto ko si chanyeol kaso di nya ako kilala at di nya ko gusto huhuhuhu. Saklaf

‘tangina naman mei maawa ka samin.’ Naiirita ng sabi ni brielle.

Nung mapunta kami dito sa quantum di naming naalala na may videoke dito ayun niyaya kami ni mei, no choice naman kami baka magtampo. Mabuti na lang at di sya sa labas kumanta. Kawawa kami pagnagkataon.

And no it chills me to the bone

How do I get you alone

How do I get you aloneeee🎶

Salamat naman at natapos ang kalbaryo namin.

Napatingin naman kaming tatlo kay mei na ngiting ngiti.

‘guys, ano kaya kung sumali ako sa the voice teens?’ tuwang tuwa nyang baling samin habang papalabas na kami sa mall.

Seryoso ba sya sa naiisip nya?!

‘seryoso ka ba jan?!’ nanlalaking matang tanong ni maisha.

‘oo naman noh! sayang naman tong talent ko. magaling naman akong kumanta lalo na ang bumirit.’ Kumikinang ang matang sabi nya.

jusko!’ sabi ko at nauna sa kanilang maglakad. Bahala sila jan.

‘ouch! Tangi—‘ naputol yung sasabihin nung nakabangga sakin.

Pagtingin ko si pimple girl pala.

Nanlalaki ang mata at butas ng ilong nya habang nakatingin sakin at nagpatikar na tumakbo namumutla pa yung mukha nya.

Hala ka! Wala naman akong ginagawa dun. Tsk! Sira.

hoyyyyyy aria.’ Sabi ni mei na nagmamadaling makaabot sakin.

‘o problema mo na naman?’

‘ wala lang na miss lang kita hihi.’ Sabi nya at lumingkis sa braso ko.

alis ka nga mukha kang tuta, ano na namang problema mo?’ may pagkiskis ba naman ng ulo sa braso ko.

uhm! Ang taray mo naman.’ Naka pout na sabi nya at nauna ng maglakad.

Pagkadating ko sa parking tanaw na nagpaalam na lang ako sa kanila at umalis na. meron naman na kasi silang kani kanilang sasakyan.

-

Meeting Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon